Last chapter and then Wakas na lang! Thanks!
**
Kabanata 40
Adieu
"Ano ba 'yong nilagay mo sa compartment?" Nakakunot kong tanong kay Lana noong nakapasok siya sa kotse ko.
"Wala!" bira niya at iniwas ang tingin sa akin.
Napairap na lamang ako at ini-start ang engine ng kotse. Nang pinaandar ko ay ramdam ko ang tingin ni Lana sa akin habang nagmamaneho. Napakagat ako ng labi bago magsalita.
"La, matutuloy talaga kami bukas dahil gusto rin nila Mama at Papa na magbakasyon kami," ani ko at niliko ang kotse nang makarating sa gate. Tinanguan ko ang dalawang security guards sa guard house pagkatapos ay matulin na pinaandar ang kotse.
"Pero Le..." Lana cut off her words. Tinignan ko siya sandali pagkatapots ay tinuon na ang atensyon sa daan. I know this is hard but we both need to have time to pamper and forget what happened for a while in our life.
"La naman—" Napatigil ako nang magsalita siya.
"Hindi 'yon! Ang ganda kasi ng suot mo ngayon!"
Bigla kong naihinto sa isang tabi ang kotse at masamang tinignan ang magaling kong kaibigan. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko at inirapan siya. "Fuck, Lana," irita ko.
"You have this Off-shoulder black top and faded blue ripped jeans! Urgh! I miss wearing ripped jeans and crop top, Le!" she cried out.
Wala na akong nagawa kung hindi umiling na lang sa inaarte ni Lana. Inumpisahan ko ulit paandarin ang kotse dahil matagal-tagala ang byahe namin paputang Pinto Art Museum. Matagal-tagal ko ring iintindihin ang nag-iinarte kong kaibigan sa byaheng ito. Matagal-tagal akong magpapasensya sa kanya.
At higit sa lahat...I'm going to miss Lana's shits. For damn real.
Damn that bitch.
**
Inabot ng dalawang oras ang byahe namin papunta sa Pinto Art Museum dito sa Antipolo. Mabuti na lang may mabubuting tao na tinuro sa amin kung saang banda iyon. Ito namang isa nag-aya hindi naman pala alam 'yong lugar. Naku! Mabuti na lang talaga ang babait ng tao dito. Sa isang subdivision ito.
"Urgh! I'm so excited!" Para mong nagningning ang mata ni Lana nang makababa sa sasakyan at makita ang harap ng museum. Ang gate nito ay gawa sa bakal at ang puting pader ay simple lamang ang disenyo ngunit nakakaakit na sa mata lalo na 'yong sa taas nito'y may maliit na kampana at nakalagay doon ang Pinto Art Museum. Sa mga gilid naman nito ay may mga halaman na lalong nagpaganda ng harap.
Umirap ako nang pumunta sa harap ng gate. Bigla akong nakarinig ng click ng camera kaya napatingin ako kung saan iyon. Napabuga ako ng hininga nang makitang may hawak na DSLR si Lana at kinuhanan ang gate. Shit! Bakit ba akong kinabahan!
"Leigh! 'Dyan ka lang kukuhanan kita!" anito sabay lagay ng camera sa mukha. And I heard a click. Pagkatapos ay nilabas niya ang phone niya at kumuha muli siya ng kuha naming dalawa sa gate.
Hinawakan ko na siya dahil hindi yata titigil ang isa nito sa pagkuha kahit nasa gate palang kami. Naglakad kami hanggang sa may nag-approach sa amin na mag-register. Nilagay namin ang aming pangalan sa isang papel pagkatapos ay binigyan nila kami ng mapa at iyong listahan ng pagkain sa Pinto Café. Nagbayad kami ng entrance fee pagkatapos ay nag-umpisang maglakad sa loob. Kinuha naman ni Lana sa akin ang mapa.
"Wow..." I uttered when I saw the place. Ang laki at ang ganda ng lugar. Open area pa ito na sobrang ganda talaga dahil sa puno't halaman na mayroon sa paligid. Hindi ko alam kung ilang hektarya dahil ang ganda ng ayos at design ng bawat gusali. Iyong roofdeck na natatanaw ko rin. Wow. I don't know how to say it in words but I think this is beyond amazing. Iyong ambiance ng paligid. Grabe! Hindi ko na alam! Ang ganda pa ng pagkakaayos ng mga halaman! O God. Can I just live here!
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...