Chapter 8: Part 1
"what?!"Keisha Yokoi's POV
Haaaaay. Nakakainis- ay hindi pala. Nakakaboring yung ibig kong sabihin. Eh pano, simula na ng sembreak namen, 3 effing weeks! Shiz. Ano namang gagawin ko sa loob ng tatlong linggo?
Second day palang ngayon pero feeling ko isang taon na ko nandito sa bahay- sa kwarto to be specific. Parang sinasadya ng mundo ko na maboring ako kasi LAHAT ng tropa ko nagbakasyon sa kung san san. Ay ewan ko din pala si Leilanie at Cedrick, si Leilanie kasi diko nakakausap yon pag gantong walang pasok, wala kasing communication eh. Si Cedrick naman, ewan ko dun, di ko na yun masyado nakakausap eh. Tuwing nagcha-chat siya di ko nirereplyan.
Si Dayle ~ uhm. Kirot sa puso naman pag naaalala ko siya. Ayun basta di ko na siya pinapansin. Di rin niya ko pinapansin. At some point okay na yung ganun. Pero medyo nakakalungkot pa din. Medyo pa? Malungkot talaga!
Hayyyyy.
Ayoko na siyang makita.
Pero gusto ko siya makita.
Ang gulo na rin ng nararamdaman ko.
Sabi ko naman kasi di ako mageexpect para di ako masaktan. Pero naman kasi! Nakakatanga yung tipong lagi ka niyang ichinachat tapos ang sweet sweet nya at may iba kang nararamdaman sa mga titig niya tapos wala lang diba? Nakakatanga grabe.
Iniisip ko na lang nga na nagassume lang siguro ko pero parang lolokohin ko lang yung sarili ko dahil damang dama ko yung pagkatotoo nung mga nararamdaman ko. Grabe. Ang gulo talaga.
Pero kung iisipin ko naman, tinanggi niya eh. Tapos diniretcho niya na ko. Bat naman siya magsisinungaling diba?
Pero di ko na talaga alam yung gagawin ko o may dapat ba talaga kong gawin? Parang wala eh. Ang sakit sakit talaga pag naaalala ko yung puntong sinabi niya special ako sa kanya tapos maya maya sinabi niyang wag ko siyang gustuhin dahil dapat ang ginugusto ko ay yung taong gusto din ako. Di lang niya dinirekta na sabihing di niya ko magugustuhan pero yun yung ibig sabihin nun eh.
Shungenaaaa.
Naligo ako tapos nagbihis. Aalis na lang ako, kahit san mapunta okay lang. Langya.
Ayun, kung ano yung unang jeep na makita ko dun ako sumakay. Crossing ilalim. Orayt. Megamall.
Nagbayad ako tapos sumakay.
Ay sumakay pala muna tapos nagbayad.
Orayt. Luka-luka na din ako.
Tangang assumerang luka-luka, complete package!
Isang oras yung naging biyahe kasi medyo traffic at malayo. Pagbaba ko, saktong nagstoplight at may nakita ako bus na papuntang moa. Tumakbo agad ako dun at sumakay.
Ordinary lang yung sinakyan ko kasi mas mura at tsaka mahihiluhin ako sa aircon.
Naenjoy ko yung biyahe kasi tumatalon talon yung bus sa sobrang bilis magpatakbo. Dapat natatakot ako pero mas natuwa pako. Di naman siguro ko maaksidente.
Ang saya parang nagrarides lang ako sa Star City. Haha.
Tapos ayun, bumaba ako sa tapat ng Globe. Papadilim na rin kasi mag-si-six na. Ang bilis na oras. Ginala ko lang yung mata ko sa paligid. Di ko maappreciate yung lugar kahit maganda naman na siya tignan kasi padilim na.
Dun na lang ako sa dagat.
Pumunta ako dun sa seaside.
Medyo konti lang yung tao, pumwesto ako dun sa may konting mga tao na nakapalibot, ayoko dun sa walang tao at all, nakakatakot. Haha.