Kabanata 36
Depressed
Hindi ako nakatulog na maayos kahapon. Hindi ako nakakain ng dinner. Because my mouth didn't want to. Parang latang-lata ako pagkarating sa bahay. Hindi namin pinag-usapan ang nangyari. Nakakabingi 'yong katahimikan sa aming dalawa noong inihatid niya 'ko sa bahay. Ginusto ko rin naman iyon.
Tita Demi doesn't like me.
I didn't know how my times I reminded myself about it. She doesn't like me for Benj. Dahil akala niya kinukuha ko 'yong anak niya sa kanya. Dahil akala niya masama lang ako sa buhay ni Benj. Na siguro pinapahirapan ko lang siya sa buhay niya lalong ngayong hindi maayos ang pamilya nila.
Bakit ba hindi ko nakita 'to?
Ngayong araw pakiramdam ko ang gagawin ko lang buong araw ay magkulong sa kwarto ko. Kasi una hindi naman din ako kakausapin ni Mama. Wala rin naman akong mapagsasabihan nito. I tried to give her the damn space and time to understand what I've done. Pero ayoko namang tumagal ng ganito...ng ganito. Kasi sa akin ang sakit-sakit. Nakakapagod na kasi. Minsan pumasok sa isipan ko paano kung hindi ko ginawa 'yon? Na hindi makulong si Lorenzo? Anong mangyayari? Pero 'yong ibang parte ng mayroon ako sumisigaw na tama lang naman talaga 'yong ginawa ko. But I want my Mama right now...I want her beside me. I want to be her baby just for now.
Napaangat ako ng ulo para hindi tumulo ang luha. Kinagat ko pa ang labi ko at napasinghot. I breathe, twice to keep my breathing normal. I closed my eyes. Nilagay ko sa noo ko ang braso ko.
Then my phone vibrates.
Kinuha ko kaagad ang phone ko sa katabing maliit na cabinet sa gilid ng aking kama.
From Benj:
Can we talk?
Napatayo kaaagad ako nang makita ang text niya. Muntik na 'kong matumba sa biglaan kong pagtayo mula sa pagkakahiga. Hindi ako magkakumahog sa pagkilos at paghawak sa phone ko para sagutin 'yong text niya.
To Benj:
I'm coming.
Nagmamadali akong naglakad hanggang sa kinuha ko ang susi na nakalagay sa bar counter sa kusina. Pagkatapos ay tumakbo na ako para makarating sa gate at binuksan ito. Pumunta akong garahe pagkatapos ay sumakay sa kotse. Ini-start ko ang engine at pinatakbo ang kotse ni Papa. Mabilis na para mong hinahabol akong deadline. Mabilis na gustong-gusto kong marinig at makita si Benj. Nababaliw na ako lahat ng naiisip ko. I need to shut the thought out in my mind. Ayoko nito. Gusto ko parang may agarang desisyon na ako ngayon. Na may mangyari na.
"Bullshit!" Napapalo ako sa manubela nang makitang nag-umpisa na ang traffic. "Shit!" Gusto kong paandarin at ikaliwa na lang 'tong kotse para makaalis na dito. Ilang beses kong pinalo ang manubel. Bumusina. May narinig na akong sigaw sa harapan kong kotse. May aksidente yata nangyari kaya ganitong nagtraffic. "SHIT!" I barked.
Napapikit ako ng mariin na magkakalahating oras ng hindi umuusad ang sasakyan. Inabot ko ang phone ko sa kabilang upuan. Nagtext na si Benj sa akin.
From Benj:
Okay. Ingat. I love you.
Hindi na ako nakapagreply nang biglang tumakbo 'yong nasa harapan kong kotse. Nagtuloy-tuloy na ang byahe dahil naalis na 'yong motor? Siguro? Hindi ko alam. Pinaharurot ko ang kotse at wala ng naging sagabal para makarating ako sa village ni Benj. Pinasok ko ang kotse sa village at napahinto sa tapat ng gate niya. Agad akong bumaba sa kotse. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang makita na bukas ang gate. Pumasok na ako at naglakad makapunta sa pinto niya na bukas bahagya.
Nang makarating sa tapat ng pinto ay bigla 'kong narinig ang boses ni Benj.
"Mom, you know I'd do anything. Lahat ng gusto mo kaya kong sundin. I agreed with everything. Sinunod kita para wala ng gulo. I love you. And I will never be Benjamin without you. I owe you a lot. Buong buhay ko kayo lang nagpadama sa akin—sa amin ni Maggie na mas masaya pala kapag may magulang. Hindi ko alam kung paano susuklian 'yong ginawa niyo sa...amin." Benjamin's voice broke. Mula sa kinatatayuan ko sumilip ako sa kanilang dalawa. Benj is standing in front of her mother. Wreck. Empty. And sad. "But you're asking too much..." Napasuklay ng buhok si Benjamin. Napaalis siya ng eyeglasses niya. At iniangat ang tingin. My heart aches seeing Benj like that. "Mahirap..." Umiling ito. "Hindi ko na...kaya." Benj is wrecked. Napalagay ako nang kamay sa aking bibig. A cry escape on my lips. "Don't make me choose over you and Scar. H'wag niyo po 'tong gawin sa akin." Binaba ni Benj ang tingin niya sa Mom niya. His Mom holds his hand.
"No...no." His mother cried. "Hindi naman mahirap 'yon. You're going to choose me, Franco. I know how much you loved me. You told me you'd do anything for me. And I'm asking you...please. Don't leave me. Kailangan kita..." Niyakap na ni Tita Demi si Benj. Lalong sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko.
I think about my Mom. Paano kung nasa kalagayan ako ni Benj? Paano kung kailangan mamili? Anong gagawin ko? Paano ako kikilos?
Tinignan ko ang mukha ni tita Demi. Na malungkot na malungkot. Na kailangan ng kalinga ni Benj. I know how broken she is right now. Masakit na malaman mong may anak sa iba ang asawa mo. I know how depressed and stressed she is now. I am sorry for her. Patuloy lang ang luha niya sa pagyakap sa kanyang anak. And Benj is looking sad and wreck. I want to reach him but my body told me stopped. Na pigilan ang sarili ko na guluhin sila.
"O boy, my Franco, Mom needs you. Stay by my side. Please..." Tita Demi said with full of loneliness.
Hindi ko na nakayanan ang nakikita ko. Agad akong tumalikod. "Please...don't leave me. Kailangan kita. Ikaw na lang mayroon ako. Ikaw na lang ang nagmamahal na anak sa akin. I don't have anyone, Franco. Don't leave...me."
Tumulo ang luha ko sa mga salitang narinig ko kay tita Demi. My lips are trembling. My thought is a mess right now. Kung siguro...kung siguro nasa kalagayan ako ni Benj...I'm going to choose my mother.
**
"Wait may naiwan ako sa loob ng bahay," Benj said. Binuksan niya ang pinto ng kotse at ngumiti bago lumabas.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Benj doesn't know na dumating na ako kanina pa. Pero umalis muna 'ko at tinext siya na may inutos si Papa sa akin kaya matatagalan ako. Ngunit ang totoo ay lumayo lang ako saglit at bumalik. Pagdating ko sa bahay niya, wala na ang Mom niya. Nag-aya naman siyang kumain ngayon sa labas. Umoo na lang ako sa kanya.
Habang naghihintay, gumala sa aking isipan lahat ng nasaksihan ko kanya at sa Mom niya. Paulit-ulit 'yong salita ng mother niya sa isipan ko. Hindi mawala sa isipan ko si Mama. Parang nilalagay ko 'yong sarili ko sa sitwasyon ni Benj. Ang hirap...pero dapat may desisyon ka.
Umiling ako para mawala ito. I gulp, twice. Binaling ko ang tingin ko sa loob ng Audi ni Benj hanggang sa may tumunog na lang sa malapit sa may manubela. Napatingin ako doon at nakita ang phone ni Benj. Kinuha ko ang phone niya doon at nakita ang pangalan ni Maggie sa screen. Wala akong karapatan para basahin 'yong message na 'yon. Pero mayroon sa akin na nagtutulak na basahin iyon na magbibigay sa akin ng desisyon.
From Maggie:
Kuya...please. You need to force Mom for the treatment. Kailangan niya 'yon. She's so depressed. Mom needs a psychiatrist. Please force her. Ikaw lang naman 'yong makakapilit sa kanya.
I gulp, reading the message twice.
May panibago muling message ang dumating.
From Maggie:
Please kuya. Hindi ko kayang nagkakaganyan si Mom. She doesn't want to talk to me. Akala niya iniwan ko siya. I love Mommy. And I missed her. Please, do this? I love you, kuya. Take care. I miss you.
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...