Kabanata 38
Without him
Dalawang linggo ang lumipas simula nung huling pag-uusap namin ni Benj. It's been normal weeks, I think. But no...may kulang pa rin. May kulang na hinahanap mo pero wala. Pinili ko 'tong desisyon na 'to para maayos namin 'yong pamilya namin. Gusto ko magkaayos na kami ni Mama. Mayroon na kaming maliit na pag-uusap pero hindi pa katulad ng dati. Minsan si Papa pa 'yong nagbibigay daan para makapag-usap kami. At least medyo gumagaan na 'yong loob ko. Hindi na rin pumupunta 'yong mga tito at tita ko rito. Wala na rin kaming connection ng mga tinituring kong pinsan. We're better off this way, right? Mas mabuti ganito na lang, siguro ang mangyari sa aming lahat. Wala na lang pakielamanan o pansinan? But I miss them...I miss my cousins. Everything about them.
Wala lang sigurong permanente dito sa mundo. People will leave anytime...anytime they want. But you, you're just going to stay and live for another moment of your life. Hindi ka magpapatangay sa agos ng buhay bagkus haharapin mo iyon ng panibagong ikaw. This is going to be hard but never give up.
But at least I have my own car, my baby chevy makes me go to every place I'd want to. Chevrolet Malibu. Papa bought me a car dahil lagi ko na lang hinihiram 'yong sa kanya. So when he told me about this, I hugged him all the time. The least I could do, right?
Ngayon, hinihintay ko na lang ang paglubog ng araw bago umuwi sa bahay. Nakasandal ako sa harap ng chevy ko at pinagmamasdan ang mga dumadaan na kotse at tao sa harap ko. Ilalagay ko na sana ang sun glasses sa aking mata nang biglang may tumawag sa aking pangalan.
"Leigh!" I look at where the voice came. At nakakita ako ng singkit. The worst-best person I've known in my entire life. Na minsan gusto ko ng isumpa dahil nabuhay pa siya sa mundong ito. Pero nagbabago ang tao, iyong taong kinaiinisan mo, iyon pa 'yong taong gugustuhin mong pasalamatan.
"Yuan," ani ko at nilagay sa aking buhok ang sunglasses. Napaayos ako ng tayo at ngumiti nang makitang papatakbo na siya sa aking pwesto.
Nang makarating siya sa pwesto ko ay nahihiyang nilagay ni Yuan ang kamay niya sa kanyang bulsa. I stare at him. Yuan's hair is medium length. He's wearing a blue v-neck shirt. Lumaki ang katawan ni Yuan. His arms looked so tensed. That's new.
"Leigh," anito muli at ngiting-ngiting humarap sa akin na naging dahilan para lalong sumingkit ang mata niya.
I arched one brow. "O, bakit?" Pero kumurba ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti.
"Wala lang. Masama bang kamustahin ka ngayon?" aniya sabay ngisi. Sumandal muli ako sa kotse ko at inirapan siya. "Mataray pa rin," he added and shook his head. "Hindi pa rin nagbabago."
"Ba't naman ako magbabago," sabi ko.
Tumabi si Yuan sa akin at sumandal din sa kotse ko. Tumingin ako sa kanya at nagtanong, "Anong ginagawa mo rito? So how's your girl?" Noong minsan nagkita kami, may nakwento siya sa akin. I just want to know what's on him right now.
Yuan shook his head. "I guess we're both single right now."
My lips part.
"I'm not single!" sabi ko.
Yuan looks at me. "So anong mayroon ngayon? Nakita ko si Benj sa airport last week. Hindi mo alam?"
I roll my eyes. Damn it.
No. I don't know.
"Shut up." Inalisan ko siya ng tingin at tumingin sa malayo. Sasapakin ko na ang singkit na 'to.
"So I guess we're both single," he repeated.
"I'm not single...mahirap lang maintindihan. Complicated, I guess?" I murmured. Napakagat ako ng labi at yumuko. Kinapa ko ang singsing na binigay ni Benj sa akin.
"Tayo na lang kaya ulit," ani Yuan.
Bigla akong napaangat ng ulo at nanlalaking ang matang tumingin kay Yuan. Para akong isda na pabukas-bukas ang bibig habang iniintindi ang sinabi ng singkit na 'to. Ano daw? Kailangan ko bang sapakin itong taong 'to para lang magising sa katotohanan?
"What the—" I stopped but still dumbfounded.
"Nagbibiro lang!" natatawang sabi ni Yuan.
But heck, ang sarap niya talagang sapakin ngayon dahil sa sinabi niya. Para akong hingal na hingal habang tinititigan siya sa gulat.
"Hindi ka naman mabiro! Pero kapag dumating 'yong araw na gusto mong bumalik tayo—" I punched him, literally on his jaw. Yuan cried out. He wince at pain and I glared at him. Umatras ako sa kanya. Ngunit siya naman ay humahalakhak sa reaksyong binibigay ko. "Hindi ka mabiro. Hayaan mo na ngayon lang naman—" Lumapit ako sa kanya at sinapak ko ulit sa kabila. Napawagayway ako ng kamay nang maramdaman ang sakit sa ginawa kong pagsuntok.
"Tumigil ka nga!" saway ko.
Lalong tumawa si Yuan. "Tama na! Okay tama na! Nagbibiro lang ako." Yuan surrendered his hands. Unti-unti kong pinakalma ang aking sarili. Ngunit masama pa rin ang tingin ko sa napaka-ewan na singkit na 'to. Patuloy pa rin siya paghalakhak. Ilang beses ko siyang binigyan ng irap.
Grabe, hindi ko akalain na mang-gigil ako sa singkit na 'to.
"But seriously, I saw him. I talked to him. Papunta siyang Canada kasama ang mother niya. I don't know maybe for vacation..." Umiwas ng tingin si Yuan sa akin. "Or he's going to stay for real."
**
Kinuha ko 'yong isang bote ng vodka na mayroon ang refrigerator namin na pagmamay-ari ni Densel. I don't care. Palitan ko na lang bukas. Bahala na kung magalit siya sa akin pero wala pa naman siya rito sa bahay. Hindi ko alam kung uuwi ba 'yong ngayon. I don't care.
I felt dizzy.
Mangangalahati na ito nang hindi ko napapansin. I want to be alone. Well, parating naman akong mag-isa sa mga nagdaang araw. My best friend, Lana is always at in their home, taking care of herself. Hindi ko naman siya maaaya sa ganito dahil buntis ang tao. Ice tea siguro maiinom 'yon. Pero tiyak kong maiinggit 'yon.
Nilagyan ko muli iyong baso at nilagok iyon. Napalunok ako pagkatapos ay kumuha ng lemon.
"Shit," I said after I tasted the bitterness.
Sinandal ko ang sarili ko sa folding chair na mayroon sa pool area namin. Hindi ko alam kung nagdodoble na ba ang paningin ko dahil dalawa-dalawa na ang nakikita kong nagniningning sa kalangitan. I was about to close my eyes but I heard a familiar voice calling my name.
"Leigh...baby."
Agad akong napaupo ng maayos. Umawang ang bibig ko habang tinitignan si Mama na papalapit sa akin.
"Are you okay?" anito at nakita ko ang pagnginig ng labi niya.
Napakagat ako ng labi at umiling sa kanya. My Mama is checking me out. Biglang bumagal ang paghinga ko nang tumapat siya sa akin. Mama holds my face. I felt the warm of her touch...touching my heart once again. "My baby...I'm sorry."
My tears fell on my cheeks. I look so fragile while Mama is holding me. I let my guard down. I let Mama hold me. I let her touch me. I miss her. I miss her. So much.
"Can you forgive me, Mama?"
I nodded immediately. And shook my head. "You don't need to, Ma. Wala ka namang ginawang masama."
"But I'm sorry. I am really sorry, Leigh. And I love you for being my daughter. For what you've become right now. For being this strong. And understandable. Hindi ko marerealize ang lahat kung wala ka. My love gone too far, Leigh." Inalis ni Mama ang hawak niya sa akin. Umupo siya sa tabi ko. "My fault, when I didn't realize what you wanted in this family. I don't want to lose my daughter, my baby. I'm sorry. Let's start again. Let's start living without him, Leigh." Napatingin ako kay Mama. She looked at me, too. "Is that okay?" Tumango ako. "I love you, Leigh. I love you..."
I cling to Mama.
"I love you, Ma..."
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
Fiksi UmumNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...