Kabanata 15

3.7K 107 6
                                    

Kabanata 15

Not Available


"DENSEL!" I screamed my twin brother's name.

Biglang napatayo iyong nakaluhod sa kanya at napaharap naman ang kambal ko sa akin. My eyes went wide immediately. Isang mapaglarong ngiti ang nangingibabaw sa labi ng aking kapatid.

Akala ko kung ano na. Parang akong nabunutan ng malaking tinik sa aking lalamunan.

"Carmela?" My forehead creased. Really, this is Carmy now? Wait...is this Densel's best friend? Si Carmela ba talaga ang nasa harap ko na nakaluhod kanina kay Densel. Napaawang ako ng bibig. I tried to say another word but I failed. I look at her. She freaking changed. Mula sa simpleng mga damit like shirt and jeans, ngayon iba na. She looks so damn elegant. She's wearing a crop sleevless white top tapos hapit na pants sa kanya thighs. Kulay puti din ito.  Nakapusod pa ang buhok nito. Ang simple ngunit ang eleganteng-elagante.

"Leigh," anito. Napahawak siya ng mahigpit sa hawak niya. Naningkit ang mata ko para tignan iyon. Body tape measure?  Anong meron at may body tape measure siya? Lalong naningkit ang noo ko.

What is this?

"What brings you here, my dear?" Mapapabaling ka kaagad sa tono ng boses ni Densel na para mong nang-aasar o nairita. I knew him. My brother. Alam ko kung naiinis o naiirita o sabay na ganon. Sa tagal ng panahong wala akong balita sa kanila—sa estado nila—hindi ko alam kung anong meron sa kanila ngayon. Dati nga noong college, hindi ko alam kung more than na dahil hindi na binabanggit. Kahit isa sa kanila, walang umamin—dahil mag best friend lang daw naman. Pero ngayon, hindi ko alam. Nakakairita rin naman kasi si Densel dati kapag tinatanong ko si Carmela sa kanya dahil ang sagot sa akin ay isang kibit-balikat. Sarap na lang sapakin ni Densel kapag ganon.

"Well, my dearest brother, gusto ni Mama na umuwi ka mamaya. Is that okay with you, Densel?" I said and rolled my eyes. Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti.

Sinulyapan ko si Carmela ngayon na nakatingin sa baba.

"Can you ask Grace about it, Leigh? Hindi ko kasi alam kung ilang oras ang aabutin nitong pagsusukat namin? Maybe she wants me all day." There is a playful smile on Densel's lips while looking at Carmela. Napa-huh ako sa loob-loob 'ko.

"No." Carmela said firmly. "No, actually, isang sukat na lang naman ang kailangan ko. And I can do it tomorrow when he's free," anito sabay ngiti na nagdefine ng kanyang cheekbones. Damn, Carmela, she's so pretty.

Tinignan ko si Densel. And he still looking Carmela like something precious na parang nakaligtaan niya ang isang detalye ng pagkilos nito ay parang mawawala na siya. He looks Carmela like a saint he is willing to worship.

"May oras pa naman. Tapusin niyo na lang ngayon 'yang ginagawa niyo. Dinner pa naman 'yon," ani ko at tinignan si Densel. "You, boy, come home. Okay?" Seryoso kong tinignan ang kambal ko. Nung mga oras lang niya ako tinignan.

"Yes, ma'am." Sumaludo pa ito.

"Don't be late, Francisco. I am warning you."

Densel laughs. "Now you look like Mama."

I roll my eyes. "Pake mo," pagtataray ko. "Oy, basta a! Kakaladkarin kita dito kapag wala ka." Bigla kong naisip si Carmela. Maybe she could join us, too. Kilala rin naman ni Mama si Carmela. At time na rin 'yo para makilala ni Papa si Carmela. "And you." Bigla kong tinuro si Carmela. Napatalon siya sa gulat. "I'm sorry," natatawa kong sabi. "But maybe you could join us, too, Carmela? Pwede ba?"

Carmela's pink thin lips are partly open. Na-compose naman niya ang sarili kahit nag-aalangan siya. "I'll try. Thank you," she said innocently.

"Pun—" Hindi pa ako nakakatapos ay sumingit na si Densel.

"Sabay na kami," ani Densel. Sandali niyang binaling ang tingin sa akin at tumitig kay Carmela. Saktong nakatingin naman si Carmy. "Do not worry, love," he added. Pumorma pa ng parang panguso ang labi ni Densel.

I roll my eyes.

"Fine. Aalis na 'ko. Basta pumunta kayo. Mama is expecting you. Ikaw rin, Carmela. By the way, I missed you." I smiled. Ganon din si Carmela sa akin noong tumingin siya. Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palabas. Sinara ko ang pinto at nagdiretso sa elevator. So isa na lang ang tatawagan ko ngayon.

Dudukutin ko na sana sa pantalon ko ang phone ko nang maalala kong nasa kotse pala iyon. I bit my lip. Urgh. Dapat pala hindi ko na lang binalibag iyon sa katabing upuan. Sana natawagan ko na si Benj.

Mabilis ang aking pagkilos hanggang sa hinintay ko pa ang itong bumukas at saktong may sakay itong dalawang babae. Namukhaan ko kaagad silang Chinese sa kanilang itsura. Malaponselanang kutis. Singkit na mata. At sa tingin ko nakita ko na sila sa isa sa event ng kompanya ni lolo. O maaring kamukha lang.

Pumasok ako sa loob ng elevator.

"Leigh Sy-Alegre, right?"

Bigla akong napatingin sa likod ko. Napatango ako at binigyan sila ng maliit na ngiti.

"Is it true that Yuan never wanted to dismiss the wedding?" Iyong maikli ang buhok ang nagtanon. Napakagat ako ng labi sa pagpipigil. No, Leigh. Don't comment.  "That you wanted it?" dagdag pa nito.

Nag-igting na natuluyan ang panga ko at inis sa aking sistema.

Patience, Leigh.

"You know, it's bad," sumagot naman 'yong isa. "Na biglang bababa ang reputasyon ng isang pamilya. You're a Sy. Yuan's a Wong." But I'm not. I wanted to shout this words to them. Ngunit nangibabaw ang pasensya sa akin. "Your family has this reputation." Hindi ko alam kung ano pang pagtitimpi ang gagawin ko.

Pinandigan kong tumahimik at hindi sila binigyan ng salita. I was saved when the elevator's door opened. Thank, God. Tinanguan ko sila bago tuluyang maglakad. Ang sakit palang ilang minutong nakayukom ang kamay mo sa pagpipigil. I gritted my teeth. I walk faster until I reach the parking lot.

Sumakay kaagad akong kotse at napasandal.

Holy fucking shit.

Hanggang ngayon ba issue pa rin 'yon? Sino naman nagpakalat ng issue 'yon? Is it not enough? Hindi pa ba sapat 'yong salitang binigay ni Yuan? Iyong paliwanag niya sa simbahan? What the fuck is wrong with you, people? Paano nakakayanang ng isang tao siraan ang wala namang ginagawa sa kanila? Do they have conscience? Come on.

Problem with some people, huhusgahan ka nila kahit sa isang bibig lang na mapanira nanggaling hanggang sa nakapatong-patong na ang maling impormasyon at masira ka. At wala silang pakelam. Sira at duguan kang nilang pagtatawanan.

Napapikit ako ng mariin. I need to breathe. Hindi ko kailangan magpadala sa ganitong emosyon. Everything's fine right now. Bakit ko ba binibigyan pansin iyon? We're good. Lolo changed. He's back from being good man. I don't need to worry. Ang reputasyon ng Sy ngayon ay kaligayahan ng bawat miyembro nito. Just that.

Forgotten.

Kung ano man ang nangyari sa elevator, nakalimutan ko na.

I opened my eyes. Dinampot ko kaagad ang phone ko. Tinawagan si Benj. Ilang minuto ang hinintay ko bago niya sinagot ang tawag.

"Hello."

But it is not Benj.

"Hello, is this Scarlett?" I think it is his Mom.

"Yes po," sagot ko. O God.

"This is Franco's Mom." There's something on her voice—not soft—firm—or ganito lang talaga? But when I'd met her, she was so sweet. "I don't think Franco could come on your date or whatever things you need to do today. He's not available. He has this other priority right now."

Napabukas ako ng bibig hanggang sa nakalikom ako ng lakas ng loob. "Ah...ganon po ba. It's fine." The only words I said and the line went dead.

When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon