Chapter 21 - Fixing things
Keisha Yokoi's POV
Ilang araw na din. Every other day nag-gi-gig kami. Titig dito, titig do'n... sabay biglang ngingiti. Gano'n lagi kami. At ang saya ko.
May times na natetemp akong halikan siya at may times na gusto niya 'kong halikan pero napagpasiyahan namin na bawal muna hanggang hindi pa kami. Nakakatawa 'no? May arte pa kaming gano'n eh ilang beses na nga kaming naghalikan. Wala kasing basagan ng trip.
So kada gugustuhin namin ng halik, nagyayakapan na lang kami. Hindi ako nagsasawa sa amoy niya, kahit minsan amoy pawis... ang unfair nga lang kasi mabango 'yung pawis niya. Eh ako? Ang asim ko daw. Sama niya 'di ba?
Si mama naman. 'Di ko parin siya nakakausap. Ang hirap eh. Parang sobrang nahihiya ako sa kanya.
Hanggang sa isang araw lumapit sa 'kin si mama habang kumakain ako. Kinabahan ako. Ewan ko ba kung bakit. Pero umakto ako ng normal. Tinuloy ko 'yong pagkain ko.
Mga ilang minuto... Tahimik lang kami. Hinihintay ko s'ya magsalita, hinihintay niya din ba 'kong magsalita? Sige maghintayan kami. Ayos 'yon.
"Sorry, anak."
'Yon palang 'yung sinabi niya pero biglang nagunahan ang luha sa paglabas sa mata ko. Hindi ako makapagsalita.
"Sorry, anak... Kung ang layo layo natin sa isa't isa."
Suminghot ako sabay tayo at niyakap siya. Niyakap niya ko pabalik.
"Simula no'ng bata ka pa... Hindi pala 'ko naging nanay sa 'yo... Patawarin mo si Mama ha? Anak."
Tuloy-tuloy 'yung mga luha ko sa pagpatak. Para kaming mga baliw na singhot ng singhot.
"Ang hirap kasing magpakananay para sa 'kin kasi walang naging halimbawa no'ng bata ako... Alam mo namang baby palang ako namatay na ang lola mo 'di ba? Hindi ko alam na nagpapakananay ako kay Ana, kasi ang alam ko trabaho lang 'yun. Alam kong hindi dapat 'yon ang dinadahilan ko eh, kasi kasalanan ko naman talaga. Sorry, anak. Mahal na mahal kita pero hindi ko talaga alam kung pa'no ka lalapitan." suminghot singhot kami.
Hindi parin ako makapagsalita dahil sa luha at sa paghabol ng hininga ko. Hindi ko alam pero sobrang saya pala sa pakiramdam ng yakap ng nanay.
"Kasi sabi mo nga... Papa mo lahat ang gumagawa kaya pakiramdam ko lumaki kang hindi kita kilala. Pero mahal na mahal kita, anak. Kahit ga'no pa kalayo ang loob natin, bilang ina mo, mahal na mahal kita."
Niyakap ko siya ng sobrang higpit saka ko siya hinarap.
"ma... I'm sorry."
Nanginginig 'yung boses ko. Nahihiya parin ako pero tinuloy ko na.
"Sorry sa lahat ng pambabastos... Sorry sa lahat ng pagsigaw... Sorry sa sadyang paglayo. Mahal din kita, ma... Pero mas naging madali sa 'kin na itaboy ka... Sorry kung feeling ko dati ako lang 'yung nasasaktan. Sorry kung ngayon ko lang narealize na nasasaktan din kita ma..."
"Shhhh. Obligasyon ko 'yon anak... Pero wala akong ginawa kaya kasalanan ko... 'Wag mong sisihin ang sarili mo."
"Pwede naman tayo magsimula 'di ba, ma?"
Nakangiti na kami ngayon habang umiiyak.
"Pwedeng pwede... Nagresign na 'ko sa tita mo. Maghahanap na lang ako ng trabaho na magkakaroon ako ng oras sa 'yo, anak. Pangako babawi ako."
Ngumiti lang ako at niyakap ulit si mama. Sobrang saya ko.
***
Pumunta ako sa bahay nila tita, 'yung bahay nila Ana. Hihingi ako ng tawad sa kanya, hindi ko dapat siya dinamay sa problema ko.
Umupo ako sa sofa habang hinihintay s'ya sa pagbaba.
"Sorry, Ana. 'Di dapat kita dinamay sa galit ko sa mundo o kay mama. 'Di mo naman kasalanan 'yon at kung tutuusin dapat nga 'kong magpasalamat sa 'yo kasi naging mabuti kang anak sa kanya nung mga panahong tinutulak ko siya palayo eh. Sorry talaga, Ana. Nadamay ka pa sa pagkamiserable ko." dali-daling lumabas ang mga salitang 'yong no'ng pagkaupo niya sa tabi ko.
Hindi siya nagsalita bagkus ay niyakap lang ako. Matagal.
"Sorry din Couz kung nangialam ako kahit hindi ko alam 'yung pinanggagalingan mo. Sorry, couz kung parang minaliit ko 'yung sakit na nararamdaman mo."
"Okay na 'yon. Bati na tayo?"
"Masaya ako na okay na tayo."
"Gan'to ba talaga pag nagmamature?"
Tumawa kami. Mukhang malapit ng umayos lahat.
Kinahapunan. Nagkita kami ni Ced.
Grabe miss na miss ko siya.
"Namiss kita ng sobra!" sabi niya.
"Magkasama lang tayo kahapon."
"Kasalanan ko ba kung bago palang tayo magkakahiwalay miss na kita?"
"Pakilig ka masyado kaya ang sarap mong pitikin eh. Nga pala, may goodnews ako."
"Ano 'yon?"
"Okay na kami ni mama tsaka ni Ana."
"Weh 'di nga?!"
Tumango ako. Kinuwento ko 'yung mga kadramahang nangyari. Siya naman nakikinig ng mataimtim tapos ngingiti minsan na kala mo sila ni mama 'yung nagkabati.
Ngumiti ako... gusto ko ng maayos 'to.
"Maayos na lahat... Ced. Pwede na kitang-"
"Kumain ka na?" pinutol niya 'yung sasabihin ko. Bigla akong kinabahan, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, naging parang hindi komportable. Naging parang may ayaw siyang mangyari.
"Makinig ka nga sa 'kin..." kinuha ko 'yung mukha niya. "... Handa na 'kong maging ta-" -yo.
"Mamaya na kumain muna tayo, okay? Jollibee o Mcdo? S'yempre Jollibee, ikaw pa tinanong ko eh 'no?"
Parang kinurot 'yung puso ko. Napatunayang iniiwasan nga niya 'yong gusto kong sabihin. Kahit medyo nakaka-gaga tinigil ko na. Kung ayaw niya, hindi ko ipipilit.
Nagsawa na kaya s'yang maghintay?
Hindi na 'ko nagsalita pagkatapos no'n. Nakaka-frustrate kasi hindi rin siya nagsasalita. Para bang mas gusto niya 'to.
Hinatid niya 'ko hanggang sa gate ng bahay namin. Didiretso na sana ako sa loob nang bigla niyang hilahin 'yung kamay ko.
Tumitig ako sa kanya. Nasasaktan ako kasi hindi ko siya maintindihan. Nasasaktan akong isipin na baka ngayong handa na 'ko... Ayaw na niya.
"Sa 'yo parin ako. Sa 'yo lang lagi ako."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon tumalikod na siya at naglakad palayo. Naiinis ako. Bakit nagkakagano'n siya?!
Hinga ng malalim.
Si Ced 'yun.
Siguradong may dahilan.
Ang hiling ko lang... Sana 'yung dahilan na 'yon eh hindi 'yung tipo ng dahilan na ilalayo siya sa 'kin. 'Wag sana, parang hindi ko na kakayanin.
_____________
Naman 'to si Ced oh! ><