Chapter 19

39 18 11
                                    

Chapter 19
"Tulad mo"

Keisha Yokoi's POV

Grabe. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kagabi nung nalaman ko na si Cedric pala yung magiging kabanda ko. Medyo natuwa ako na medyo na-awkward. Grabe naman kasi. Bakit grabe? Eh basta, grabe.

Umikot-ikot ako sa kama ko ng parang tanga. Ano na ba talagang nararamdaman ko kay Ced, gusto ko na ba siya? Crush ko na ba siya? Ewan, di ko alam.

Basta ang alam ko masaya ako pag kasama ko siya. Masaya ako pag inaasar niya ko. Masaya ako sa tuwing pinagpipilitan niyang gwapo siya. Masaya ako kahit walang kwenta yung usapan, makausap ko lang siya. Pero. Masaya din naman ako pag kausap at kasama ko yung mga kaibigan ko pang lalaki eh. Diba? Kaya ang hirap sabihing gusto ko siya tapos malay ko hindi naman pala. Makasakit pa 'ko. Nako ayoko ng ganun.

Tsaka, wala naman siyang ginagawang move masyado. Di na nga niya nababanggit yung 'bout sa gusto niya ko eh. Di ko na tuloy alam kung dahil lang ba busy kami nitong mga nakaraan o nawala na yung pagka-gusto sakin ni Ced?

What the? Bat parang ang lungkot maisip 'yun? Gusto ko na kaya talaga siya? Well, lagi ko naman siyang makakasama kaya I'm sure, mas magiging malinaw ang nararamdaman ko para sa kanya.

Bukas na yung first gig namin.

Mamaya magkikita-kita kami sa bahay nila Ced para mapag-usapan yung mga kakantahin namin bukas at makapag-praktis na rin.

Naligo at nag-ayos ako. Naeexcite akong makita sila. Siya.

Umalis ako ng 12:30 sa bahay kasi 1 ang usapan namin. By 1:20 nakarating ako sa kanila kasi traffic. Pag dating ko andun na sila, kapit kapit yung mga instruments nila. Pero si Ryan at Ced nagkapalit ng pwesto.

They didn't notice yung pagpasok ko sa room kasi Ryan is sitting in front of the drums while doing something on his phone, Ken is sitting naman sa may medyo malapit sa pinto while nakatalikod, si David naman sinasabayan ng piano yung ginigitara ni Ced.

"O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Di ako naglalaro
Di ako nagbibiro
Pagbigyan mo lang sinta
Nang sayo'y mapakita

Na ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Pangako kong pag naging tayo
Araw araw kitang liligawan

O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa
Prinsesa.
Prinsesa.
Prinsesa.
Tulad mo."

Naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko nang narinig ko yung pagkanta ni Cedric. Super ganda ng boses niya, bakit 'di na lang siya magvocalist diba? But- siguro mas gusto niyang magdrums, passion niya 'yun eh.

Pero grabe as in, ang lamig ng boses niya to the point na parang he's singging the song like he owns it.

"Yo, Keish is here." pumalapak pa si David. I smiled at him. "Let's start!" he shouted.

I looked a Cedric, nakatingin na siya sa 'kin. Napangiti ako without intention, basta napangiti lang ako. He did the same din naman and they all gone to their own places.

"You' late, dude!" bati sa 'kin ni Ryan.

"Girly girl." Ken remarked and I rolled my eyes at him.

"Traffic." I said

"Let's go rock and roll!" they all said in unison.

Wow ha? Para silang nagpraktis. Sabay-sabay pa talaga eh.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon