Kabanata 23

3.9K 99 5
                                    

Kabanata 23

Getting married


"Got a new tattoo?" I asked Densel when I saw a glimpse of his new tattoo malapit sa kanyang hip bone. Alam ko may tattoo din siya sa kanyang likod but in the right side. But this one is new, I think. Maliit lang kasi 'yong nasa right side ng balikat. But right now, 'yong nasa bewang...never mind. "Uy tinatanong kita! Anong nilagay mo?" usisa ko. Ngunit agad niyang kinuha ang towel na nakasabit saka nilagay sa kanyang bewang.

Napansin ko iyon habang lumalangoy siya sa pool. Nanonood lang ako sa kanya at nagbabasa ng magazine. Nang umahon siya ay napaayos ako ng upo at tinanong siya. Inalis ko ang aking sun glasses at tinitigan siya.

"Not your business," utas nito at naglakad papasok sa bahay.

Bad trip siguro. Hindi makakausap ng matino si Densel kapag ganitong wala siya sa mood. Ilang oras din siyang lumangoy sa pool na para mong siya lang ang tao sa mundo. Ngayon na nga lang umuwi, bad trip pa siya.

I wish he could open this to me.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Nasisiguro kong nasa kwarto lang niya si Densel. Nagbabasa. Nagbabasa hanggang sa paulit-ulit niyang basahin iyong isang libro. Wala lang sa itsura niya ngunit mahilig talaga siyang magbasa ng libro. Iyong kwarto nga niya siya ang nag-ayos para lang may mapaglagyan ang mga libro niya. He likes to read. A lot.

Siguro matutulog na lang ako ngayon dahil wala naman akong gagawin. Itong araw na 'to ay pahinga para sa paghahanda sa kasal. I'd suggested this day for a break. Para sa amin. Pero 'yong gaga na si Lana ay hindi man lang nagrereply sa mga text messages ko. Even one emoticon wala akong natatanggap sa kanya!

And Benj.

Maybe he's in his Mom right now. Comforting her.

I texted him naman na kanina. I told him to take care. Maybe that's enough to tell him I'm here.

Papaakyat na ako ng hagdan nang mapansin kong kakalabas lang ni Mama ng kusina. Sinilip ko siya at nakita naman niya 'ko. May hawak siyang papel marahil listahan.

"Ma...sama!" Napatakbo kaagad ako sa pwesto niya.

Iyong ngiti ni Mama ang binungad niya sa akin. Napabulsa siya ng papel at hinawi ang buhok niya. "I think Densel's not feeling well...ikaw na lang isasama ko sa grocery?" Napatango kaagad ako sa Mama ko.

"Sure. Wala rin po kasi akong ginagawa."

"All right. Grab the keys. You drive, okay?" anito.

"Okay!"

Nagmamadali kong kinuha ang susi sa maliit na cabinet sa may sala. Nang makuha ko ito ay naabutan kong nakabukas na ang aming gate at nasa labas na si Mama. She waves at me. Pumunta naman ako sa garahe at sumakay na kaagad sa isa sa kotse doon. Agad kong pinaandar ito at inilabas. Huminto ako para kay Mama na sinara ang gate. Sumakay naman siya kaagad at pinaandar ko ulit ang kotse.

**

Lumaki ang ngiti ko nang dumampot si Mama ng ingredients for pancakes. Mama gave me a wink and looked on her list. Ako naman ang nagtutulak sa cart at medyo marami-rami rin palang kulang ngayon sa bahay—I mean sa refrigerator. We're done on veggies and fruits section. Iyong meat naman katatapos lang naming. Ngayon nasa canned food kami. Konti lang naman 'yong bibilin ni Mama doon, mostly mushrooms then tomato soup. Papa liked Mama's tomato soup. Kaya lagging bumibili. Sa isang lingo yata hindi mawawala ang tomato soup sa hapag.

"Sa asukal at kape na lang..." Mama said, checking her list. Sumilip ako sa listahan niya habang tinutulak ng isang paa iyong cart habang nakasampa naman 'yong isa.

"And fresh mil—" Then a bang on a cart.

Bigla akong napababa ng sampa sa cart at tinignan ang nakabangga kong cart. Tinignan ko muna 'yong cart if may damage ba o kaya 'yong laman nito ngunit wala naman. Saka ako tumingin sa may-ari nito.

"I'm so—" I stopped on the midsentence when I noticed the smirk I'd hated.

"Well, Leigh...paano kung may nabasag?" mataray nitong sambit. I felt Mama's hand on my shoulder.

"I never thought you'd be like your Mother. A careless one. Like mother like daughter nga naman." The mother bitch said—tita Nicole.

"Tara na..." Mama whispered to me. Siya na ang may hawak ng cart. Right, hindi naman ako nagpapadala sa ganito.

"I'm sorry po, Jezel and tita Nicole," ani ko. I nod to respect tita Nicole. Ngunit nang itutulak na ni Mama 'yong cart ay hinarang ni Jezel 'yong kanila. "Jezel...please." I look at Jezel. Iyong ngisi niya gusto kong burahin sa mukha niya ang binabaranda niya sa akin. Please...may pasensya pa ako. Ayokong maubos sa inyo.

"Remember, what I'd told you, Leigh." Jezel said, crossing her arms. Kapag nalaman kong ikaw...ang may dahilan nito! Hindi mo...magugustuhan ang gagawin ko! Her voice echoed inside my head. "Kapag nalaman kong ikaw ang may dahilan nito. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko? Right? Uumpisahan ko na."

I sigh.

"This is nonsense. Tara na, Ma." Give me...give me more a lot of patience to Jezel. Hindi ko rin kasi matatantya ang sarili ko kapag naubos ito.

"Malandi." Ani Jezel. "Ang landi mo." She added.

I gritted my teeth.

No...hindi ko papatulan 'to.

"Napakaland—" And I heard a slap. Hindi ko napansing nakaalis si Mama tabi ko. I blink while looking at Mama near Jezel. Nakahawak ang isang kamay ni Jezel sa pisngi nito. Gulat naman si tita Nicole sa ginawa ng Mama ko.

"Isa pa, Jezel. Isa pa." Mama said, calmly. She warned Jezel. But the bitch tried to speak again.

"Ang landi—" And Mama slapped Jezel again.

"If ever I heard that word again, Jezel, I swear...I swear I'll forget that you're my niece..." banta ni Mama. Jezel looked shock. I saw her lips tremble while looking at my mother. Mama looks so fearless now. Iyong dating sunud-sunuran—hindi na ngayon.

"Bakit Ashleigh? Kamag-anak ka ba namin? Hindi naman 'di ba? Wala kang karapatan. You will never be Sy. Never. We're not even blood-related or whatever? Anong karapatan mo? Saktan mo ulit ang anak ko—mas malalala pa doon ang gagawin ko. Of course I will never use my hands—We'll see..." banta ni tita Nicole. Hinawakan na niya ang anak sa balikat. I saw Jezel was near to tears. I gulp at his death glare—parehas...silang mag-ina. Tinulak ni tita Nicole ang cart nila at binangga pa iyong amin. Nanatili kami ni Mama na nakatayo hanggang sa ako na ang naglakas loob na itulak ang cart. Inakbayan ko si Mama para makausad kami. Sinulyapan ko siya at malalim ang iniisip. Marahil naapektuhan ito sa sinabi ni tita Nicole. Masakit iyong mga salitang narinig niya mula rito. She's right, we're not a Sy.

"Ma..." Tumigil ako sa pagtulak at hinarap si Mama. "Lolo's still acknowledge us as his family. Salita lang 'yong ni tita Nicole. Iba pa rin 'yong kay lolo, okay?" Mama gave me a small smile. Tumango pa ito.

Mama breathe a sigh. "Well, nalulungkot lang ako sa sinasabi nila. Hindi ko alam bakit ganon na lang sila mag-isip tungkol sa 'tin." Ngiting lungkot na sabi ni Mama. I felt the pang of pain. Pero anong magagawa naming kung puro galit ang mayroon ang puso nila Jezel at tita Nicole sa amin? We're going to pray, maybe the best way to touch their hearts. Pray for them. "Wala naman tayong ginagawa. Nawalan lang ako ng control kanina. But I'm so proud of you baby...hindi mo na pinapatulan." She added.

"Mahirap na baka kasi..." Hindi ko na natuloy nang biglang tumunog ang phone ko. I excused myself to Mama. Tumango naman ito sa akin.

Dinukot ko ang phone ko sa bulsa. I saw my best friend's name on the screen. Bumukas na ang bibig ko para magsalita ngunit nauna si Lana sa akin.

"Hey, bitch, I'm getting married tomorrow..." Lana's freaking voice echoed in my head.

"What. The. Fuck." The only answer she got from me.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon