Chapter 22

29 10 4
                                    

Chapter 22 - Never ending ride?

Keisha Yokoi's POV

Naalala ko nanaman 'yong gabing puno ng pagmamahal. 'Yong gabing nagbitiw kami ng pangako sa isa't isa. 'Yong gabing hiniling ko na sana magtuloy-tuloy na ang daloy ng istorya naming dalawa. Pero ayaw yata talaga ibigay 'yon ni tadhana.

Naging maayos na kami ni mama. Nagkabati na kami ni Ana. Mas madami ng oras sa 'kin si mama... masaya naman ako, 'di ko ipagkakaila 'yon. Pero sa nangyayari ngayon, napatunayan kong hindi pala pwedeng ibigay ng sabay sabay lahat.

Nakakainis. Hindi ba talaga pwede 'yung purong saya? Bakit laging may kahalong lungkot? Pero pag malungkot naman, purong-puro. Ang unfair talaga.

Patuloy parin 'yung pagkikita namin ni Ced. Sa simula magtatawanan... pero pag sisimulan ko nang sabihin na pwede ng maging kami. Lahat na ng dahilan nagamit niya na para maputol ang sinasabi ko. Kahit sobrang nasasaktan ako, kahit gusto kong magpaka-immature at magalit sa kanya. Inaalala ko na lang 'yong mga panahong hindi s'ya nagsawang intindihin ako. Pinanghahawakan ko na lang na siguradong may dahilan kaya nagkakagano'n siya.

Hanggang sa nagpasukan na ulit. Second year na kami. Mas napapansin ng barkada 'yung something sa 'min. Dahil nga sabik na sabik na kami sa mga pagmumukha ng isa't isa. Andyan nanaman 'yong mga trip namin. Okay din, kasi na-occupy ako at medyo natabunan no'n 'yong pag-iisip ko sa dahilan ni Ced kung bakit s'ya nagkakagan'to.

"'Di ko lubos maisip na may i-iitim ka pa, Dayle. 'Di pa pala highest level 'yon? Tapos 'etong si Rossy, medyo tumaba, pusta ko nadagdagan ka ng kalahating kilo 'no? Ikaw Shiela, pwede bang mag-stop ka na sa pagtangkad? Hiyang-hiya na ang height ni Leilanie sa 'yo."

Nagtawanan kami. Nagsimula nanaman 'tong si Ben.

"Dannah, patahimikin mo nga 'to baka makutusan ko 'to." sabi ni Bry kay Dannah.

Umirap lang sa kanya si Dannah, natawa ako, nakakatakot kasi mang-irap si Dannah, tipong titiklop 'yung tuwid... Gano'n.

"Paki ko naman d'yan?" pairap nitong sagot.

Hindi nakapagsalita si Ben. Natawa kami sa ekpresyon ng mukha niya, 'yong mukhang nalugi.

"Awwww. Anong pakiramdam? Na walang paki sa 'yo 'yong taong mahal mo?"

"Na okay lang sa kanyang masaktan ka habang ikaw hindi mo gustong masaktan siya?"

"Na hindi ka pahalagahan ng taong lagi mong inuuna?"

"Na hindi-"

"Tangina niyo, Guys."

Nagtawanan kami, first time naming makitang napikon si Ben... At dahil 'yon kay Dannah.

"Sanay naman ako na gan'yan siya. Walang puso." pagdadrama nito habang nakatitig kay Dannah.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Ben." Irap ni Dannah.

"Ang pagsuko ay wala sa bokabularyo ni Benjamin Alfafara!" singit ni Dayle.

"Tama!" sigaw ni Ben sabay kindat kay Dannah.

Nag-eenjoy kami sa mini-show ni Ben na pangungulit kay Dannah. At times namumula na si Dannah, 'di nga lang mai-distinguish kung sa inis o sa kilig.

"Tama na 'yan, Ben. Kung hindi s'ya para sa 'yo, 'wag mo nang ipilit pa."

Ngayon lang nagsalita si Ced, hindi ko pa nagustuhan 'yung sinabi niya. Sa kanilang lahat biro 'yon pero parang iba 'yung naging dating sa 'kin.

Umalis ako sa tabi ni Cedric. Nasasaktan niya na 'ko, hindi ko alam kung sinasadya na ba niya eh. Ano bang problema niya?! Bakit kasi hindi na lang niya 'ko kausapin ng maayos, sabihin niyang ayaw niya na sa 'kin. Tatanggapin ko kahit mahirap basta maging honest lang siya.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon