Chapter 14
"The doubt"Cedric Madrigal's POV
"I'll be there in 10 minutes! Take care Keish!"
Sa panlalaki ng mata ni Kemby eh kumalabog yung dibdib ko sa pag-aalala. Tumakbo si Kemby palabas at sumunod ako, "Pre! Anong nangyari?!"
Bakas sa mukha niya yung matinding pagaalala at lalo lang akong kinabahan. Nagmamadali siyang sumakay sa motor at isinaksak ang susi. Tumingin siya sakin ng may matigas na panga.
"Mamaya na pre!" humarurot siya pero sumigaw agad ako.
"Sama 'ko!" sigaw ko at agad na hinabol siya, tumigil siya at sumakay agad ako.
Be okay, Keish.
Halos lumipad kami pero hinayaan ko na lang. Kailangan naming makarating Kay Keisha.
Nong makarating kami sa bahay nung Gerald ay agad kaming pumasok. Dala dala yung kaba na baka may nangyari na kay Keisha. Wag naman sana.
Pag pasok namin ay may narinig kaming ingay sa kusina, patakbo ay pumunta kami dun ni Kemby.
"Gerald ano ba?! Ang dami pang babae sa mundo! Itigil mo na 'to please!" umiiyak na si Keisha, nagmamakaawa sa lalaking mukhang miserable. Puta. Ang sakit makitang umiiyak si Keisha.
"Si Kaye nga lang ang gusto ko! Di mo ba naiintindihan yon?! Kung hindi siya mas mabuti pang mamatay na ko!" sigaw ni Gerald at nagpumiglas sa kapit ni Keisha sa braso niyang may kapit kapit na lalagyan ng gamot. Sa sobrang pagpiglas na ginawa ng lalaki ay nalaglag sa sahig si Keisha. Nag igting ang panga ko sa nakita ko.
Lalapit na sana ako para bigyan ng sapak na pangpagising ang gago na yun pero unang nakalapit si Kemby.
Kemby's fist landed to Gerald's face. Galit na galit si Kemby, kitang kita sa ugat na lumalabas sa bandang noo niya.
Ang ginawa ko na lang ay tulungang tumayo ang umiiyak na si Keisha. Umiiyak ang babaeng mahal ko. The sight caused me pain.
"Tahan na." sabi ko at agad siyang niyakap. She burried her face at my chest and made soaring sound. Lalo kong gustong sapakin si Gerald.
"TANGA SIGE INUMIN MO LAHAT! MAGPAKAMATAY KA SIGE! PUTANGNA PRE! PARA KANG GAGO!" galit na sigaw ni Kemby kay Gerald.
"MANAHIMIK KA! DI MO ALAM ANG PINAGDADAANAN KO KAYA MANAHIMIK KA!" ganting sigaw ng galit na galit na ding si Gerald. Lalong lumakas ang pag iyak ni Keisha. Lalong sumikip ang dibdib ko sa bawat pag singhap ni Keish.
"OH EH KAYA NGA AYAN! MAGPAKAMATAY KA NA! INUMIN MO LAHAT PARA SIGURADO NA! PUTANG NA! MAGPAKAMATAY KA NA! KALIMUTAN MO NA YUNG PAMILYA MO! KALIMUTAN MO NA KAMING LAHAT NA NAGMAMAHAL SA 'YO GERALD MAGPAKAMATAY KA NA! SAKTAN MO LAHAT DAHIL LANG DI KA NAGAWANG MAHALIN Ng BABAENG MAHAL MO! SAKTAN MO KAMING LAHAT! MAGPAKAMATAY KA NA!" buong panggagalaiti at sakit na sigaw ni Kemby.
Even my heart got broken. Malalim yung pagkakaibigan nilang tatlo. Kaya siguro sa bawat salita, ramdam ko yung sakit na nararamdaman nila.
Lumuwag yung kapit ni Gerald sa bote ng lason na kapit niya. Yumuko siya, nakita ko yung luhang pumatak mula sa mga mata niya. Napakamiserable. Siguro nga sobrang sakit.
"Gerald ano ba? Bat ka umabot sa ganto? Bat kailangan mong umabot sa ganto?"
Ganon ba talaga kasakit? Para umabot ang isang tao sa puntong gusto nya nang mawala sa mundo. Ganun ba talaga kasakit? Gusto kong malaman.
I can't imagine myself in that situation.
"Hindi ko na kaya, pre. Ang sakit sakit na. Para 'kong sasabog . . . Ginawa ko lahat para sa kanya eh."