Kabanata 14

4K 99 9
                                    

Kabanata 14

Nakaluhod

"So what's new with your life, Chics?" Tinago ko kaagad ang ngiti ko at pinaloob ang aking labi. He doesn't want me to call him Chics or whatever na nakakasuka na name. Ngayon nga nasasanay na akong Densel ang tawag sa kanyang imbes na Chico dahil iyon na ang tawag sa kanya—Densel.

Densel glared at me. Nginitian ko lang siya at sumubo muli ng ice cream na binili ni Mama.

"Nga pala, bakit hindi kita nakita sa birthday ni Benj? Sabi mo pupunta ka! Bakit ang busy mo naman ngayon?" Napakunot ako ng noo. Hindi ko talaga siya nakita. O dahil I keep my eye only for Benj?

"Maybe because my twin sister never wants to take her eyes off to his fiancée." O God. Napakagat ako ng daliri.

"Jealous?" I teased him.

Densel shrugged his define shoulders. Mukhang nag-gi-gym na naman ang isang 'to.  Ano kayang rason. Don't tell me tinanggap na niya ang alok ni Marco? Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko dati nung minsang inayusan ako ni Marco sa isang shoot dahil kailangan nila ng model? Not sure though. Pero nakaka-curious a.

"Happy, actually," anito at hindi na napigilan ang ngiti. Hindi siya tumingin sa akin at nakatingin sa isang direksyon. "You deserve this. For all the bad things, Leigh, you deserve to be happy."

Napatayo kaagad ako at niyakap siya mula sa likod. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang kanang balikat. At tumingin ako sa tinitignan niya. Iyong pool. Umihip ng malakas dito sa pool area sa bahay.

I sigh.

He breathes.

"I really do hope that you're happy, Densel. I want my twin brother to be happy, too." I closed my eyes. I felt Densel's lips on my cheek. Sumilay sa isang ngiti ang labi ko. But no words came from his mouth.

I do hope, Densel.

**

I don't know how many weeks had passed simula noong birthday ni Benj. Ganon din yong pagdalaw ni Densel. Minsanan na lang kasi siya sa bahay dahil sa trabaho niya. Mom kept asking me about my twin brother. Mama misses Densel too much. Hindi ko lang alam ang rason niya kung bakit ganito siya magtrabaho ng husto. He is damn saving a lot. Bibili yata ng bahay at lupa 'tong si Densel sa sobrang kayod na ginagawa. Well, I don't know his reason at all. Kung okay naman siya sa ginagawa niya, masaya na akong maayos siya. But like Mama, I miss his presence. It makes me sad a little, you know.

Kalahating araw na 'ko sa bahay. Ayokong umalis kahit tinext na ako ni Lana na umalis kami. Tinatamad din naman kasi akong lumabas. Gusto ko dito lang ako sa kwarto ko o kaya nasa pool area. Ngayong kumakalam na ang sikmura ko ay napatayo ako mula sa kama para makababa. Mabilis ang aking paglakad sa hagdan para makapunta kaagad sa kusina. Naabutan kong si Mama na tinitignan ang laman ng ref. Ang aga naman niyang maghanda for dinner.

"Ang aga naman niyan, Ma," ani ko pagkarating malapit sa pwesto niya. Napasandal ako at tumingin naman si Mama sa akin.

Mama laughs. It makes me smile widely. Siguro itong tawa ng isang ina na ang pinakamagandang tunog na narinig ko. "Maaga kasi ang Papa mo dadating. Why don't you invite Benj?" anito.

My mood lights up. "I'll text him, Ma. Sure naman pupunta 'yon dito," masaya kong batid.

"Densel, too," agad na sabi ni Mama.

"I'll call him. Kung kailangan puntahan ko siya sa condo niya pupuntahan ko para lang pumunta siya dito sa bahay," pursigido kong sabi. Mama's lips curve. Ngunit hindi natuloy sa isang ngiti. Bumaling sa iba ang tingin niya at sinara ang refrigerator.

"Do you think he has a girlfriend right now? Alam mo kasi may dalawang factor ako kapag busy ang lalaki. Una dahil sa trabaho. Pangalawa, may girlfriend siya. What do you think? Densel is so private right now. I miss my boy."

Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Wala namang sinasabi si Densel sa akin ngayon. Tama si Mama, medyo masikreto na si Densel sa buhay niya ngayon. Is he really okay right now? Anong mayroon sa kanya? Dati naman lahat-lahat ng gagawin niya alam ko? Paano ngayon?

"I'll check him, Ma. Pupunta ako ngayon sa condo niya." I said.

Napabuntong hininga naman ako. She gave me a small smile. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Mauna na po ako." Kumalas ako sa kanyang yakap. Hinalikan si Mama sa pisngi. "I'm gonna ask him, Ma. Don't worry. Gonna use one of Dad's car, Ma, okay lang?"

"Oo naman. Ingat ka."

Tumango ako kay Mama. Binigay naman niya sa akin 'yong susi ng kotse. Nagmamadali naman akong lumabas ng bahay. Binuksan ko muna 'yong gate pagkatapos ay pumunta sa garahe. Sumakay akong kotse at nakita ko na nasa gate na si Mama. Tumango ako at ngumiti sa kanya bago paandarin 'yong kotse.

I think I need to call Newt for Densel's address. Hininto ko muna 'yong kotse at kinuha ang phone ko sa bulsa. Hinanap sa contacts ko ang number ni Newt at tinawagan. Hindi tumagal ng isang minuto ay sinagot na niya ang tawag ko.

"O, you mis—"

"Do you know Densel's condo?" I said immediately to shut him down. Umirap ako nang marinig ko ang tawa niya. "Alam mo ba?" irita kong sabi.

"Easy, sweetheart, easy—"

"Fucking Newt, answer me!"

Newt fucking laughs. And it irritates me.

"Fine, boss. Text ko sa'yo ang address. H'wag ng mainit ulo," humahalakhak nitong sabi. Umirap ako at saka binaba ang tawag ng walang pasabi. Kasunod naman nito 'yong text ni Newt sa akin. Nang mabasa ko ang address ng condo ni Densel ay ini-start ko na ang engine ng sasakyan. Binalibag ko sa katabing upuan ang phone ko at pinaharurot na ang sasakyan. Wala pa sigurong kalahating oras nandoon na ako sa lugar lalo na kong patuloy lang ang mabilis kong pagpapatakbo. Tinignan ko ang orasan sa kotse at alas dose lang ng hapon.

Hindi gaanong traffic sa daan kaya lalong napadali ang pagbyahe ko. So I didn't text Densel. Na pupunta ako sa condo niya to check him out right now. Mala slang kung wala siya sa condo niya. Mauuwi lang sa wala ang pagpunta ko.

Agad kong hinanap ang parking lot para sa kotse. Halos patakbo na ako kung lumakad makapasok lang sa loob. Sumakay kaagad ng elevator. Based on the details on Newt's text, 5th floor si Densel. Wala akong kasabay sa elevator pero saglit lang ang tinagal ko. Pagkababa ko walang gaanong tao. May isang tao lang siguro akong nakasalubong bago makarating sa tapat ng unit niya. Hindi ko na nakuhang kumatok at binuksan na lamang ito. Hindi siya naka-lock kaya malaya kong nabuksan ang pinto. Ngunit ang hindi ko lang inaasahan 'yong bumungad sa aking paningin.

Iyong hubad na likod ni Densel ay kitang-kita ko. At pagtingin ko sa baba niya ay may babaeng nakaluhod sa kanyang habang nakahawak sa beywang niya.

WHAT THE FUCK IS THIS?

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon