Chapter 2

430 40 10
                                    

Chapter 2
"What the hell?"

Keisha Yokoi's POV

"San nga tatambay? Lastek 4 hours and 30 minutes ang Vacant. Kaburyo yuuuun!" pag hihimutok ko. 3rd week na ng klase, at as I expected, yung 9 na lalaki sa 49 kong kaklase ay ka-close ko na. Including Dayle(eeeeeeeee!), okay, may mga babae din akong naka-close. Na kasama namin ngayon.

"Eh kung sainyo kaya no?" Suggested Karlo.

"Nye. Di pwede samen. Inyo na lang Rossy!"

"Eh! Taga manggahan pako!"

"Shiela?"

"Taga santolan pako!"

"Ella?"

"Taga santolan din ako!"

Langya? Di ko nga alam yung santolan! San ba yon? Keme naman oh.

Inisa-isa ko sila kaso mga malalayo daw bahay nila. Mga naghihintay lang din ng matatambayan. Mga walangyang to.

"Kembs."

"Wag ako Keish."

"Kembs."

"naku. Naku. Tigilan mo yan."

"Kembs."

"Langya ka talaga! Sige na sige!"

"Yey! lezz goooo!"

And yun. Pumunta na kameng 14 kila Kembong sa pamamagitan ng Jeep, ayaw ko sana dun kasi sawa na ko pero no choice eh. Bahahaha.

"Pre may ass ka na?" Tanong ni Cedric kay Ben habang papasok kame sa Village nila Kembong.

Ay oo nga pala may assignment kami sa English. Di bale mamaya pa naman yun.

"Pre matagal na kong may ass, tambok tambok nyan oh." sagot ni Ben sabay tapik tapik sa pwet niya.

We all laughed kase parang seryoso pa siya sa sinasabi niya. Tong si Bentong talaga.

"Itlog ka talaga." yun na lang nasabi ni Cedric.

"Pre meron din ako dalawa."

We all burst out laughing, ogag talaga. Bwahahaha.

"Bugok!"

"Gago pre di 'to bugok!"

Grabe yung tawa nameng lahat umaalingangaw na sa village.

"Leche kayo!"

"Kadiri ka Ben!"

"Laptrip!"

"Gago ka, man!"

"Tarantado ka may girls tayong kasama!"

Tapos ayon pinagbabatukan nila si Bentong.

Nakarating kami sa mansion nila Kembong tawa kami ng tawa sa mga kagaguhan ni Ben, Cedrick at Karlo.

Si Dayle tahimik lang. Takot mapagtripan.

Pumasok kami sa bahay nila Kembong, patay yung ilaw. Edi ayun naisipan kong pag tripan yung maitim naming kasama.

"DAYLEEEE?! ASAN KA?!" Sigaw ko, kahit kasabay ko lang siya maglakad.

Edi nagtawanan nanaman. Bahahaha. He rolled his eyes at me tapos siya din natawa.

"Kembong! Pakibukas yung ilaw di ko makita si Dayle!" Dagdag ko pa.

"Nako pre pinagtitripan ka oh. Ang dilim mo daw oh."

"Nako nako oh, di ako papayag ng ginaganyan ako oh!"

Gatong ni Patrick at Bryan. Tawa lang ako ng tawa kasi naiinis si Dayle.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon