Chapter 15
"Behind"Cedric Madrigal's POV
"Ha-chu!!!"
Takte. Nagsisisi na ko sa pagsalo ng ulan kahapon. Walanghiyang resistensiya to. Parang utak ni Mr. Bean, sobrang hina.
"Ha-Ha-Ha-ha-chu!!!"
Singhot. Singhot.
Bwisit. Sobrang lamig. Apat na kumot na nakabalot sakin at patay na ang aircon pero ang lamig pa rin. Hays.
Di rin ako makatayo para uminom ng gamot dahil hinang hina ako. Wala pa si Daddy. Mamamatay na yata ako.
Paalam mundo.
Joke.
Cellphone? San ka? Kinapa-kapa ko yung Cp ko. Itetext ko si Kemby. Yoko pa madeads.
Pre, pnthan mko pls taas ng lgnat k
Sent.
To Keisha.
Fuck!!! Tanga tanga! Mali.
Magtatype sana ko na wrong sent lang pero nakapagreply na siya.
From Keisha:
Pre wait langNatawa ako. Pre?! Di man lang niya naisip na x-sent yun? Hangkulit talaga.
To Keish:
Wrong sent lang Keish, ky Kemby yun dapat. Wag ka puntaFrom Keish:
Ih. Nandito na ko.Nanlaki mata ko dun. Wala pang 3 minutes?! Ginagago ba ko neto?
To Keish:
seryoso kba?!Pero di siya nagreply. 3 minutes. Biglang bumukas pinto ng kwarto ko. Niluwa nun si Keisha.
Di ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Parang tanga yung mundo. Misyon yata niyang pahirapan ako. Argh!
"oh" malamig kong umpisa. Di ko dapat makita si Keish. Badtrip.
"oh?"
"oh?"
"Tae naman."
"Bakit?"
"bakit ka andito Keish."
"May sakit ka."
"Wala. Umuwi ka na."
"Pinapunta mo ko tas ganun bigla?"
Tangina. Bat ang lungkot lungkot ng awra niya?
"Wrong sent yun. At hindi ko inasahang nandito ka na in 6 minutes."
"Sabihin na lang natin na pupunta talaga ko."
Ang lungkot talaga niya. Bakit? Ibang iba to sa Keish na kilala ko.
"Bakit? Di maganda pakiramdam ko."
"Edi tamang tama pala yung punta ko."
Sinubukan pa niyang ngumiti pero traydor ang mga mata niya.
"Hindi. Umuwi ka na."
"San lagayan ng gamot?"
Lumingon lingon siya at nakita yung mini cabinet na lagayan ng mga gamot sa sipon lagnat ubo ganun ganun kasi nga mabilis ako kapitan ng sakit. Lumakad siya papunta dun.
"Wala. Umuwi ka na huy."
"Teka kumain ka na ba?"
Pinili niya yung gamot, naghahanap siguro ng para sa lagnat. - at, at iniiba niya yung usapan.