Kabanata 13
Happy Birthday
"Looks like you're waiting on him, huh?" Presko siyang lumakad. Inilagay niya ang kamay sa kanyang pantalon. Tumaas ang dalawang kilay niya at ngumisi. Konti na lamang ang distansya namin sa dalawa at napaatras ako mula sa pwesto ko. "Sorry to disappoint you, Scarlett. But he's not coming." My lips are partly open. Agad kong binawi saka biglang napalunok. I look away. "Come on, go inside. Mamumuti lang ang mata mo kakaintay," he added.
"Anong ginawa mo?" I spit those words like a venom. Tinignan ko siya ng masama ngunit tumawa lang siya sa akin. I didn't know why I said those words. Maaring may kinalaman siya. Bakit niya sinabing hindi makakarating si Benj?
"I didn't do anything, honey." Benedict shrugged his shoulders.
I scoffed. Napayukom ako ng kamay. I don't like the way he speaks. I don't like his words. I don't like him. I don't know why I loathe him so much even though I really don't know him. Mabuting hindi ko na lang siya pansinin at hintayin si Benj dito. Maybe I could go inside and wait him. Isara ko muna kaya 'tong gate para hindi mainis ng husto? That's a good idea, Leigh.
Tumalikod na ako sa kanya at nag-umpisang pumasok. Isasara ko na sana ang gate nang bigla niyang isingit ang katawan doon. "O...wait!" sigaw nito.
"Please..." Napapikit ako ng mata. "Go away." I added.
"But why?" tanong nito.
Kapag binuksan ko ang mata ko, baka hindi ko na mapigilang isara 'tong gate kahit nasa pagitan siya. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na gawin iyon. Kaya mabuting umalis na lang siya. Please, Benedict ayokong magkakaso sa gagawin ko sa'yo. Dalawang minuto.
"Scarlett...this is just the beginning," anito.
I gulp, trying to keep myself.
"Go away!"
Bigla akong napabukas ng mata sa pamilyar na boses na umalingawngaw.
"Benj," I breathe his name.
Mabilis ang pagkilos ni Benjamin hanggang sa hinatak niya si Benedict at sinuntok ito sa mukha. I think I screamed but no. Nanlaki na lang ang mata ko habang nakikita kong nakaupo si Benedict at pinupunasan ang bibig niya ng kanyang likod ng kamay. Tumawa pa ito at umiling. Benj's face is red with rage. Galit na galit ang buong pagkilos niya. Para ito 'yong nakita kong Benj dati—sa mansyon noong una kong nakita si Benedict.
Benj...
"You're torn my dear brother," ani Benedict.
Nabuo na naman ang inis kay Benj. Mabagal ang paghinga nito at masama ang tingin kay Benjamin.
"Come on, Benjamin. No you—" Papasugod muli si Benj ngunit sinigaw ko ang pangalan niya.
"Benj!" Mabilis na tumingin si Benj sa akin. Hindi na niya nagawang gawin ang binabalak niyang pagsuntok kay Benedict. Kinuha niya ang kanyang paghinga hanggang sa nahismasmasan siya. Ilang beses siya napapikit ng mariin. He breathes. He breathes and opens his beautiful eyes. He looks sorry for what he'd done. He feels so guilty. Umiling ako sa kanya. Sana nakuha niya ang pag-iling ko.
I saw him gulp.
"Benj..." I called him. Pagkatawag ko ay siyang lakad naman niya sa pwesto ko. Hindi niya binigyang tingin si Benedict na para wala lang nangyari kanina. Na para walang Benedict na nandito sa tapat ng bahay niya. Kinuha niya kaagad ang kamay ko. Benj kissed my forehead nang matagal at madiin hanggang sa napagpasyahan niyang isara ang gate.
"I'm sorry..." The first two words he said to me. When I looked at his eyes, I don't know, why I felt that he's wreck, vulnerable, and unreachable. Something on his eyes, something on him changed.
Benjamin is ruined.
"What happened?" I asked him.
Bigla niyang binago ang reaksyon ng kanyang mukha. From being worried, pineke niya ang sariling nararamdaman, he smiled. "Nothing...you know, I hate him." He shook his head. Magsasalita na sana ako nang bigla muli siyang nagsalita, "Come on...I don't want to ruin this beautiful party you've prepared." Inakay na niya ako para makapaglakad papunta sa pool area.
Agad na binago ni Benj ang sarili. Na para walang nangyari kanina. Na parang hindi siya nagalit. Na itong Benjamin na nakilala ko—na hindi minsan nagalit—nainis. Habang naglalakad, napansin ko 'yong maliit na cut sa kanyang labi. Napalunok ako. Siguro—kanina may nangyari. And he won't tell it to me, I know. Benj is so good in covering things. Hanggang sa makalimutan na.
"Thank you," anito noong malapit na kami makapunta sa pool area. Humarap siya sa akin. He cupped my cheeks. "Salamat. And you're so beautiful, my darling." I blushed and giggled.
Shit, Benj. Shit.
"I know..." Pinigilang kong kumurba ang labi ko sa isang ngiti hanggang sa naging nguso ito. Napatawa naman si Benj sa sinabi ko. "And you're welcome, sir." Inalis ko ang hawak niya sa pinsgi ko. I bow like a queen. Benj laughs, hoarsely. Damn. It.
"I love you," anito.
"I love you," sagot ko kaagad.
Sabay kaming napangiti hanggang sa maglapit ang mukha namin sa isa't isa. I felt his soft lips on mine. Until...I shrieked. May malamig na nabuhos sa amin. Narinig ko na lang ang tawanan ng ilang tao. Ang lagkit pa sa balat nito. Mabilis akong humarap at nakita ko si Newt na may hawak ng bote ng champagne at humahalakhak.
"I guess, happy birthday Benj?" halakhak niya.
"Ha-ha," I fake a laugh. Pabiro kong tinaas ang kilay ko kay Newt.
"So ano pang hinihintay niyo?" Biglang humarap si Newt sa kumpulan ng tao na para mong siya ang lider nito. May sampong yatang tao ang sumugod sa amin ni Benj—at kasama doon si Lana at Seb. I glared at them ngunit hindi iyon ang nagpapigil sa kanila. Wala akong laban na naiangat nila. Nakita ko rin na ganon ang ginawa nila kay Benj.
"HINDI KO NAMAN BIRTHDAY!" I shouted and laughed at the same time.
"Boyfriend mo naman 'yan kaya makisama ka na lang," someone said. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Maybe Lana, Seb, Newt, or Conrad. Teka nga nasaan ba si Densel? Nakapasok na ba siya rito? Hindi ko siya napansin.
"One...two...three!"
Hindi man lang ako naging handa o nakalikom ng hangin sa bigla nilang paghagis sa pool. Nakalunok ako ng tubig. Mabuti na lang may nag-angat sa akin. Hawak nito ang braso ko at kaagad niya akong niyakap. I cough. And cough hanggang sa dinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin si Benj. Hinawakan niya ang pisngi ko. I breathe. I cough.
"Breathe," Benj said. And I breathe again.
Nang mahismasmasan ay ngumiti ako. Ganon din siya. "So happy birthday, Mr. Salazar." Ani ko. Hinawi pa ni Benj ang ilang buhok na nasa mukha ko. We're wet, yeah. And this is their damn fault. Patuloy ang pagtugtog ng music. May iba't iba kulay na tumatama sa amin at sa pool.
Ang ganda.
Benj's lips curve into frigging smile. Napakagat ako ng labi.
"O KALMA LANG! MAY TAO PA! MAMAYA NA 'YANG BINABALAK NIYO!" Newt shouted.
Humalakhak ang tao sa paligid. Ngayon lang nag-sink in sa akin, na ganito...na ganito karami at higit sa sampo ang nakakita sa amin ni Benj. Na may alam nitong tungkol sa amin. Oh my God. Do they know about us? Really?
"O come on..." Mukhang nabasa ni Benjamin ang reaksyon ng aking mukha. Tinignan ko siya at napalunok muli. "Nothing to worry about, my darling...soon enough, you'll be a Salazar." At hinalikan niya ako sa harap ng tao mayroon dito sa pool area.
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...