Chapter 7 - He Shouldn't Care

1.3K 26 0
                                    

Maayos na ang pakiramdam ni Aminah nang magising. Wala na ang matinding pananakit ng kanyang puson ngunit bahagya pa rin siyang nanlalambot, marahil ay dala ng gutom. It's past seven in the evening the clock says. Ilang oras din pala siyang nawalan ng malay. Ilang beses ng nangyari sa kanya ang mawalan ng malay sa tuwing dadating ang kanyang buwanang dalaw.

She had her first monthly period at the age of eleven and she remembered who was the first person who saw her fainted because of dysmenorrhea.

Nakasimangot ang grade five student na si Aminah habang binabasa ang excuse letter ng kanyang kaibigan sa school na si Missy. Kung kailan kasi matatapos na ang school year ay saka pa nagsunod-sunod ang pagliban sa klase ng kanyang kaibigan. Kasama pa naman ito honor roll katulad niya.

Muli niyang binasa ang excuse letter ni Missy. Ayon doon ay hindi raw ito makakapasok sa kadahilanang masama pa rin daw ang pakiramdam dahil sa dysmenorrhea. She sighed. Mabuti na lang siya at hindi pa nararanasan na magkaroon ng buwanang dalaw.

Ibinalik na niya sa table ng kanilang teacher ang sulat at tumungo na sa kanilang school canteen.

"Sabay na tayong mag-lunch, Aminah."

Agad siyang napangiti nang makita si Knife. May bitbit itong tray na naglalaman ng tanghalian nito. Their studying at the same academy. Ito at si Reed ay parehong highschool na ngunit magkaganoon man ay hindi nawawala ang mga bonding moments nilang tatlo.

"Sure." She replied cheerfully.

Hinanap ng kanyang paningin si Reed ngunit hindi niya ito nakita.

"Reed's busy." Said Knife shrugging his shoulders and put the food tray on the table next to them.

Napatango-tango siya. Malapit na kasi ang intramural sports kaya puspusan ang training ng mga athletes. Isa doon si Reed na kabilang sa maglalaro ng basketball. At kadalasan ay mga teammates na nito ang kasamang kumakain ng kanyang kaibigan.

"Come on. Upo ka na dito. Ako na kukuha ng lunch mo." Untag sa kanya ng binatilyo. Pinaghila pa siya nito ng upuan.

"Thanks." Nakangiti niyang pasasalamat.

Si Knife ay dumeretso na sa counter kung nasaan ang linya ng mga pagkaing pagpipilian. Knife already knew the food she wants for lunch. A cup of rice, sauteed vegetables and of course her favorite food, calamares. Napangiti siya nang bumalik na ang lalaki na dala na ang kanyang lunch. May kasama pa iyong bottled water at dalawang yakult.

"Let's eat." Yakag nito at sabay na nilang pinagsaluhan ang kani-kanilang lunch.

Patapos na sila nang makaramdam siya ng pananakit ng kanyang tiyan.

"Aw!" Impit niyang daing at nadaklot ang kanyang bandang puson dahil naroon ang sakit.

"Are you alright, Aminah?" Nag-aalalang tanong ni Knife sa kanya.

Ibinagsak nito ang hawak na tinidor at kutsara. Tumayo ito at mabilis siyang nilapitan.

"M-my tummy hurts so b-bad." Nakangiwi niyang tugon. Pagkatapos ay nakaramdam siya ng pagbaligtad ng kanyang sikmura. "Awk!"

"Aminah!"

Tawag sa kanya ni Knife nang bigla na lang siyang tumayo at tinakbo ang CR sa canteen. Doon din niya inilabas ang kanyang mga nakain.

Naramdaman niyang may humahaplos sa kanyang likuran at hindi na niya kailangan lumingon pa upang alamin kung sino iyon. Isa pa ay nanghihina na siya para kumilos pa.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon