Chapter 6

62 27 5
                                    

Chapter 6
"Reality slapped me"

Keisha Yokoi's POV

"Pano? Di ko maintindihan... At kailan pa? Pano nangyaring hindi ko naramdaman? At saka si Ella? Ano pinaglalaruan lang niya? Napakaimposible niya Gerald..." I asked Gerald in so much confusion.

Pagkaalis na pagkaalis ni Kemby. Ewan ko na. Sobrang nagulat ako. I didn't even expect that coming. Kemby actually loves me? At hindi ko man lang nalaman? Sa everyday na magkasama kami? What the heck? Parang sasabog na yung utak ko.

"Isang taon na rin yata nung sinabi niya sakin na mahal ka na niya eh. Tapos nung last year na Friendship Anniv natin, aamin na sana siya at magpapalam na ligawan ka pero bigla mong sinabi na kayo na ni Josh kaya di niya tinuloy." Kwento ni Gerald. I looked at him in disbelief. "tapos nung 4 months ago na nag-EK tayo, libre nya tayo pareho diba? Dapat yayayain ka nya sumakay dun sa ferris wheel na mabagal tapos dun nya aaminin kaso kung ano ano daw kinwento mo di daw siya nakapagsalita." you've gotta be shitting me. "Look, ang yaman yaman ni Kemby pero pinilit nyang makapasok sa school nyo diba? Kasi ayaw nyang malayo sayo, gusto nya mapoprotektahan ka nya. Mahal na mahal ka niya Keish." yung boses ni Gerald parang sobrang nasasaktan siya para kay Kemby. Syempre, kung matagal na palang alam to ni Gerald, siya din yung may alam kung gano nasasaktan si Kemby.

Pero sa totoo lang. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Dapat ba mahalin ko din si Kemby? Nyek, that's impossible atleast for now. Di naman yun ganon kadali no. Tsaka kung maiinlove ako sa kanya ayoko naman na pilit lang kasi ang deserve na pagmamahal ni Kemby ay yung buo at kusa.

"Eh si Ella?" biglang tanong ko ng maalala ko yun.

"Alam naman na daw ni Ella yun, sabi daw sa kanya ni Ella okay lang daw. Si Kemby nagkekwento kay Ella tungkol sayo tapos si Ella nagkekwento kay Kemby tungkol kay... Sino ba yun? Steve yata or Steven." I sigh in relief. Mabuti naman at hindi pala masyadong mess itong sitwasyon.

Shemay.

eh ako?

Anong gagawin ko?

Nakakabaliw.

"Gerald ano gagawin ko?" I asked, hoping na may maisasagot siya na makakapagpaayos ng sitwasyon. "Galit kaya sakin si Kemby? Papansinin pa kaya niya ko? Di ko na maimagine yung buhay ko na wala si Kemby bilang matalik na kaibigan ko."

Gerald ruffled my hair tapos medyo natawa siya. Tumingin ako sa mata nya, mentally asking kung para san yun. "Ano ba yang iniisip mo? Si Kemby? Di ka papansinin? Di nya kaya yon no, di nga nabubuo araw nun pag di nya naririnig yung tawa mong daig pa ang lalaki eh." He stated tapos ngumiti siya sakin.

"tingin mo talaga?"

"Oo sure ako dun."

After the talk. Kinuha niya yung Smartphone niya sa bulsa tapos idinial yung number ni Kemby.

"Hello pre balik ka na dito... Ah nasa jollibee ka?... Ah sge sge... 15 minutes?... Sge hintayin ka namin." tapos pinatay yung tawag.

"Oh, see? Nagwalk out lang para bumili ng pagkain. Baliw talaga yun." matawa tawang sabi sakin ni Gerald. That somehow eased the tensed feeling I had inside.

Honestly, di ko pa alam kung anong gagawin ko. Pero si Kemby to, never niya kong pinahirapan kaya sobrang naging mahalaga na siya sakin. Pinaparamdam niya sakin yung pagmamahal ng isang tatay, kuya, kaibigan at ngayon, bilang espesyal na tao para sa kanya.

I groaned in frustration as I try to remember his weird actions. Like, napapa-pause siya whenever na yayakap ako sa kanya tuwing sasakay ako sa motor nya, yung irita sa boses siya sa tuwing kinikilig ako sa iba. Argh.

Confusing as HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon