Kabanata 4

6.1K 114 3
                                    

Kabanata 4

Went wrong

“I love you,” I mouthed to her. Kahit na hindi ko alam kung nakuha niya ba ang buka ng bibig ko. I’d still wanted these words to come from my mouth. Kahit na may salaming humaharang ay nakita ko pa rin na nakatingin pa rin si Scar sa akin. Pagkatapos ay naglakad na siya papasok sa bakuran nila.

“Happy Birthday, Scar. Hintayin mo lang ako. Don’t make any damn decision today. Please,” bulong ko kahit na wala siya sa tabi ko at nakapasok na sa loob ng bakuran nila.

Ilang minuto ang hinintay ko bago ko paandarin ang kotse para pumunta sa lugar kung saan gustong gusto kong dalhin si Scar. But the world—people around us stopped me to do it. Noong una akala ko magiging maayos lang ang lahat. Gusto ko talaga siyang ligawan noong nasa Grecia kami. Pero hindi ko alam kung bakit naging ganito ang estado ng buhay niya. Para bang wala siyang karapatang magdesisyon para sa sarili niya. It’s all his grandfather’s decision. Scar’s life is all about his grandfather’s laws in life. Naintindihan ko siya noong sinekreto niya ‘to na ikakasal na pala siya kay Yuan. Lalo lang nito pinagtibay ang nararamdaman ko. Not because I wanted her to steal to Yuan or to anyone. Nang dahil gusto ko maasam niya ang lahat ng gusto niya.

“I’ll be your comfort not your biggest burden, Scar.”

Napapikit ako nang maalala kung anong sinabi ko sa kanya noong umakyat ako at pumasok sa kwarto niya sa kanyang bintana. I was so desperate. Desperado na ako para makausap siya. I was so desperate to see her.

I am still desperate to her.

Sa pagiging sikreto ng sa amin ni Scarlett, wala na akong pakelam. All I want is her. Kahit na kaming dalawa lang ang nakakaalam. I won’t care. I just don’t want her to give me up again. Giving up is never an option to me. Letting her go will never had a chance to happen. Never. Never in my life again.

Uunahan ko na silang lahat sa balak nila. I’m going to marry her. Right away. Scarlett will be a Salazar.

**

Naging madali ang byahe ko sa papunta sa isang village. Hindi naman traffic sa dinaanan kong lugar. Agad akong bumaba ng kotse para makita ang kabuuan ng bahay habang nakalagay naman ang isa kong kamay bulsa para usisaan iyong maliit na black box.

“You only need to wait, Scar. Wait.” I whispered to myself.

Naningkit ang aking mata nang tumingala ako para makita ang taas ng bahay. Binaba ko ang tingin sa itim na gate at ginugusto ng paa ko na pumasok dito. But I hold back myself to walk inside this house. Gusto ko sabay kaming makapasok dito.

Noong una, I never had a purpose bakit gusto kong magpatayo ng bahay pero ngayon she’d given me a purpose. Nagkamali na ako noong una but this time I will make sure that ours will never be a damn mistake.

Nilabas ko mula sa bulsa ang itim na kahon. Kinuha ko ang singsing nito at pinagmasdan. Alam ko mabilis ‘tong desisyong ito. Pero ito na lang ‘yong tanging paraan na naiisip ko. Maybe this time, she will not give up. Maybe this time, wala na siyang iisipin kung umoo siya sa akin. Na gusto niya akong pakasalan. But in the worst case scenario, I’m not ready for a ‘no’ answer coming from her. It means she gave up on me. Ibig sabihin lang non, hindi niya ako hinintay.

I bit my bottom lip. No…hindi niya sa akin gagawin ‘yon. She’ll wait. Hihintayin niya ako ngayon.

Napabuntong hininga ako. Nilagay ko na sa bulsa ang singsing at hindi na nilagay ito sa kahon. Mabilis akong naglakad at pumasok sa kotse. I check the time. It is 5:00 in the afternoon. Kailangan ko ng bumyahe papunta sa bahay nila Scar. Kailangan kong gawin ‘to. I’ll be forever desperate for her. So fucking desperate.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon