Chapter 7

69 29 8
                                    

Chapter 7
"PMS"

Keisha Yokoi's POV

"Ang yaman kaya nyan ni Ella. Oo talaga. Maniwala kayo." Ben started to talk.

Nandito kami sa loob ng room naghihintay ng Prof. Start na ng finals week namin ngayon.

"Pano mo naman nasabi Pre?" Sakay naman ni Cedrick.

We're all grinning from ear to ear habang naghihintay sa sasabihin ni Ben.

"Eh pano pre. Nagbayad sa tricycle, pero hindi naman sumakay!" ang taas pa ng tono nya nyan.

The whole class started to laugh.

"Oh talaga pre? Tapos ano pa?" sakay ulit ni Cedrick na kunwari manghang mangha.

"Nag KFC yan pre." panimula ulit ni Ben.

Di paman nakakapagjoke eh tumatawa na lahat, sa tono lang niya kasi tsaka yung mukhang tarantadong paraan nya ng pagkekwento nakakatawa na, dagdag mo pa yung mukha. Equals? Laughtrip.

"Oh tapos?" tanong ni Cedrick. Eto pa isang mukha tarantado eh. Pakners na yata talaga sila ni Ben.

"Nagbayad para sa two piece chicken pero one piece lang ang kinuha. Oh diba ang yaman?" tugon ulit ni Ben.

Tawang tawa na kami ang kulit nila.

"Oo nga pre ah! Tapos pre ano pa?" napatayo na si Cedrick na parang sabik na sabik sa kwento.

"Bumili ng pizza yan pre, diba walong slice yon?" Tumayo din si Ben na kala mo nasa climax na ng pagkekwento ng napakamaaksyong pangyayari. Tawang tawa talaga lahat ng nanonood at nakikinig sa kanila.

"Oo pre ano ginawa?" tanong ni Cedrick habang nakatayo tapos may hampas pa sa desk.

"Isang slice lang ang kinain! Anak ng tokwa oh diba ang yaman?" eto din si Ben may hampas effect pa sa desk nya.

Nawala yung ekpresyon ni Cedrick at dagliang umupo tsaka sinabing "Pre medyo corny ka ngayon."

And that we all burst out laughing. Tarantado talaga tong mga to! Nakakaloka. Ang ingay sa buong klase dahil sa tawa naming lahat, tipong aakalain mong hindi sabay sabay yung finals ng tatlong major subject. Ganon. Nawala na din yung kaba ko sa exam mamaya, salamat talaga kay Ben at Ced.

Maya maya dumating na rin yung prof namin sa Math of Investment at nagsimula ng magpatest.

___________________

Last exam na namin for today. English yung tinetake namin. Yung mga tapos na lumabas na, tatlo na lang kaming nageexam kasi medyo natagalan ako dahil nag-cr ako dahil bigla akong nagkaroon ng monthly period.

Kanina pa tapos yung tropa kaya kanina pa sila sa labas, hihintayin naman ako ng mga yun kaya inayos ko yung pagtetest ko at hindi nagmadali.

Nang matapos ako ay pinasa ko na yung exam ko at lumabas ng room.

Ting.

Wala sila.

"Uy." may kumuhit sakin mula sa likod.

Dayle.

Di agad ako nakaharap sa kanya kasi nakilala ko agad siya sa boses. Bakit? Kasi plano ko talaga na iwasan na siya. Kasi hindi na healthy sakin na lagi ko pa siyang makasama ng solohan. Okay lang pag kasama tropa kasi nakadikit naman ako lagi sa girls at laging nakay Ced at Ben yung atensyon ko. Pero NO-NO talaga pag solohan.Di na nga rin ako umuupo sa tabi niya, nakipagpalit ako kay Kathleen, isa sa feeling ko na may crush kay Dayle.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon