Kabanata 9

4.4K 103 6
                                    

Kabanata 9

Old days

Maaga kaming umuwi ni Benj dahil tumawag ang Mom niya sa kanya. Well, I mean bago mag-8 kinailangan na naming umuwi. Hindi na ako nagpahatid dahil mukhang kailangang-kailangan siya ng Mom niya dahil kahit papaano narinig ko accidentally ang pag-uusap nila. Mapilit siya na ihahatid niya pa ako ngunit umayaw ako. But Densel is a damn savior. Mabuti na lang nagtext ang kambal ko at may pinabibili. Ito ang naging dahilan para hindi na ako pilitin ni Benj. I don't know how many times he sighed at my refusal. Pero sa huli, napapayag ko siya.

Mahigit sampung minuto na simula nang umalis si Benj. Ngayon nasa loob na ako ng supermarket para bilhin 'yong pinapapabili ni Chico sa akin na Vodka. Well, I knew his favorite pero hindi ko naman makita o wala lang stock ngayon. Kung saan-saan na ako tumingin ngunit wala pa rin akong makita. At sa inis ko dumampot na lang ako ng dalawa at nagdiretso sa cashier. Ngunit muntik pa yatang madagdagan ang aking inis nang may dumunggo sa likod ko.

"Shit!" I hissed.

Matalim akong tumingin over my shoulder at pinaulanan ko ng irap.

"Leigh!"

Ang kanyang singkit na mata ay lalong naningkit sa laki ng kanyang ngisi. Napaharap ako sa taong 'yon at binaba na lang 'yong vodka at kinalimutan ang cashier.

"Christian!" I throw my arms at him. Yuan's hair is bit longer for a guy. But it looks so good, manly, and handsome for him. I liked this. Kumawala ako sa yakap at hinawakan ang kanyang balikat. "You look so inspired, Yuan. So who's the lucky girl?" Yuan chuckles. I wiggle my brows and smile. Pinagmasdan ko pa ang porma niya ngayon. Ibang-iba sa dati. Plain shirt and jeans now. May hawak din siyang paper bag sa kanyang kamay.

Napakamot ng batok si Yuan. "I don't know, Leigh. Hindi ko alam kung paano..." Yuan stopped in the midsentence and look away.

Agad akong nagsalita dahil mukhang naiinip na ang cashier sa akin. "Teka..." Mabilis akong humarap doon ng walang paalam kay Yuan. Dumukot ako sa pantalon ko ng pera at nilapag iyon. The cashier sighed. Nginitian ko na lang ito. Nang matapos ang transaction ay kinuha ko agad 'yong vodka at 'yong sukli. Humarap ako kay Yuan. Kinuha naman niya ang dala ko. Aangal sana ako ngunit tinaasan niya ako ng kilay.

"So paanong hindi mo alam?" I asked him.

Nag-umpisa kaming maglakad palabas ng supermarket. I look at Yuan. Malayo ang kanyang tingin. I saw him blush. Shit, this is real. Really. "Uy, you found someone, right? Let me guess it. Siya 'yong lumapit sa'yo dati, right? The one who gave you...the verse?" Lalong namula ang mukha nito at umiwas sa akin. I'm just guessing it, you know. Wala naman kasing pumasok sa isipan ko at 'yon lang ang naisip ko.

"Our family has reputation, Leigh. You can't just love anyone you'd want. We're Chinese..." Yuan said.

Napakagat ako ng labi.

"I'm not, Christian," I said immediately. "Pero dati na 'yon! This is 20th century! How come!"

Yuan laughs. "Well, you're not but me. Sa pamilya namin may reputasyong pinangangalagaan. May tradisyong dapat sundin. But how can you say no to all of them?"

"Teka nga! Naguguluhan ako." I shook my head. "You loved someone right now, right? Pero hindi mo alam kung paano—paano baliin 'yong reputasyon ng pamilya mo? Come on!" Napatawa ako. "If doing the right things make you sad and lonely, do the wrong things. Trust me, it all worth it in the end. Tignan mo 'ko." I spread my arms.

Napatawa naman si Yuan. He shakes his head and looks at me. Naningkit ang kanyang matang tumititingin sa akin. "You were once the love of my life." I roll my eyes, remembering all the shits happened to us. "But I found someone that can stay in my life for lifetime, Leigh. But tradition and reputation hurts like bloody hell. Before, in my life I only knew one name that makes me insane." I roll my eyes, again. Can this Chinese stop bringing my name here in this conversation? "Pero wala pala sa tagal 'yon. Kahit minuto o segundong mahanap mo na 'yong taong para sa'yo, makakalimutan mo 'yong nakaraan." I think of my Benjamin. "It's like fate is pushing you to the right person—to the person who will worth of you—your everything. Pero may sadyang nagpapahinto sa'yo para lumapit sa kanya."

Wow, so Yuan found someone. So parang nasa sitwasyon ko siya dati. Except for the arrange marriage and I'm not really a Chinese. Siya naman kailangang sundin ang reputasyon ng pamilya.

"Did they know?" I asked him.

"Yes..." sagot niya kaagad. "Pero sila Mom and Dad lang. But grandpa...I'm sure, he doesn't like this thing..."

Shit. "Shit, Christian."

"So your grandpa is like my old version of my lolo?"

Yuan nods.

"Shit." I cursed again. "I really don't know what to say. Been there, you know. But I don't know what your grandpa can really do." I bit my upper lip then my lower lip. I closed my eyes and think. "You know, we can't blame the fate for our future—for our happiness dahil tayo rin naman ang nagbibigay problema sa sarili natin. Try to fight the things that will make you happy. Kasi sa huli, wala kang pagsisihan kapag sinubukan mong lumaban. Even you lose, your heart wins. Yah, right." I said. "Walang talo kapag kaligayahan mo ang pinaglaban mo." And my damn phone rings.

Nataranta pa ako sa pagkuha nito sa bulsa ko. "Oh gods. I need to go home. Bye, Christian!" I gave him a peck on his cheek. Hindi ko nakita ang reaksyon niya nang saktong may taxi na paparating. Pinara ko kaagad ito at nang makasakay ay sinagot ang tawag. "Pauwi na 'ko." Inunahan ko sino ang tumawag sa akin.

I heard the caller sighed. "My vodka?"

"SHIT." Bigla akong napatakip ng bibig. Tumingin ang driver sa akin. Umiling ako rito at binabaan ang boses ko. Tumingin sa likod at ang layo ko na para balikan 'yong vodka kay Yuan. Shit talaga Leigh Scarlett!

"H'wag kang uuwi ng walang Vodka. Leigh Scarlett, I'm warning you!" I roll my eyes. Kahit kailan talaga 'tong si Chico. Magkakasubukan pa yata kami. Ngayon, minsanan na lang siyang umuwi sa bahay dahil sa trabaho. I think he's saving a lot. Hindi 'yong katulad ng dati na may nagsu-supply talaga sa amin. Ngayon, siya ang kumikilos sa sarili niya. Alam kong nagtrabaho siya kay Papa tapos ngayon mayroon din.

"Sorry, nakalimutan ko. Bye," ani ko.

Binaba ko na ang tawag. My phone rings. Pero hindi ko sinagot. Patuloy itong tumunog hanggang sa makarating ako sa village.

**

Kita ko sa pintuan si Chico na nakaistambay. Kanina pa ako sa tapat ng gate ngunit hindi pumapasok. Siguro 9:30 na ngunit wala pa rin ako sa wisyo na pumasok dahil kay Chico. Shit kasi. Hindi ko naman sinasadya na maiwan at tamarin ulit na bumili. Pero kasi kung anong gusto ng kambal ko dapat masusunod. Hindi nga siya matinag sa may pinto kaya hindi ko alam kung paano makakapasok nang hindi niya nakikita. Minsanan na nga lang siya rito pero hindi ko pa sinusunod ang gusto niya. Poor, Leigh.

Tinignan ko ang phone ko at tadtad ng messages mula sa kanya. Napangiwi ako sa mga messages niya. May text message din mula kay Mama ngunit 'yong kay Chico ang nangingibabaw. Nang dahil sa nakalimutang Vodka, hindi pa yata ako makakapasok. Sana naman lumabas na si Mama o si Papa para doon ako makatakbo. Ngunit hindi naman yata kailangan dahil biglang pumasok si Densel sa loob. Nagtatakbo ako hanggang sa makarating sa likod bahay. Nawa'y wala talagang narinig na tunog 'tong si Densel at hindi niya ako napansin.

Shit, Chico.

Gagawin ko na naman 'yong dati. This time, hindi naman ako tumakas ngunit tumatakas kay Chico. May hagdan para makaakyat ako mula rito papunta sa kwarto ko. Papahakbang na sana ako ngunit may nagsalita.

"Just like the old days, Leigh, huh, really?" I look at him over my shoulder. Igting pabiro ang kanyang panga. Nagtatago ang ngiti sa kanyang labi. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Old days are the memories I will never forget, Chico. Uulit-ulitin ko 'yon kapag kailangan."

"Really, where's my vodka then?" He teased.

But I run and laugh hanggang sa makapasok ng bahay sa pinto.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon