Chapter 16
"THAT day"
Keisha Yokoi's POV
"Kemby . . . Madaling sabihin para sa iyo yan, di ka pa kasi dumadating sa punto na yung mga salitang dapat magpakalma sa inyo ay magkakaroon ng baliktad na epekto. Keisha . . . Di ba dapat ikaw nga ang makaintindi ng nararamdaman ko?" Tinignan niya ko ng mata sa mata at napayuko ako. Tama siya at sobrang sakit. Di ko na alam ang dapat kong maramdaman.
Nasasaktan akong makitang ganto si Kuya Gerald. Oo, dumoble pa yung sakit dahil alam ko kung anong nararamdaman niya. Alam ko yung punto na kahit alam kong mali magpakamatay, gusto kong gawin para lang mawala na yung di matapos-tapos na sakit.
Pinauwi na kami ni Gerald. Di ko alam kung galit siya o frustrated lang dahil parang walang nakakaintindi sa kanya. Nalulungkot ako pag naiisip ko kung ano na kayang nararamdaman ni Gerald. Naiisip niya siguro na wala siyang kadamay.
Nakakainis.
Hinatid ako ni Kemby. Hinubad ko yung Helmet tapos humarap sa kanya.
"Mali ata yung ginawa natin." malungkot kong sabi.
"Wag mo ng isipin muna." sabi niya. Umiling ako.
"Mahirap hindi isiping nasaktan natin ng sobra si Gerald sa mga sinabi natin." sagot ko. Nababadtrip ako sa sitwasyon.
"Kahit anong sabihin natin masasaktan siya. Walang tamang rason sa mga taong nasasaktan." sabi niya. Nag iwas ako ng tingin. Tama. Tama si Kemby. Kemby patted my head kaya tumingin ulit ako sa kanya. He forced a smile, "Pumasok ka na." sabi niya tsaka pinaandar yung motor.
Hinintay kong mawala siya sa paningin ko. Badtrip pa rin ako sa mga nangyari. Maiiwasan ba yun?
Pumasok ako sa bahay. Lalo lang akong nabadtrip.
Nagkukulitan si Anna at mama sa sofa habang nanonood ng TV. Napatigil sila nung nakita nila ko.
"Anak kumain ka na?" tanong ni mama na di ko sinagot at dumiretso lang sa hagdan.
Nasa taas na ko nung may narinig akong sinabi ni Anna na nakapagpakulo sa dugo ko.
"Tita, bat ang bastos ng anak mo?" Nanggigil ako.
Di ko narinig sumagot si mama. After nun pumasok ako ng kwarto at sinadyang ibagsak yung pinto. She's really good at exasperating me, huh.
- - -
Tae. Nakatulog pala ko. Pagtingin ko sa Cellphone ko, umaga na rin pala. New day, pero badtrip parin.
Bumaba ako, dumiretso sa kusina. Nandun siya. Si Anna.
Tumuloy parin ako, kumuha ng gatas sa ref at tasty."Keish." she called out.
I pressed my lips in a tight line.
"I just wanna know if you have a problem with me."Badtrip. What a way to start a day eh no? Tinignan ko siya, tapos tinuloy ko na ulit yung paglagay ng gatas sa baso ko.
"Will you stop acting like a deaf?!" pasigaw niyang sabi sakin.
That hit a nerve. Wow ha? Ang kapal ng apog neto ah. Ayoko sa lahat ay yung sinisigawan ako eh.
"What now?" I asked with a straight face.
"Do I have to repeat myself?" she replied in an intimidating way but fuck me if that affected me.