Kabanata 20
May kasama
"Something's wrong, Benj." Tinitigan ko ang kamay naming na magkahawak. Ako pa rin ang hindi bumibitaw dito. Binaling ko ang tingin ko sa Audi niya. Pagkatapos tumingin muli sa kamay naming magkahawak. Kulay kahel ang kalangitan dahil sasapit na ang gabi. Napapikit ako bago nagsalita. "May mali..." I wanted him to make the first move. I wanted his words. I wanted him to speak about yesterday. But I only got an answer that his mom was sick. At kailangan lang nitong umuwi. Para sa akin kulang. Para sa akin may dapat akong malaman. But I don't want him to push the details. I don't want to coerce him. I just want him to speak voluntarily. Kung anong mayroon sa kanya...ngayon. May problema ba?
Benj came near to me. Inalis niya ang hawak ko sa kamay niya. He cupped my face and kissed my forehead. "Nothing to worry about. Trust me." His kiss lingered on my system. He looks at me...stares at my eyes and says the words, "Trust me, Scar." 2 words. I even ruined that two words long time ago. And this time that would be my comfort words. Trust me. He said. "I'll never hurt you, you know that."
I nod.
"Of course...you wouldn't. Lagot ka sa Papa ko." My words lighten the space we shared. Benj laughs, hoarsely. And God. Damn. It. I kissed him while he was laughing. "Akala mo lang Benjamin. Papabugbog ka ng Papa ko!" natatawa kong sabi. Tuluyang napatawa si Benj sa sinabi ko. Napakagat ako ng labi habang kinakabisado lahat ng pagkilos niya. Even the little gestures. Lahat. Tell me, I am the luckiest girl right now. Tell me...this is Benjamin Salazar and I have him.
"I know...I know..." Benj said, trying to fix himself. "I hate to leave you but i need to go. Okay?" Pero bago ako tumango ay hinawakan ni Benj ang ulo ko. Kiniskis ang palad niya roon ng magkabilang parte. "You don't need to worry. Wala na. Binura ko na." Lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya at sa ginawa niya.
"I love you," we both said in unison.
We laughed.
I kissed him.
He kissed me.
Two words.
Trust me.
**
"Cous! Louise is going home!" tili ni Lucy habang kinakausap ako over the phone. Napalayo ako ng telepono sa aking tenga. But like her, I'm excited to see Lou. Nilapit ko muli ang telepono sa aking tenga. May sinasabi na pala ulit si Lucy ngunit hindi ko naman narinig ng buo. "Sige na...cous. I know you're busy about the wedding of yours," she giggles and continues, " I love you, cous. Bababa ko na ah. Sunduin pa naming sila nila kuya. I love you."
"I love you, too." The line went dead.
Binaba ko na ang telepono at napasandal sa couch. I'm really exhausted. 7 hours yata kaming pumunta sa iba't ibang boutique ngunit wala kaming napili. Walang pumasa sa taste ni Mama at ni Lana. Right now, Lana is in my room. Natutulog. Dalawang oras na yata. Habang ako nandito lang sa couch. Bumibigat na rin ang mata ko sa pagod. Papapikit na sana nang umalingawngaw ang boses ni Lana. Umangat ang tingin ko sa hagdan. I groan. I scowl. I curse. Damn it.
"Leigh...I crave for pizza..." anito sabay ngiwi. Hawak pa niya ang tyan. Tuluyan na itong bumaba na nakasimangot na parang bata. Gusto kong tumawa sa itsura niya ngayon. The unconscious Lana, I mean just for physical appearance, isa pa naman si Lana sa mga babaeng conscious na conscious sa appearance but look at her now. Gulo ang kanyang buhok. She scowls, craving for something. Hindi siguro niya tinignan ang sarili sa salamin.
"Anong nangyari sa'yo?" natatawa kong sabi.
"I just woke up and dreamt about pizza and I just crave for it. I don't know where my phone is, Leigh. Alis tayo...tara na." Hinatak niya ang braso ko pagkarating niya sa pwesto ko.
I moan.
"Urgh! Lana! Teka nga! Umupo ka muna!" saway ko sa kanya.
"Bakit?" inis nito.
"Look at you!" Ako na ang tumayo at saka pinaupo siya. Mabuti na lang may pamusod ako. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Nilagay ito sa isang gilid. Napansin ko namang nakatingin si Lana sa akin kaya napatigil ako. "You look like a mess, La." I scoffed. Inayos ko muli ang buhok niya.
"Leigh...I always crave for something..." she confessed.
Napaawang ako ng bibig. Isang termino lang ang nagrehistro sa akin.
"You're pregnant?"
I don't know if Lana shook his head or nod?
"I don't know. Hindi pa ako nagkakaron." Anito.
Holy shit.
Holy shit.
Holy shit.
"SHIT!" I shouted. Napatayo ako at tumitig kay Lana. Umangat ang tingin niya sa akin. She's calculating my reaction whether I'm happy or angry at her. But bullshit, I'm happy. "OHMYGODS." Bigla akong tumawa at umupo muli sa tabi niya. Lana has this weird reaction ay my weird attitude. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Leigh! I don't know! Natatakot ako!" Napakalas ako ng yakap sa kanya.
"WHAT?"
"Hindi pa naman sure!" sagot nito.
"Pero you guys naman di ba, nag-aano?" I wince at my question.
Tumango si Lana at ngumisi. "Yeah, I don't know how many times we did 'it'."
"SHIT, BITCH." My reaction is weird.
Parang papasukan na ng langaw ang bibig ko sa sinabi ni Lana. The bitch even giggled, remembering it. Damn it.
"Maka-react naman! Hindi pa kayo nag-aano!" Lana rolled her eyes. I roll mine too.
"That's too personal!" sambit ko.
"Wow, Leigh, ah! Ikaw nga unang nagtanong nito!"
"But I'll not answer. Blah...blah!" sabi ko.
Umirap muli si Lana sa akin pagkatapos ay tumayo. Kinuha niya ang pamusod sa aking kamay at pinusod ang buhok niya. She breathes and speaks, "I'm still not sure. Madalas akong delay, Leigh. Saka you know, favorite ko lang talaga ang pizza. Kaya tara na!" Hinatak na niya ako at hindi naman ako nakaangal.
I measured her, trying to bring up the conversation ngunit hindi na muling inungkat ni Lana. Tama lang naman siya. Medyo PG lang kapag sa pizza 'tong si Lana. Mahilig siyang kumain but still conscious at her body. Siguro I over reacted lang. Siguro nga. Mahilig lang ako mag over react sa mga bagay-bagay—sa mga personal na bagay. Yah, I'll stop over reacting and over thinking.
**
"Gods, heaven. My love. I want you more." Lana uttered while chewing the last slice of pizza. I roll my eyes. Ladies and gentlemen, naubos ni Lana Marjorie del Rey ang isang box ng pizza. At hindi niya ako binigyan kahit isang slice.
"Isa pang box? Tapos ubusin mo ulit?" I said sarcastically.
"Yes, yes, my dear!" masigla nitong sabi.
"Tumigil ka." Ani ko.
Tumayo na ako at tumingin sa orasan. Ala sais na at kailangan ko ng umuwi para sa pag prepare ng dinner. "Tayo na, La. Umuwi ka na sa inyo." Para hindi na siya mag-inarte ay naglakad na ako. I heard her call my name ngunit hindi ko nilingon. Patuloy akong naglakad hanggang sa makalabas ng resto. Dirediretso akong pumunta sa kotse.
"Leigh naman eh!" She said panting.
I hide my smile.
Nilingon ko siya ngunit iba ang nakita ko. Tumagos ang tingin ko kay Lana at ang nakikita ko ay si Benj kasama ang mother niya sa kaliwa nito habang may isa pang tao sa kanan niya. May kasama siyang iba pang babae.
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...