Kabanata 32

3.8K 118 15
                                    

Kabanata 32

Not this time


"Wait lang may naiwan pa ako sa kwarto mo..." Nahihiya kong sabi kay Benj. Naiwan ko kasi 'yong undergarments ko kasama 'yong damit sa ibabaw ng maliit niyang cabinet. Napakagat ako ng labi habang pinipigilan 'tong pagpula ng mukha ko. I heard him laugh a little kaya napatalikod na ako sa at nagmamadaling umakyat muli.

Kainis! Kainis! Bakit kasi hindi ko pa inayos kagabi 'yon. Kainis! Pumapadyak ako habang papunta sa kwarto niya. Sinampal ko pa ang sarili ng isang nang marating ako sa tapat ng pinto niya. Agad na natagpuan ng mata ko 'yong damit pagkabukas ko ng pinto. Mabuti na lang sa gilid nito ay may paper bag. Nilikom ko 'yong damit at 'yong undergarments ko at nilagay sa paper bag. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto niya. I blushed when I remembered what happened last night. Napailing ako patuloy na lang naglakad habang nasa likod ko ang paper bag. Wala pa yatang limang minuto nakababa na ako sa hagdan at nagmamadaling lumabas ng bahay. Urgh. Awkward, if he'll ask me about this paper bag.

I roll my eyes.

Papunta na sana ako sa garahe nang may narinig akong boses na babae. Sinilip ko kanino nanggaling iyon.

"Benj...please." Pilit na kinuha ni Jezel ang kamay ni Benj ngunit hindi ito hinayaan ni Benj. "Please...I'll be better this time..." Pinagdaop ni Je ang kanyang kamay habang nakikiusap kay Benjamin. Nakita ko ang pag-agos ng kanyang luha sa pagmamakaawa. I don't feel anything. Gusto kong saktan siya ng doble sa ginawa niyang pag-iinarte. "Break up with her. Be with me...again. She cheated on you. Nakita mo naman 'yong picture, di ba?"

"No..." matigas na sabi ni Benj. Mula rito sa pwesto ko, kunot ang noo niyang nakatingin ng diretso kay Jezel. "Why would I do that?" He snapped. "Tigilan mo na si Scarlett, Jezel. And I swear, Je..." Benj harshly shook his head in disbelief. "If ever I see you lay your hands on my girl...I swear I'll forget you're a lady." Masama ang tingin ni Benj sa kanya na halos mapaatras na si Jezel. Na halos mapunit na 'yong envelope na hawak niya.

"Benj...no...no!" She shrieked. Nagpapadyak sa harap nito. "Inagaw ka lang naman niya sa akin e. Nilandi ka lang niya. Sinulot ka niya sa akin. Benj please. Please naman! Mahal mo 'ko, di ba?" Para siyang bata kung magbato ng salita. Sinabunutan pa niya ang sarili. Umiiyak sa harap ni Benj. She was about to cling to him but Benj stepped backward.

"Stop it, Je. Stop it." Napahawak na si Benj sa sintido niya. Napapikit ng mariin at pinapakalma ang sarili. "Tumigil ka na. Tigilan mo na si Scar. Tigilan mo na 'ko. Itigil mo na 'yang kabaliwan mo. Parang awa mo na. Give yourself some dignity, Jezel. Come on, go home."

Jezel shocked. Napaawang siya ng bibig. Umiiling-iling ito at umiiyak. Gulong-gulo na ang kanyang estado. Gusto niyang makalapit kay Benj ngunit hindi niya magawa.

"Magpapakamatay ako kapag hindi ka bumalik sa 'kin."

My knees tremble. Parang huminto panandali ang aking hininga sa narinig kay Jezel. Tinignan ko si Benj ngunit walang ekspresyon ang mukha niya. Jezel is too damn desperate. She'll do everything. Unti-unti siyang lumapit kay Benj hanggang hawakan na niya ang shirt nito. Mahigpit at nagmamakaawa. My heart aches. Nanginig ang kamay ko kaya napayukom ako. Ilang beses akong napalunok habang tinitignan sila. Unting-unting lumapit ang mukha ni Jezel kay Benj. Papapikit na sana ako nang marinig kong magsalita si Benj.

"Gawin mo. Pakelam ko," Benj said, firmly.

Napaawang ako ng bibig.

God.

Inalis ni Benj ang hawak ni Jezel sa kanya. He is still expressionless, feigning what's inside. I know he faked his emotions not to let Jezel do whatever she liked.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon