"What have you done this time, woman?" Galit na bungad ni Knife kay Aminah.
Nag-angat siya ng tingin mula sa pag-scroll ng cellphone niya. The man just got home straight from Beijing, yet he still have the strength to scold her this way. Tila kasi nakikita na niyang umuusok ang ilong nito sa galit. Siya naman ay halos kakauwi lamang din galing sa opisina at naisipan munang tumambay sa living room na sana ay hindi na niya pala ginawa kung alam lang niyang aabutan siya doon ng binata.
"Me? What did I do?" Maang-maangan niyang tanong sa lalaki kahit alam na niya kung ano ang ipinag-aalburuto nito.
And silly her for still admiring Knife in his kind of state right now. Halata ang pagod sa mukha ng binata ngunit hindi naman iyon naging kabawasan sa kagwapuhang taglay nito.
"Don't play innocent now, wicked lady." Muli nitong singhal sa kanya. "You fired almost half of our employees in just two weeks, for God's sake!"
She smirked. Inilapag niya sa kanyang kandungan ang cellphone na hawak. Hindi niya ipagkakaila ang mga sinabi ni Knife. Sa loob kasi ng dalawang linggong ipinamahala sa kanya ang KCK at head office ay nabansagan na siyang terror boss ng mga empleyado doon dahil sa sobrang istrikta niya at sa dami na rin ng mga pinalayas niya sa ilalim ng kanyang pamumuno.
"Hindi pa nga ako nakakahanap ng kapalit ni Zenny at Byron and then this!?" Patuloy nito sa galit pa ring tono.
Nakalahad sa kanyang harapan ang iPad kung saan naroon ang mga forced resignation letter ng dalawa na namang empleyado sa head office na tinanggal niya kanina lang. And yes, she already fired Byron last week pa. That maniac supervisor.
"Knife, hijo. What's happening here? Pinapagalitan mo na naman si Aminah?"
Malapit na siyang mapangiti nang pinuna ng kanyang Mama Divine ang anak. Lumapit siya sa ginang at hinalikan ito sa pisngi. Kakauwi lang din nito galing sa kung saan.
"Stay out of this, Mom please." Aburidong pakiusap ng binata sa ina.
"Aba't--
"I already told Theodore to post a hiring online so calm yourself down, Knife. I got this, alright?" Agap niya sa ginang at inakbayan ito at na kay Knife ang kanyang atensiyon. "Akyat ka na sa room mo, 'ma. I can handle this." Masuyo niyang pakiusap kay Divine.
Si Knife ay masama ang tingin sa kanya at halatang inis ang itsura. But she remain straight face kahit pa nararamdaman niya na ang unti-unting panlalambot ng kanyang mga tuhod dulot ng mga titig nito.
"Hindi ko pinayagang magtrabaho sa kompanya natin si Aminah para sigaw-sigawan mo lang, Knife. Hindi ka pa pasalamat at kahit paano umaayos na ang takbo ng KCK. And all because of Aminah. Talk to her nicely. Hindi kailangang sigawan mo siya." Panenermon dito ng Mama Divine niya.
"It's okay, 'ma. Sige na po. Ako na ang bahala sa anak niyo." Nakangiti niyang ani sa ginang. Nakumbinsi naman niya ito ngunit nakatikim pa muli ng ilang sermon si Knife.
Pagkaalis ni Divine ay muli siyang nabugahan ng apoy ni Knife. But he lowered his voice this time. Sinisigurong hindi ito maririnig ng ina. Patuloy ito sa pag-lintanya sa ginawa niya at hanggang sa magsawa ito ay hindi na siya kumibo. Alam niyang mas lalo pang hahaba ang diskusyon kung patuloy lang niya itong kokontrahin.
"Mabuti pa si Mama na-appreciate ang mga ginagawa ko for the company." Bubulong-bulong niyang sabi matapos ng inakala niyang walang katapusang panenermon ni Knife.
Sa loob ng kanyang silid niya ibinuhos ang inis sa binata. Hindi man lang naisip ng lalaking 'yon na itanong kung bakit niya tinanggal ang mga empleyado nito.
Si Byron ay nahuli niyang nagsasarili sa loob ng locker room habang tinitignan ang picture niya sa cellphone nito. She immediately took action and fired the supervisor that same day. Ang ibang tinanggal niya naman ay nahuli naman niyang nagpupuslit ng mga kitchenwares na pinapalitan ng mga peke as in made from China na hamak ang baba ng quality. At ang latest sa listahan ng mga fired employees ay ang mga taga head office walang pakundangan kung landiin si Knife. Sa mismong harap pa talaga niya ha.
Aminado siyang medyo hindi na makatarungan ang dahilan niya nitong huli pero ayaw na niyang makita ang mga babaeng iyon ulit kaya tinanggal na niya kaysa araw-araw siyang ma-stress sa pagmumukha ng mga iyon.
She's still sulking when her phone rang.
"Reed." Bati niya sa nobyo.
["I miss you too, prinsesa ng buhay ko."] He jokingly replied. Maybe he felt the tiredness on her voice as she speaks.
Nakokonsensiya na nga siya sapagkat halos wala na siyang oras dito nitong mga huling araw dahil sa kagustuhan niyang magpa-impress kay Knife. But she only got scold in return.
She blew a loud breath. "I'm sorry... I'm just tired. Ang dami ko kasing ginawa sa head office kanina."
["I told you, huwag kang masiyado magpagod di'ba. Lagot ka niyan kay Doc Warren."]
Pinilit niyang ngumiti sa muli nitong paghirit ng joke kaya mas lalo siyang na-guilty. Reed doesn't deserve this kind of treatment from her. He's willing to do everything for her pero siya? Isa siyang walang kwentang girlfriend dahil hindi na niya kaya pang maibalik ang pagmamahal na karapat-dapat dito.
Maybe... it's time to let him go. Hindi na kasi tamang itali niya ito sa isang relasyon na palagi na lang ito ang nagbibigay. It should be give and take, right? That's a secret for a long lasting relationship. Pero wala na siyang kayang ibigay pa kay Reed ng higit pa sa deserve nito dahil may iba na siyang nais na paglaanan ng lahat nagon. People change, also the feelings.
Ilang beses muna siyang lumunok bago siya nagsalita.
"I... I have to tell you something, R-reed."
["What is it?"] He asked worriedly. Tila nahimigan nito ang bigat ng kayang nararamdaman. Alam niyang kahit hindi siya nito nakikita ngayon ay alam na agad ng binata na may dinaramdam siya.
Kung mayroon mang tao na hindi niya nais masaktan ay si Reed iyon. Ngunit kung ipagpapatuloy pa niya ang kanilang relasyon ay mas lalo lang itong masasaktan at aasa.
Pero kaya ba niya? Kaya ba niyang saktan ang taong ito na walang ibang ginawa kundi ang mahalin at alagaan siya?
["Aminah? Come on, babe. Speak up. You're making me nervous as hell right now."]
Reed deserve to be loved equally the way he's loving her. Hindi yung ganito na patuloy lang itong nag-iisip na pareho pa rin sila ng nararamdaman, kahit hindi na.
["Babe? What's wrong. Please tell me."]
Masakit man ito para sa kanya ngunit ito ang naiisip niyang paraan upang palayain na ito sa isang relasyong walang kasiguraduhan.
["Babe--
"L-let's break up."
There. She said it.
I'm so sorry, Reed.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
Lãng mạnHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...