Benj's POV. Wakas Part 1. Thanks!
**
Wakas I
Today
I remember when I was in the Hospicio, I was sitting in the grass, watching Jenelle and Chase, and I saw Sister Ada looking at me. I'd smiled at her. Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Umupo siya at pinagmasdan din sina Janelle at Chase na naglalaro. Pinaglaruan ko ang damo nang walang umiimik sa amin.
Si Sister Ada ang isa sa mga nangangalaga sa amin dito sa ampunan.
"Naalala ko sabi ng nanay ko..." aniya. Napatingin ako sa kanya ngunit nakatuon pa rin ang atensyon niya kila Jenelle at Chase. "Iyong mga taong kulang sa pagmamahal iyon 'yong higit at sobra kung magmahal na halos ibigay na nila ang lahat. Handang protektahan ang taong mahal nila sa lahat ng pagkakataon. Kasi alam na nila kung paano masaktan o may mawala o parang may kulang sa kanila at ayaw na nilang iparamdam ito sa iba."
Hindi ko alam kung bakit nasabi na lang 'to ni sister sa akin ngunit patuloy ko pa rin siyang pinakikinggan. "At naalala kita dahil doon Benjamin..." Lumingon siya sa akin at tipid na ngumiti. "Alam kung gaano mo pinahahalagahan si Jenelle. Alam ko kung gaano mo ituring si Jenelle na kapatid kahit hindi naman kayo tunay na magkapatid. Pati kay Chase. I wish I'd known your mother, Benjamin. Para malaman ko kung bakit ka niya iniwan. Para malaman ko kung sapat ba 'yong dahilan niya. Pero siguro may dahilan ang Diyos kung bakit nandito ka sa katayuan mo ngayon. May kulang man sa'yo ngayon, alam kong hindi iyon ang magiging sagabal para mawalan ka ng pagmamahal. Kasi alam ko ang pagmamahal na mayroon ka ay hindi napapagod, hindi sumusuko, at hindi mawawala para sa taong mahal mo." She smiled, so proud and happy. "Proud na proud ako sa'yo. Sa inyong lahat. At alam kong magiging mabuti kang tao. I know how sincere you are...how sincere your love." Tinapik ni sister ang balikat ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil. Tumayo ito at bago umalis ay nagsalita muli, "Be a good man. Promise me." Yumuko ito. "Mamimiss ko kayo." Ginulo ni sister ang buhok ko at umalis na. Nakita ko pang may tumulong luha sa kanya.
At iyong ang huling araw namin sa ampunan bago kami kinuha nila Mr. and Mrs. Salazar na ngayon ay mga magulang na namin.
Everything was perfect. Hindi ko akalain na ganon pala ang pakiramdam na magkaroon ng mga magulang. I saw how happy Jenelle. I saw her unlimited happiness. At hindi ko maitatanggi iyong sayang nararamdaman ko. May magulang na kami na mag-aalalaga sa amin. Pinag-aral kami at tinuring kaming tunay na anak. Hindi man sila nabiyayaan ng anak ngunit hindi nila pinakita sa amin ang dismayang iyon. Natupad ang pangarap na hindi namin inaasahan. Things were really surreal. Hindi ko rin inaasahan ang mga taong dumating sa buhay ko. Doon ko lamang nalaman ang ilang bagay. I'd learned my lesson to the people I met once in my life. They taught me to be who I am. I fell in love. I was hurt loving the person who can't love me back. I'd gave the love I can give. But that was still not enough.
Maybe there's one moment in your life that you need to take the wreck road. That there was this day you felt so devastated. At dadating naman iyong araw na mawawala o makakalimutan na ang unang sakit.
Because there's...this girl...my girl. I never thought I could gave everything. I never thought I could ever do unexpected things for her. That's simple, I love her immensely. I love her so much.
The girl I still want for everything. The girl I am building my future with. My Scarlett.
We both took the same ugly road. We both had the nightmares. We both dreamed things were simple. We both need...happiness. Things gone wrong. We both committed mistake of giving up things...even us. But I know, I swear my tireless love stayed...always for her.
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...