Chapter 21 - Confusion

1.3K 34 1
                                    

"I-I love you, Knife... I b-broke up with R-reed because I l-love you. Mahal kita kaya titiisin ko lahat. Titiisin ko ang l-lahat."

"M-mahal kita, Knife. M-matagal na."

"Why can't you just love me, Knife? Why can't you let yourself love me or show me a little affection at least?"

"P-please, Knife. M-mahalin mo naman ako kahit kaunti lang."

"A-ako ang asawa mo, Knife. K-kaya ako dapat ang naglalagay sa balat mo ng mga ganyang tanda. S-sa akin mo dapat inilalabas ang init ng katawan mo at hindi kay Luisa."

Humihingal na napabangon si Knife mula sa kinahihigaan. Napanaginipan na naman niya si Aminah na ilang beses na ring nangyari sa nakalipas na tatlong buwan. At hanggang sa panaginip ay ramdam niya ang sakit na dinulot niya rito.

Naalala niya ang sarili noong mga oras na umamin ang kanyang asawa sa nararamdaman nito para sa kanya. Akala niya noon ay dala lamang ng kalasingan kaya ito nakapagbitiw ng mga ganoong pag-amin ngunit nasaksihan niya rin kung paano patunayan ni Aminah na nagsasabi ito ng totoo. But he got scared. He let her efforts gone to waste because he needed to. Pinagsisilbihan siya nito kahit sinasadya na niyang baliwalain lahat, masakit man para sa kanya na makita itong nasasaktan.

Isa pang bumabagabag sa kanya ay ang nabitiwan niyang salita noong kasulukuyang comatose pa si Aminah. He promised to let go of his feelings for her and let her be with Reed if only she'd woke up. Mahalaga sa kanya ang dalawa. At ayaw niyang masaktan si Reed dahil naniniwala siyang mas karapat-dapat ang lalaki kay Aminah kaysa sa kanya-- na mas mapapabuti si Aminah kung si Reed ang makakasama nito at hindi siya. Ngunit nagbago ang lahat noong malaman niyang parehas pala sila ng nararamdaman ng kanyang asawa.  But then again, wala na siyang magagawa kundi ang gawin ang nararapat at tapusin na ang kanyang misyon upang mabuhay na ng tahimik.

At.. at kung handa pa siyang tanggapin muli ni Aminah, nais niyang bumuo ng pamilya kasama ito katulad nang matagal na niyang pinapangarap.

Napabaling siya sa pintuan nang may marahang katok ang narinig niya mula roon. Isang kasambahay ang tinatawag siya mula sa labas. Pupungas-pungas siyang bumangon at tinungo ang pinto.

"Good morning ho, Sir Knife. Si Ma'am Luisa po nasa ibaba. Hinihintay kayo."

"Sige. Tell her to come up here."

Isa pa itong si Luisa sa pinoproblema niya.

Luisa is his constant companion since he entered the Mesobuthus Martensii Organization. Si Luisa din ang nagsilbing distraction niya noong mga panahong nalilito siya sa nararamdaman at nais na lang kalimutan si Aminah. Ulilang lubos na ang babae at nakaranas ng mga hindi magandang pangyayari sa buhay kaya naman dumating sa punto na ang nararamdaman niyang awa para rito ay naipagkamali niya sa pagmamahal. Bukod pa roon, he needed Luisa to execute his plans. But his plans needed to change now because of her pregnancy. At isang malaking kalokohan na siya ang sinasabing ama ng ipinagbubuntis nito.

Yes, there maybe times that they had sex but he made sure that he's safe. Alam niya ang lahat ng lihim ni Luisa. Buong pagkatao nito ay kabisado na niya. Maging ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Kevin McHale. So it only means one thing, he's not the father of Luisa's child.

Saktong nakapag-ayos siya ng sarili ay may kumatok muli sa kanyang pintuan. "Come in."

Bumungad si Luisa na nakasuot ng bulaklaking bestida. Halata na rin ang umbok nito sa tiyan. Akma sanang lalapitan siya nito ngunit sinenyasan niya itong umupo sa sofa.

"You're always busy kaya ako na ang nagkusang pumunta dito." Panimula ng babae. Halatang iritado dahil sa kawalang-gana niya.

"I already told you. I had to deal with so many things lately. Madami pa 'kong kailangang ayusin sa negosyo." Mahinahon niyang saad.

Nakapameywang siyang nakatayo malapit sa sofa ngunit hindi niya naisipang umupo sapagkat nais niyang maging maikli lamang ang maging pag-uusap nila.

"Yes you are. Kaya nga ni hindi mo man lang kami magawang puntahan o kamustahin ng anak mo." The lady's mocking tone was very evident.

"I'm sorry but.. I think we should talk about our relationship now." He emphasized the word our. And right after Luisa heard his words, she became alert and looks worried.

"Honestly, I don't believe that I'm the father of your child." Malamig siya nakatingin sa tiyan nito. Napatayo naman si Luisa mula sa kinauupuan at umilang hakbang palapit sa kanya.

"Ano bang.. a-ano ba'ng pinagsasasabi mo diyan? Ginawa nating dalawa ang batang nasa sinapupunan ko ngayon. T-this is your child, Knife. Kaya please naman, huwag kang magsasalita ng ganyan." Halata ang takot sa boses ng babae.

Hindi siya kumibo. Alam niya sa kanyang sarili na hindi talaga siya ang ama. Si Kevin McHale, na isa sa binabantayan niya na drug lord sa Macau. Matalik na kaibigan ni Marcus Jacobs at isa sa kaagaw niya sa posisyon upang pumalit sa pwesto ni Leonardo Jacobs na nalalapit ng bumaba sa katungkulan bilang pinuno ng Mesobuthus Martensii.

"Knife. Knife! Ano? What's happening?" Luisa is almost hysterical this time.

"I can't be with you anymore." Tahasan niyang sambit.

Luisa covered her mouth to suppress a sob.

"W-why?" Tila nahahapong akusa ni Luisa sa kanya. "I thought you l-loved me." Luisa said in her shaky voice. Unti-unti na ring tumulo ang luha nito sa mga mata.

Umigting ang kanyang panga because he felt guilty. He's the reason of those tears. He hurt her. He... betrayed her.

"I thought so.. too. I'm sorry." That's all he could say. He knew no matter what words of apologies he would say wouldn't matter now for Luisa. All she could think and feel right now is his betrayal.

He heard Luisa scoffed. Hinahaplos-haplos nito ang tiyan habang nakayuko doon. Tahimik na umiiyak.

"S-so all along, y-you were just p-pretending that you l-love me? Si Aminah pa rin ba?"

Bumagsak ang balikat ni Knife. He knew Luisa is already suspecting him about his feelings for his wife.

"Yes."

But he could still answer directly looking at the woman.

Walang na yata akong ibang babaeng mamahalin kundi si Aminah lamang. Pipi niyang bulong sa hangin.

"And we can do a paternity test so we can confirm that I'm the real father of your baby." He added coldly.

Bumalik na naman sa kanyang alaala ang mga oras na nalalasing siya at sinasamantala ni Luisa ang kanyang kahinaan. Yes, there are times that he wanted to use her to forget his feelings for Aminah at siguro nga naging mahina rin siya kaya napasok siya sa ganitong sitwasyon ngayon. Lalaki siya ay may pangangailangan din. Hindi niya itatanggi iyon.

"No need."

His forehead creased. Nagtataka siyang humakbang palapit sa babae. Huminto siya nang medyo malapit na siya dito. Samantalang si Luisa ay nananatili pa ring nakayuko at hinihimas ang may kaumbukang tiyan.

"T-the b-baby is n-not yours. I'm s-sorry for lying. I.. think this is enough. Enough for me stop this madness. I'm done. I'm done, Knife."

.
.
.
.
.
.
"Hinding-hindi ko hahayaang maging maligaya kayo. At sisiguraduhin kong habang-buhay mo itong dadalhin sa iyong konsensiya. Habang-buhay, Knife Marquez. Habang-buhay!"

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon