"A-ano na pong balita kay Charmaine, 'ma?" Nag-aalalang tanong ni Aminah kay Divine.
Nasa silid niya ang ginang at tinutulungan siyang mag-impake ng kanyang gamit na dadalhin sa lilipatan nilang bahay ni Knife. Tahimik na nairaos ang civil wedding nila kanina at ngayon nga ay naghahanda na sila para makalipat na silang mag-asawa bukas na bukas.
"Your papa is still negotiating with the Martensii's. But don't worry, anak. Naniniwala akong mababawi natin si Zenny." Nakangiti ang ginang ngunit hindi abot sa mata. Halatang pinapagaan lang ang kanyang kalooban.
"Why did they get her? I mean, may nagawa ba sa kanila si Charmaine?"
Divine sighed. "I think Marcus is planning to use Zenny against us. Sa tingin ko naiinggit si Marcus kay Knife dahil mas madalas na pinapaburan ni Leonardo Jacobs ang anak ko kaysa sa anak niya. At si Marcus alam niyang isa si Zenny sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Knife tungkol sa negosyo. Ang hindi lang malinaw sa'kin ay kung bakit biglaan ang pagre-resign niya. Then this happened. Dinukot siya nila Marcus."
"Wala po bang sinabing rason si Zenny dati kung bakit siya nag-resign?" Usisa niya habang inilalagay ang mga natuping damit niya sa isang luggage.
"Personal matters daw kaya hindi na nagawang pigilan pa ni Knife." Sagot ng ginang saka sinipat ang kanilang mga naimpake na. "Ayos na siguro ang mga ito, 'nak. Hindi mo naman kailangan dalhin lahat ng mga gamit mo di'ba?"
"Opo, mama. Okay na mga 'yan. Uhm, ma..." She trailed off.
Nag-angat ng tingin si Divine sa kanya. "Hmm?"
"H-how about L-luisa nga po pala? Paano po 'pag nalaman niya na kasal na kami ng boyfriend niya... ni Knife?" Kagat-labi niyang usal. Sigurado siyang magwawala ang babae kapag nalaman nito ang nangyaring kasalan.
Divine walked beside her then guided her to sit on the side of her bed. Inakbayan pa siya nito saka hinarap.
"I'll talk to her about it tomorrow. Ako na mismo ang kakausap sa babaeng 'yun kaya huwag mo ng alalahanin pa ang bagay na 'yan, ha. Kung talagang matalino siyang babae katulad ng mga pinagyayabang niya sa'min, she'll understand the situation."
Napatango na lang siya sa naging pahayag ni Divine. Tinapos nila ang pag-iimpake bago siya nito iniwan upang makapag-pahinga na. 7am daw aalis na sila ni Knife at marami pa silang kailangan ayusin sa lilipatang bahay na isa sa mga pag-aari ng huli.
Kinabukasan nga ay inihatid sila ng buong pamilya Marquez sa kanilang bagong tahanan. At hindi niya maiwasang kabahan sapagkat dalawa na sila ni Knife ngayon. Silang dalawa na parang aso't pusa kung mag-away ay magsasama na ngayon sa iisang bubong bilang mag-asawa.
Hindi niya kinakitaan ng anumang pagtutol ang lalaki patungkol sa mga nagaganap ngunit nananatili pa rin itong malamig ang pakikitungo sa kanya. Hindi tuloy siya nagtatangkang kausapin ito dahil natatakot siya na baka bigla na lang siya nitong sakalin. Kung hindi dahil kasi sa katigasan ng kanyang ulo ay wala sana sila sa kinasasadlakang sitwasyon ngayon.
"Are you comfortable in your room?"
"Jesus Christ!" Gulat na bulalas niya nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Si Knife na pinipigilang mangiti sa naging reaksiyon niya.
Iniwan niya kasing nakabukas ang pintuan kanina kaya malayang nakapasok ang lalaki sa kanyang silid. At oo, magkahiwalay sila ng kwarto.
"This will be your own room, hija. Next to Knife's para madali ka niyang mapuntahan just in case. But of course, it's up the two of you if you want to share the same room."
She mentally shook her head remembering he mama Divine's silly joke earlier. The Marquez's already left almost half an hour ago.
"Y-yeah. Thanks for asking." Sagot niya ng makabawi. It's his presence that's making her uncomfortable.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...