Kabanata 21

3.5K 105 7
                                    

Kabanata 21

Bastardo

"That's Benj, right?" Nanlalaki ang mata ni Lana habang sinusundan ng tingin ang Audi ni Benj papalayo kung saan. "Hindi niya pala kamukha ang Mom niya. Maybe sa Dad niya siya mana," anito. "But the point is...may kasama siyang iba, Leigh! Oh my God!" Binaling na ni Lana ang tingin niya sa akin. Her beautiful brows creased, thinking something. "BAKA NAGTATAKSIL NA SI BENJ SA'YO!" She even shouted these words. So disgusting.

I roll my eyes. "Fuck you." Inirapan ko ulit siya at bago ako makapasok sa kotse ay narinig ko pagbungisngis niya. Honestly, when I saw him with his mother and with that unknown girl, his words lingered on my system. Paulit-ulit itong umaalingawngaw sa akin habang tinitignan siya. Never pumasok sa isipan ko 'yong sinabi ni Lana kanina. I know him. I know Benjamin. Sa lahat ng nangyari. Ito pa ba?

"Malay mo Leigh! Malay mo talaga!" ngising sabi ni Lana habang papasok sa kotse.

Pabalibag ko namang isinara ang kotse.

"Fucking Leigh! Ayusin mo naman 'yang pagsara sa baby ko!" inis na sumbat ni Lana sa akin. Sumimangot siya sa akin at ini-start ang engine. "But...wait...Leigh." Humupa ang inis ni Lana sa ginawa ko. Lumingon siya saglit sa akin at focus ang tingin sa daan. "Kung tignan kaya natin? Kung sundan kaya natin?"

"NO!" I roared.

"Hindi pa naman nakakalayo! Para makasiguro lang tayo!"

"Fuck, Lana Marjorie, fuck, no!" I scowled. "H'wag mo akong subukan, La! H'wag kasi! Utang na loob!" Nanginig ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Lana. Hindi siya nagbigay pa ng kung anong kumento. Akala ko hindi niya gagawin 'yong sinabi niya ngunit naramdaman ko na lang na bumilis ang takbo ng sasakyan. "LANA!" I was about to stop her pero nakita ko na lang sa harapan naming 'yong itim na Audi. "SHIT," I cursed. Unti-unti akong lumingon sa magaling at traydor kong kaibigan.

"Don't you dare, Leigh Scarlett na hawakan ako at pigilan 'tong pagmamaneho ko! Ayoko pang makadisgrasya! Lawyer ang Daddy ko! Ayokong makasuhan!"

"God. Damn. It." I cursed, panting.

Lumiko ang sasakyan nila Benj sa isang village. Patuloy pa rin si Lana sa pagsunod sa kotse ni Benj. Huminto ang kotse dahil sa security guards ngunit sa pagkakausap lang ni Lana sa mga ito ay pinapasok na nila kami.

"I have friends living here. So don't ask," aniya kahit papabukas palang ang bibig ko sa pagtanong. I pressed my lips. I shut my eyes tightly. Shit. Hindi ko alam kung ano bang meron sa utak ng kaibigan kong 'to. Kung ano-ano na lang ang pinapasok at dinadamay pa 'ko.

"Never been this excited," she whispered. Ngising ngisi niyang sinundan ang kotse hanggang sa pumasok ito sa isa sa mga bahay sa village. Hininto naman ni Lana ang kotse niya sa katabing bahay ng katabi nung kila Benj. So this must be his parents' house.

"Wait...itong pinagtatambayan ng kotse ko ay dating bahay nila Mr. Jimenez! Nakwento ni Daddy 'to sa akin!" Lana said while looking at the house. Tinignan ko lang saglit 'yong sinasabi ni Lana na bahay nila Aly at Gideon dati pero natuon ang atensyon ko sa bahay ng magulang ni Benj. I was breathless. I don't know why. It feels like my heart wants to leave my chest anytime I make a damn move. I breathe to keep my heart beats normal.

Hindi ko namalayan si Lana na bumaba ng kotse sa pagpapakalma ko sa puso ko. Nakita ko na lang sa harap at kumakaway. Tinuturo ang bahay nila Benj. Tuwang-tuwa habang ginagawa iyon. Nang hindi ako tumitinag sa kinauupuan ko ay nagpapadyak siya. Hindi na niya napigilang pumunta sa pwesto ko. Bukas ang bintana ng kotse kaya doon siya pumwesto katapat nito.

"Leigh! Tara na! We're going to say hello! Sabihin mo lang! 'Hi, I'm Leigh! I'm gonna be your son's wife soon!' Ang dali-dali lang naman a! H'wag ng mag-inarte!" Tuloy-tuloy niyang sabi.

"Ayoko," I said immediately.

Lana groans. "Shit naman Leigh!" inis nito.

"Umuwi na kasi tayo!" ani ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano ba! You don't want to meet his parents? Ganon ba, Leigh?" That hits me. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.

Nagpapadyak si Lana.

"Gusto ko," I whispered. "Pero hindi pa siguro ito 'yong oras." Because I am nervous. I'm afraid. Natatakot ako sa reaksyon nila. I know I met tita Demi but the thing is iba 'yong treatment niya sa akin kapag nakikita niya 'ko. I mean para sa tingin na iyon parang hindi niya pa ako nami-meet. I once told myself not to overthink, but here I am, I am overthinking. Why we always rebuke that rule we build in our self? Bakit kapag narealize mo ng mali sa una pero may mangyari lang na hindi mo nagustuhan babaliwalain mo na 'yong na-realize mo? Is this natural? Or I'm just a pessimist?

"So tell me when's the right time to meet your soon-to-be-husband's parents?" she asked. Lana looks like a tiger, ready to eat me. Kulang na lang umusok ang ilong sa inaasta ko.

"I met her. Once." I whispered.

"Once. Leigh. Once. Okay? Get your ass off in my car, Leigh Scarlett!" Binuksan niya ang pintuan ng kotse. Napalunok ako sa tingin ni Lana sa akin. Napahilamos ako ng mukha.

"Fine! Fine!" I surrender my hand. Bumaba sa kotse niya at masama siyang tinignan. Tinumbasan ni Lana ang masama kong tingin. Hindi siya nagpaindak sa tingin ko. Mygods, this girl knew me too much. I can't handle her anymore.

"So? Tara na?" Now tell me, she's bipolar, right? Nag-iba kaagad ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan ko. Kumapit kaagad siya sa braso ko. Magiliw na magiliw na hinahatak ako papunta sa tapat ng bahay nila Benj. Ilang lunok ang ginawa ko bago tumingin sa tapat nito. "Time to meet his parents though. Brace yourselves, my darling," anito.

I roll my eyes.

Tumapat kami sa maliit na pinto ng gate. Pinindot naman ni Lana ang isang button for door bell. Ngising-ngisi siyang ginagalaw ang balikat sa sobrang excited. Habang ako mahihimatay na siguro sa ginagawa naming. Maybe a text para malaman ni Benj na nandito ako. At hindi siya magulat? Tama bang ganon ang gawin ko?

Bumukas naman ang gate at bumungad sa amin ang isang bruskong security guard. Napaawang ako ng bibig. Siniko ko si Lana para mag back out na kami. But it's too late. "Hi, I'm Lana. And this is Leigh." Tinuro niya 'ko. "I'm Benj's friend and this his fiancée."

Tumango 'yong security guard. "A mabuti naman. Kararating lang nila sir Franco. Tama po ang timing niyo Ma'am!" Ngiti nitong sabi.

Lana looks at me. She winks.

"Pasok na po kayo..." anito.

Pumasok naman si Lana pagkasabi nung guard. Habang ako nanatili sa kinatatayuan ko. "Tara na!" aya nito. Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako papasok. Napairap na lang ako at sinundan si Lana. Kasing laki lang ng bahay naming 'yong bahay nila Benj. May second floor siguro sa laki at taas nitong bahay. May kulay na gray, white, and black ang kulay ng bahay. May terrace sa taas. Double doors ang main door nila na gawa sa kahoy. Sa right side, nandoon ang maliit na garden at may isang bench. Sa kanan naman ay garahe, may tatlong kotse roon. Isa nadoon 'yong Audi ni Benj.

I breathe.

Shit. Ano ba 'to! Bakit ba akong kabang-kaba!

Bago makapunta sa tapat ng main door ay may mababang hagdan na gawa sa bato. Huminga muli ako ng malalim.

"Ang bagal mo naman," sabi ni Lana.

Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin sa katawan ko.

Minadali ni Lana ang paglakad naming hanggang sa nasa tapat na kami ng double doors nila Benj. Kakatok na sana si Lana nang biglang bumukas ito at may boses na nagsalita. "I want an annulment, Benedict! Hindi ko na nakakayanang nakikita ang bastardo mo!"

Nanuyot ang lalamunan ko sa narinig ko mula kay tita Demi na nakatalikod sa amin. Hawak niya pa rin ang door knob habang nakatingin kila Benj, Benedict, at sa asawa niya. Nakita ko ang mabagal niyang paghinga dahil sa likod niya. I saw her tremble while holding the door knob.

I look at Benj. Na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Bigla namang humarap si tita Demi sa amin—sa akin nang sigurong napansin niya ang tinitignan ni Benj. Matalim ang tingin ni tita pagkakita sa akin. She was about to speak ngunit mabilis ang nagging pagkilos ni Benj at agad niya akong hinatak paalis ng bahay nila.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon