Chapter 3 - Gone

1.7K 31 0
                                    

"Are you ready, Aminah?" Ani Eloisa sa nag-iisang anak.

"Yes, mom. Sunod na po ako sa baba in a minute." Tugon ng dalaga na napakaganda kahit sa simpleng ayos lang nito.

Aminah is wearing an above the knee peach colored sleeveless dress. Regalo iyon sa kanya ni Reed noong nag-birthday siya last year. The thin straps of her dress are covered with small crystal beads which complimented the color of her skin. Bagay na bagay sa kanya ang damit na lalong nagpatingkad sa taglay niyang kaputian. The dress is not showing too much of her skin but it brings out every curves of her body. Sa kanyang leeg ay nakasabit naman ang kwintas na bigay ng kanyang magulang noong eighteenth birthday niya.

She saw in her peripheral vision that her mother walked towards her direction instead of going downstairs. Lumuhod ito sa kanyang harapan at tinulungan siyang ikabit ang strap ng kanyang stiletto na umabot lagpas kalahati ng kanyang makinis na binti.

"Thanks, mom." Malambing niyang pasalamat sa ina at binigyan ito ng magaan na halik sa pisngi.

Eloisa smiled sweetly to her daughter.

"Look at you, my princess. Sobrang ganda mo, anak ko. Manang-mana ka talaga sa'kin." May pagmamalaki nitong sabi.

"Ang humble naman ng nanay ko." Natatawa niyang biro.

Her mother pulled her for a tight embrace.

"Kidding aside, anak. Always remember that I love you so so much, my princess. Kami ng dad mo."

Her eyes became teary because of that. Pagbaba nila ay ganoon din ang ginawa at sinabi ni Federico na ama niya.

"Ah. Our princess is now a very beautiful woman. Mukhang mahihirapan na naman akong magpaalis ng mga binatang lalapit sa'yo mamaya sa party." Her father said jokingly.

She giggled. "No need to do that anymore, dad."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Nagtaka sa kanyang sinabi.

Malapad siyang ngumiti at sinabi ang good news. "Sinagot ko na ho si Reed. We're now a couple. Officially."

Rumehistro ang katuwaan sa mukha nina Federico at Eloisa. Ang mga kasambahay naman nilang nakarinig kasama si Soledad ay nagsitilian sa kilig.

"Siyanga ba, anak? Nobyo mo na nga si Reed?" Masayang ani Soledad sa tonong naninigurado sa narinig.

She nod her head. "Opo, 'ya."

"My gosh, ang prinsesa namin may boyfriend na!" Her mother almost yelled in excitement.

"Finally after so many years. That's why I like that man for our daughter, honey. He waited for years and let everything's settled on its place first before pursuing our princess. He's also financially stable at higit sa lahat mabait at mapagkakatiwalaan. Kaya panatag ako kapag siya ang kasama ng ating prinsesa."

Everyone agreed with her father. Minutes later ay nasa byahe na sila. Si Reed at ang band mates nito ay nagsabing nauna na sa mansiyon ng mga Marquez. One hour drive ang layo noon mula sa kanilang subdivision.

Hindi na sila nagsama ng driver at alalay para maagang makapagpahinga ang kanilang mga kasambahay. Panigurado kasing aabutin sila ng hatinggabi sa pupuntahan.

Nakiusap siya sa ama na siya ang magmamaneho ngunit hindi ito pumayag sapagat hindi daw ganoon kaganda ang daan. Nasa mataas kasi na bahagi ang kinatitirikan ng mansiyon ng mga Marquez kaya naman medyo mabangin ang gilid ng kalsada.

Nang makarating sila sa party ay marami-rami na rin ang mga bisita.  Business partners and politicians are everywhere. May kanya-kanyang kausap ang mga ito.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon