Chapter 1 - The Promise

2.3K 46 1
                                    

"Yaya? Ready na po ba ang sasakyan?" Malambing niyang tanong kay Soledad.

Her yaya is in her mid-sixties pero malakas pa din ito kahit senior na.

"Oo, 'nak. Kanina ka pa nga hinihintay ni Romeo." Sagot naman nito na abala sa pag-aayos ng mga dadalhin niya.

Napalabi siya. Nahihiya siya at kanina pa pala naghihintay ang kanilang driver. Natagalan kasi siya sa pakikipag-usap kay Reed sa telepono. Ang kulit naman kasi ng isang 'yon!

"Sila daddy at mommy ano pong oras umalis?" Muli niyang tanong.

"Mga isang oras na din siguro ang nakakalipas. Nagbilin nga pala na agahan mo daw ang uwi mamaya at may pupuntahan kayo. Ngayon daw ang birthday party ng Papa Solomon mo."

She bit her lower lip. She almost forgot this day. Importanteng araw pa naman ang birthday ng Papa Solomon niya dahil minsan lang umuwi ng Pilipinas ang mga Marquez. At iyon ay sa tuwing birthday lang nito.

So, kailangan niya pala magbawas ng oras sa lalakarin niya ngayong araw.

"Sige po, 'ya. Ilagay na po natin ang mga ito sa sasakyan para makarami ako ng mabigyan ngayong araw." Masigla niyang wika.

Ang tinutukoy niya ay ang may kalakihang paper bags na may lamang iba't-ibang gamit niya na hindi na niya kailangan. Ang iba roon ay mga bago pa nga.

"Nida! Pumarine ka nga at tulungan mo kami ng ating prinsesa!" May kalakasang hiyaw ni Sol sa isa pang kasambahay ng mansiyon.

Masaya nilang pinagtulungan na isakay ang mga paper bags sa van na kanyang sasakyan. Tumulong na din ang driver na si Romeo nang makitang nagbubuhat ang dalagang amo.

"Kuh! Eh bakit naman kasi hindi mo inutusan 'yang si Reed mo na ika'y tulungang magbuhat dine. Ako pa tuloy ngayon ang nagbubuhat. Tiyak na sasakit naman ang mga kasukasuan ko nire." Pabirong reklamo ni Romeo sa kanya.

Napahalakhak siya dahil doon. Si Sol naman ay sinaway ang palabirong driver.

"Naku! Ikaw nga Romeo ay magtigil nga sa kakabuyo mo sa alaga ko kay Reed, hano. Aba'y matalik lang sila na magkaibigan, hindi ba, 'nak."

"Opo, 'ya." Pagsang-ayon niya.

"Ang Ateng Sol ko talaga, oo. Aba'y bakit ba, eh sa kinikilig nga ako sa kanila." Sagot ng driver nila sa nakatatanda nitong kapatid.

Kimi na lang siyang napangiti sa tinuran nito. Alam naman niyang matagal na silang tinutukso ni Reed ng kaniyang mga kasama sa bahay. Maging ang kanilang mga magulang ay nakikitukso na rin. Pero hanggang sa pagkakaibigan muna sila sa ngayon. But, she's open for a possibility if ever Reed would take their relationship to another level. She loves him anyway. But not that deep. Yung katamtaman lang ba.

She knew Reed Varys since their childhood. Sabay silang lumaki ng binata sapagkat magkakaibigan din ang kanilang mga magulang. Mas matanda lang ito sa kanya ng tatlong taon.

For Aminah, Reed is not only her best friend but also a superhero. Because he's always right there whenever she needed a helping hands. He will always come to save her ass. Kahit na nga ba busy rin ito sa trabaho bilang presidente ng sarili nitong kompanya. Ang RVW Corporation. Pag-aari ng kanyang kaibigan ang ilan sa mga sikat na fastfood chain sa bansa.

And speaking of her hero, heto at nag-ri-ring na ang kanyang cellphone at pangalan nito ang naka-indicate na caller.

"Naisakay na po ba natin lahat, Yaya?" Tanong niya bago sagutin ang tawag. She slid herself in the passenger seat.

"Oo, hija. Sige na, lumakad na kayo. Mag-iingat ka 'don anak ha."

"Yes po." Magalang niyang tugon. Not minding the phone.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon