Chapter 17 - Ending The Misery

1.5K 42 12
                                    

"Here pa, Travis. Kayo na umubos ng mga 'to. I think Knife will be home late again." At sobra siyang nasasaktan sa isiping nasa piling na naman ni Luisa ngayon ang kanyang asawa.

Well, it's been like that the past days. Gigising siya ng wala na si Knife. Ipagluluto ito ng hapunan, umaasang magkakaroon ng milagro at makakasabay niya itong kumain. But just like the nights she spend the dinner eating alone, nothing has changed. At lahat ng mga niluto niya ay mapupunta sa mga bodyguards.

"Mabuti at hindi naglalasang mapait ang mga niluluto mo, Miss Aminah."

Marahas siyang napabaling sa lalaki. "What do you mean?"

Travis sighed heavily. Kita niya ang pakikisimpatya sa anyo nito pero hindi niya iyon kailangan mula rito.

"Hindi na uso ang mga martir ngayon, Miss Aminah. You deserve better. I can see that you're hurting. The pain in your eyes... it's visible--"

"Shut up, Travis. Hinihingi ko ba'ng opinyon mo?" Naiinis niyang sikmat. Pilit niyang ikinukubli ang mga luhang nagbabadya nang tumulo dahil tagos na tagos sa kanya ang mga sinabi nito.

"I'm sorry if I surpassed some limitation, Miss. But I couldn't bear seeing you like this. Honestly, I don't see you as my boss. You're like a sister to me now." The man said seriously.

Mapakla siyang natawa. "Should I be thankful for that? Or you just feel that way because I'm part of Knoelle's life kaya naaawa ka sa'kin?"

She immediately wiped the tears escaping from her eyes.

"It's not like that, Miss Aminah--"

"Just shut it, Travis. I don't need your sympathy." She dismissed their conversation and leave the man.

She's almost running to get to her room. Ayaw na niyang makita sa mukha ni Travis ang awa para sa kanya. Lalo lang siyang nasasaktan.

"Ano bang alam niya sa nararamdaman ko?" She hissed to herself, sobbing.

Nang makarating ang dalaga sa sariling silid ay hindi na niya pinigilan pa ang emosyon. Labis-labis na ang sakit ng kanyang dibdib at para na itong sasabog kung hindi niya iyon ilalabas. Humagulgol siya pagkasarang-pagkasara niya ng kanyang pintuan. Her body is slowly sliding down through the wooden door. She bend her knees and cry her heart out. Not minding if Travis can hear her misery. She doesn't care anymore. Gusto niyang kahit sandali ay mailabas niya ang lahat ng sakit at mawala pansamantala ang pagdurusa ng dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan.

Gusto niyang magsumbong sa pamilya ni Knife, ngunit sa huli ay naisip niyang baka magmukha lang siyang katawa-tawa sa huli sapagkat wala naman sa usapan na pwede siyang mahulog sa lalaki. Pinakasalan lamang siya nito upang manatili siyang ligtas.

Pero hindi siya dapat magpadaig sa sakit na kanyang nararamdaman ngayon. She needs to get up. Ayaw nga niyang kaawaan siya, di'ba? So she used her full strength to stand with her shaking legs. Marahas niyang pinagpapahid ang mga luha sa kanyang mukha. She deserves better, sabi nga ni Travis. She made this to herself, after all. She let herself fall for the wrong man. And now, she's breaking. No one's to blame but herself.

Tumuloy siya sa banyo at binuksan ang dutsa. Hinayaan niyang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan. She didn't even bother to remove her clothes. She didn't even notice her shaking body because of coldness. Nais niyang mamanhid sa lamig hanggang sa wala na siyang maramdaman. Hanggang wala ng sakit.

"WHERE have you been, my dear husband?" Salubong niya sa asawang gabing-gabi na naman umuwi at amoy alak.

Pero tulad ng dati, nilampasan lang siya nito na parang wala siya roon. She looked up and blinked her eyes a couple of times when it started to welled up again. Hanggang kailan niya ba iiyakan ang asawa? Sawang-sawa na siya!

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon