Kabanata 2
Good Start
Ilang araw na ring sumasama ako sa mga lakad ni Newt at Conrad. Ilang araw na ring nag-iiba ang gawain ko. Na dati nasa loob lang ako ng unit ko, hinihintay na lang kung maggagabi na ba o umaga. Pero ngayon, ni hindi nila ako pinipilit na sumama na lang sa kanila. I don’t know what’s with me. I don’t know what’s with her—Scar. Na gusto ko na lang pumunta sa bawat lakad, knowing she’ll be there, too.
I remember the day we first met, alam ko hindi naging maganda dahil sa kalokohan ni Newt at Conrad. Hindi ko rin alam kung kasama rin si Chico doon. But that prank made Scarlett furious with Chico. Well, that was new to me.
“Kuya?” Napatayo ako nang marinig ang boses ni Maggie.
“Yes?” Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha ni Maggie na nagpapa-cute. I scowl.
“Your promise?” she said.
I pressed my lips.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa sinabi niya na maaring dahil sa kaba. Maggie wants to invite Scar for her birthday. And I don’t know how can I ask her—Scar for this. I have her number. I asked Chico about her number. Hindi niya lang alam kung anong kaba ang mayroon ako noong oras na iyon sa pagtanong ng number ni Scar. It felt like I was a teenager again. O, damn it.
“I’ll text her, Mags.” I closed my eyes and smiles. I felt my jaw tenses.
“Ngayon na?” Napabukas ako ng mata ng iusad niya ang pinto para makapasok sa kwarto ko.
“Mamaya.” Ani ko.
“Ngayon na.” she repeated.
“Mamaya,” pag-uulit ko at nginitian siya ng pilit.
Napanguso naman si Maggie. “Kuya naman! Magte-text lang naman!” Pinadyak niya ang paa niya at sumimangot sa akin. “I know you like her, kuya! Pero itetext mo lang naman e.” Bigla akong napaiwas sa sinabi niya. I felt all my blood run to my face.
“Okay.” I surrender. Naglakad na ako papunta sa small cabinet ko para kunin ang phone ko. “Ito na.” Pinakita ko ang phone ko kay Maggie. Napangiti naman siya.
“So text her.”
“Go.” I shoo her.
“Kailangan ko makita na tinext mo siya.” Mags wiggles her brows. I glared at her. Pero wala rin naman akong magagawa, she always wins. Fine.
Kaya hawak-hawak ko ang phone ko, iniisip kung anong itetext sa kanya.
“Text her, tell her na iniimbitahan ko siya sa birthday ko kuya. Mukhang nahihirapan ka pa a!” Napangisi si Maggie sa tagal ko.
“I know,” I whispered. “Sige na Maggie, I’ll message her.” Napa-massage ako ng temple ko.
“Okay!” Maggie shrugged her shoulders. Lumabas na siya ng kwarto ko.
Napatitig ako sa phone ko pagkatapos. Anong sasabihin ko? Anong itetext ko? But I ended up typing this message:
Hi, Scarlett!! How are you?
-Benj
Tinitigan ko lang ang message ko sa kanya hanggang sa ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya nagte-text. Napahiga ako sa aking kama.
Benj, what the hell is going on with you?
Napapikit ako at biglang naalala iyong White T-shirt Party kung saan nalaman ko ang pangalan niya at nilagay pa niya sa white shirt ko.
“Hi, can I write my name on your shirt?”
“Uhm…sure.”
“My name is first here on your shirt…but come closer to me.”
I remembered some of our conversation. Si Scar siguro ‘yong unang babaeng hindi naging komportable sa akin. Ibang-iba sila ni Gorg. Naalala ko non muntik na ring hindi niya maituloy ang paglalagay niya ng pangalan niya sa t-shirt ko dahil kila Conrad at Newt. Pero ako pa rin ang lumapit sa kanya para maituloy niya iyong pagsusulat.
“Scar?” Napatango siya. “Benjamin, but Benj will do.”
“Scarlett but I am fine with Scar.”
“Benj meets Scar. It’s really nice to meet you, Scar.”
Her name is something I will not forget ‘maybe’ in my life. Iba siya kay AJ. Iba siya kay Gorg. Iba siya sa ibang babae. I don’t know. Her name is something fierce and brave and smart.
My phone rings. Bigla akong napaupo at napatitig sa phone. She texted me back. My lips drew into hardline. Bigla akong napalunok nang hindi ko alam ang dahilan.
From: 0915*******
Okay lang. =)
Unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngiti. What the hell? Anong nangyayari sa’yo? It took me minutes to absorb everything that Scar texted me back. Bigla ko tuloy naalala iyong nangyari sa 5 star hotel.
“Sino ‘yung kasama mo? Boyfrien—“ I don’t know why I asked her about this stupid question. Dahil ba may kasama siya sa hotel na ‘yon? I don’t know. I think something is wrong with me.
“Hindi!” Pero napangiti ako ng sikreto nang bigla na lang siyang sumagot at hindi pa ako nakakatapos ng tanong.
O, Scar. Anong ng nangyayari sa akin?
This realization made me to type this message and send it to her:
Good. I miss the most honest person I ever known right now. :P
I’d stare at my phone after I send the message. Pero ilang minuto rin ang lumipas ng marealize kung anong tinext ko sa kanya. Awkward ba ‘yong text ko sa kanya? I scowl at frustration. Pakiramdam ko mali ‘yong tinext ko sa kanya.
Shit.
Ayoko namang maging hindi kami komportable sa isa’t isa. I like her to be my friend. Pero ilang minuto o oras na ba ang lumipas pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin pabalik. At hindi ko pa rin nagagawa iyong inutos ni Maggie sa akin.
I like Scar’s guts. Kaya ayokong hindi kami maging komportable pagkatapos nito. Well, the rebound confession is one of my favorites that I’d ever heard from her. Isama pa iyong nasa bar kami and she’d told me that she was jealous about Gorg. Pero kung titignan, naging totoo lang siya nararamdaman niya. Maybe if…I just have this confidence…siguro…si AJ.
No! Damn!
Napailing ako.
Maybe, there is always a piece of a memory of the person you loved that will stay with you no matter what. Na kahit anong gagustuhan mong kalimutan siya hindi-hindi mo siya makakalimutan.
Pero ngayon, kailangan ko na sigurong unti-unting baguhin kung anong nakasanayan ko. Maybe Scarlett will be the good start that God gave to me…that God provided me to stop wasting my life for something I can’t really change.
“Opening your heart to someone is the best solution. Not to become a rebound but to become the better person for me.”
Naalala kong sinabi ko ‘to noong inuwi ko sa unit ko si Scar.
Maybe, it is the time to take these words as an action.
BINABASA MO ANG
When Love Stays Forever (Book 3 of WL Trilogy) (ML, #3)
General FictionNatuto si Benjamin Franco Salazar na ipaglaban kung ano ang dapat sa kanya. He learned to sacrifice and commit a mistake for this tireless love. Kaya ngayong natapos na ang pinaglalaban niya ay siyang dati naman ng panibago. Benj promised to...