"Your heart will recognize what your mind has forgotten"
"It's a good sign that Miss Aminah is now responding with our questions. Let's just give her time to fully recovered. She suffered severe head trauma which will take years to heal. I'll be back tomorrow for her therapy, alrighty? And oh, don't forget to give her medicines on time." Doctor Warren Song instructed Divine Marquez, the immediate guardian now for Aminah.
The Marquez's felt responsible for what happened to the de Salva's three years ago that's why they decided to bring Aminah with them to Macau. Doon nila ipinagamot ang dalaga.
Like the doctor said, Aminah suffered a severe head trauma because of the accident. Aminah was hospitalized for almost three years. At comatose ang dalaga sa loob ng mga panahong iyon. Kailan lang ito nagkamalay ngunit hindi naman nila makausap ng maayos at palagi lang nakatulala.
Ang mag-asawang de Salva ay hindi nakaligtas sa aksidente sa kasamaang-palad. Lumabas sa resulta ng imbestigasyon noon na si Federico de Salva ay inatake sa puso kaya't hindi na nito nagawang mapatakbo ng maayos ang sinasakyan dahilan upang ito ay magtuloy-tuloy sa bangin at nahulog.
Ang pagkakaligtas ng nag-iisang anak nina Federico at Eloisa ay itinuring na isang napakalaking milagro. Ngunit nang dahil nga sa masaklap na pangyayaring iyon ay halos tatlong taon ng nasa hospital ang dalaga. Wala itong anumang maalala sa mga pangyayari na nagdulot ng pangamba sa pamilyang kumukupkop sa kanya ngayon. Ang mga Marquez. Palagi ring bugnutin at naninigaw si Aminah.
Sinabihan sila ng doktor na normal na reaksiyon ng isang taong may retrograde amnesia ang mga pag-uugaling ipinapakita ni Aminah. Walang sawa siyang binantayan at inalagaan ng mag-asawang Marquez maging ng mga anak nito. Salit-salit ang mga ito sa pagbabantay sa dalaga sa hospital.
Ang nobyo naman ni Aminah na si Reed Varys ay nasa Pilipinas dahil ito ang kasalukuyang namamahala sa mga negosyong naiwan ng mga de Salva. Maraming beses na rin itong nagpabalik-balik sa Macau upang bisitahin si Aminah. Halos ginawa na nga nitong magkapit-bahay ang Macau at Pilipinas makita at makamusta lamang ang nobya.
Nang nakakalakad na ng maayos ang dalaga ay pinayagan na itong makauwi sa bahay ng mga Marquez. Doon na lang nito ipinagpatuloy ang gamutan.
Isang taon pa ang matuling lumipas at tuluyan nang nakabawi ng lakas ng katawan si Aminah. Ngunit ang kanyang memorya ay hindi pa rin nanunumbalik. Hindi na rin siya ang Aminah na kilala ng lahat four years ago. Malaki ang naging pagbabago ng kanyang ugali ngunit hindi naging hadlang iyon upang sumuko ang pamilya Marquez sa pag-aalaga sa kanya.
"What's this? Ayoko niyan! Ilayo niyo sa'kin ang nakakadiring pagkain na 'yan!" Aminah shouted.
Sa nanginginig na kamay ay inilayo ng kasambahay ang platong kinalalagyan ng pagkain. Naiiling na lumapit si Divine sa dalawa.
"Sige na, Leah. Ako na dito. Ibalik mo na 'yan sa kusina." Ani ng butihing ginang. Lumapit ito kay Aminah na nakabusangot na naman.
"What's our princess wants then? Tell me at si Mama Divine na mismo ang magluluto for you." Malumanay na sambit ni Divine at tumabi ng upo sa dalaga. Nakahalukipkip ang mga braso nito at halatang iritado.
"I always want Filipino food, 'ma. Sinabi ko na rin kay Leah 'yon pero binibigyan pa din niya ako ng kung anu-anong damo na 'yon." Irritated na wika ng dalaga.
Divine just sighed. "Sige ipagluluto kita ng calamares. It's your favorite, right? But you have to promise me na kaunti lang ang kakainin mo, anak. Bawal pa sa'yo ang mga oily foods."
Nagning-ning naman bigla ang mga mata ni Aminah sa narinig. Alam naman niya ang mga bawal niyang kainin at kung ano lang ang pwede pero nakakasawa na din kasing kumain ng mga matatabang at nakakasukang pagkain na inihahain sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...