Chapter 18 - Home

1.5K 38 6
                                    

Panay ang langhap ni Aminah ng sariwang hangin habang sila ay bumabiyahe. Pauwi na sila sa kanilang bayan sakay ng mamahaling sasakyan ni Reed. Sinundo sila sa airport ng family driver ng mga Walton. At sa tingin niya ay isa ring bulletproof car ang kinalululanan nila ngayon. Kaya nga nahirapan pa siyang makiusap kay Reed na buksan ang bintana. Iniisip kasi nito ang kanyang seguridad.

"Pwede bang.. huwag mo muna akong iuwi sa amin, Reed?" Malumanay niyang pakiusap sa katabing binata.

"Why? Aren't you excited to see the people there? They're waiting for you to come back for years now. I'm sure matutuwa silang malaman na dito ka na ulit titira. Specially, Yaya Soledad."

Malungkot na napabuntung-hininga si Aminah. Miss na miss na niya ang si Yaya Soledad niya pero hindi pa siya handa sa ngayon. Ikinurap-kurap niya ang mata upang palisin ang nagbabadyang luha.

"T-there a lot of memories there.. with my parents. "B-but I want to see and visit them. Pwede bang doon na muna tayo dumiretso.. kung saan nakalibing ang mga magulang ko."

Reed agreed and told the driver to go to the cemetery. Dumaan muna sila sa isang flower shop at bumili roon ng bulaklak at kandila.

Nang makarating sila sa himlayan ng kanyang mga magulang ay awtomatikong bumalong ang kanyang mga luha. Naghihina niyang inilapag ang binili nilang bulaklak. Si Reed ang nagsindi ng scented candles na nabili nila. Pagkatapos ay tumayo ito sa kanyang likuran at namulsa. Nagyuko ito ng ulo habang nagsimulang umusal ng panalangin.

Si Aminah man ay nagsimula na ring ipagdasal ang mga yumao.

"M-mom, d-dad... Miss na m-miss ko na kayo. Sob..sobrang miss ko na k-kayo."

Nakasalampak siya sa damuhan habang ang puso ay namimighati.

Walang lilim ang puntod ng kanyang mga magulang kung kaya't
Ang kanyang pagtangis ay itinatangay ng panghapong hangin. May kalakasan ang ihip nito ngunit hindi niyon kayang tangayin ang bigat ng kanyang nadarama habang lumuluhang hinahaplos ang mga lapidang halos kapantay ng damuhan.

P-pasensiya na po kayo at ngayon lang ako nakadalaw dito. S-sorry kung natagalan ang pag-uwi ko...

I've been through a lot since you left me. And.. I.. I.. wish that I can hug you both right now.. but I know that's impossible. I-iniwan na ninyo ako, eh. P-pero naging maayos po ang buhay ko. Ma..madaming nagmamahal at nag-aalaga sa'kin. Si.. si Papa Solomon at Mama Divine. Pati mga anak nila. Yung kambal... mahal na mahal nila ako. Si Reed and his family too. They love me po. Kaya kung nag-aalala po kayo sa kalagayan ko ngayon.. please don't be.

Si Knife.. si Knife po..

Humihikbi niyang pinunasan ang mga luha. Pinag-iisipan niya kung magsasabi sa mga magulang. Kung magsusumbong ba siya sa mga ito o hahayaan na lamang niyang maganda ang image ng lalaki sa mga ito. Her parents adore him. They loved him too like he is their own. Sa huli ay pinili niya na lamang huwag ibulong ang mga pangyayari sa buhay niya kasama si Knife.

She calmed herself and forced to stand. Maagap naman siyang inalalayan ni Reed. Inabutan din siya nito ng panyong pamunas ng luha. She dried her tears using it. Pagkatapos ay pinagpagan niya ang sarili dahil kumapit ang iilang tuyong munting dahon ng mga damo sa kanyang suot na pantalon. Ibinulsa niya ang panyo matapos iyon.

She roamed her eyes. At ngayon lang niya napansin ang mga namulalak na halaman sa paligid na nagsisilbing bakod sa mga puntod ng kanyang mga magulang. Her parents wanted exactly like this in their resting place. Madalas na sabihin sa kanya iyon ng mommy niya.

"They decided not to build a shelter here. Naikwento daw kasi nina Papa Fred at Mama Loisa na... kung sakali daw na.. mauna sila.. a-ayaw daw nila ng magarbong libingan. At kung maaari daw ay punuin ng halamang namumulaklak ang paligid."

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon