Chapter 16 - Everyday's A Misery

1K 21 3
                                    

"Zenny is doing fine in the Philippines now, hija. All thanks to Reed." Kwento ng kanyang Mama Divine.

Bisita niya ang mag-iinang Marquez ngayong araw. Nagsama din ng mga kasambahay para maglinis ng bahay.

"Naikwento nga po ni Reed, Mama." Tugon niya.

Nagdesisyon ang Papa Solomon niya na pauwiin na lang sa Pilipinas si Charmaine matapos itong mabawi sa mga kamay ni Marcus Jacobs. Ang dalaga na ang katu-katulong ni Reed sa mga negosyo ng pamilya niya.

"Hindi ka na ba talaga makikipagbalikan kay Kuya Reed?" Knaomi asked all of a sudden.

Natigilan si Aminah sa paghihiwa ng cheesecake na siya mismo ang nagluto sa tanong na iyon.

"You know what sometimes, I wanna hate your pretty little mouth, my twin? So tactless." Ismid ni Knoelle sa kapatid.

"It's alright, Elle. Reed and I are still friends naman. Saka ang pangit naman tignan na kasal ako sa Kuya niyo tapos boyfriend ko pa din siya. Pero ayoko din naman magsalita ng tapos. Who knows di'ba?" Nakangiti niyang sabi. Madami pang pwedeng mangyari.

Maayos na sila ni Reed makaraang humingi ng tawad ang huli sa naging reaksiyon noong malaman na nagpakasal siya kay Knife. Katunayan ay ilang beses na itong nakabalik sa Macau para kamustahin siya ng personal. Gusto daw nitong masiguro ang kaligtasan niya. Nakuha pa nitong bumili ng sariling bahay malapit lang din sa tirahan nila ni Knife para daw madali siyang mapuntahan kung sakali. Hindi na rin ito muli pang nangulit na makipagbalikan siya, na siya namang ikinaluwag ng kanyang kalooban.

"Pero what if, Ate. What if lang naman, ha. Si Zenny and Kuya Reed... What if ma-develop sila sa isa't-isa? Madalas silang magkasama ngayon hindi ba?" Muling tanong ni Knaomi.

"My God, Knaomi! Shut up. Kakabasa mo 'yan sa Wattpad, eh." Asik muli ni Knoelle.

"What? I'm just stating the possibilities." Natatawang ani naman ni Knaomi.

Napangiti siya ng magkatinginan sila ni Divine dahil sa tanong na iyon. She's asking for help using her eyes. Nagkibit-balikat lang naman ang ginang.

She sighed.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Thinking about the possibilities that Knaomi stated, but she cannot feel anything. Sa palagay niya ay hindi naman siya maiinis o magseselos kung mangyari man nga iyon.

Eh kasi nga, si Knife na ang mahal mo.

And speaking of that handsome devil, nakita niyang papalapit ito sa kanilang direksiyon. Bihis na bihis at mukhang may lakad na naman. As always. And as usual, abnormal na naman ang tibok ng puso niya because she feels uncomfortable with his presence. Lalo na kapag naaalala niya ang isang gabing kagagahan niya.

Aminah is very much aware of what she confessed that night. She was drunk but she remember every words that she said. Malala ang tama ng alak sa kanya kaya malakas din ang loob niyang umamin kay Knife ng nararamdaman noong gabing iyon.

Halos dalawang buwan na rin nang mangyari ang kagagahan niyang iyon. At dahil doon, mas lalo lang naging malamig ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Halata rin na iniiwasan siya nito kapag nasa bahay. At madalas pang lasing kung uuwi sa dis-oras ng gabi.

"Oh, hijo. Aalis ka?" Kunot-noong tanong ng ina nito.

"Luisa needs me. Masama ang pakiramdam niya." He replied flatly.

Napataas ang kilay ng kambal. Si Divine ay mas lumalim ang pagkakunot ng noo. Bumaling sa kanya ang ginang. Naghihintay sigurong pigilan niya ang anak. Pero nagyuko lang siya ng kanyang ulo at kumutsara ng cheesecake sabay subo doon.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon