Ilang buwan ng nananatili si Aminah sa puder ng mga Olivero ngunit walang Knife na nagparamdam sa kanya. Sa tagong parte kasi ng kanyang puso ay umaasa siyang susundan siya ng lalaki dahil napagtanto nito na hindi nito kayang mawala siya. Ngunit isang malaking ilusyon lamang iyon dahil hindi naman siya importante sa asawa.
Nagpasya siyang maglakad-lakad sa malawak na hardin ng mga Olivero dahil sa pagkainip. Bitbit ng isang kamay niya ang kanyang cellphone dahil natutuwa siyang kuhanan ng litrato ang mga bulaklak doon. Mga halaman at bulaklak na lang talaga ang katuwang niya sa pagpawi ng kalungkutan.
Busy siya sa pag-post ng IG story nang mamataan niya sa di-kalayuan si Sylvester na may kausap sa cellphone. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito base sa facial expression ng lalaki.
She shrugged her shoulders and continue tapping the screen of her phone. After posting a story ay binigyang-pansin naman niya ang story ng iba. Kabilang na doon ang kay Reed Varys. The guy posted the event where his band played last night. Napangiti siya. Napakahusay kasi ni Reed pagdating sa time management. Sobrang busy na nito sa trabaho ngunit nagagawa pa ring makasingit ng gigs. At nagagawa pa nitong dalawin siya sa Barangay Olivero once in a while upang siya ay kamustahin. Sa katunayan ay bisita lamang niya ito noong nakaraang araw upang i-celebrate nila ang kanyang birthday ng mas maaga dahil magiging busy nga raw ito sa mismong araw ng kanyang kaarawan. And today is her birthday.
"You're plan is too dangerous. At wala silang CCTV kaya medyo mahihirapan tayong pasukin ang kuta nila."
Her ears heard Sylvester talking. Nakuha ng atensiyon niya ang mga narinig buhat dito.
Ano ka ba talagang klaseng tao, Sylvester? Why do you talk like that? What are you?
Sylvester is a mysterious kind of guy. Katulad ng pinsan nito na si Knife. Seryoso itong marahang lumalakad patungo kung saan at nakapamulsa ang isang kamay sa suot na pantalon. Mukhang hindi yata nito napapansin ang presensiya niya kaya napagpasyahan niyang makinig sa mga sinasabi nito sa kausap. She got curious kasi sa mga narinig.
"Alright then. Send me the details so I can alert the others. We'll talk about that later after dinner. Don't be late, bro. Alright. Bye."
Napaisip si Aminah kung sino ang kausap ni Sylvester at kung tama siya ng hinuha ay makakasalo nila iyon mamaya sa dinner na para sa kanya. The Olivero's will held a special dinner for her birthday.
Nakita niyang naglakad na rin paalis si Sylvester kaya ipinagpatuloy na rin niya ang pag-picture sa mga bulaklak. Iwinaksi na lang niya sa isipan ang mga narinig.
Habang pinagmamasdan niya ang buong hardin ay hindi niya maiwasang maging emosyonal sapagkat naaalala na naman niya ang kanyang mga magulang. This is the spot where her mother used to bring her whenever they visit Barangay Olivero. Gustong-gusto ng mommy niya ang mga halaman dito.
"Aminah."
Odalie called her attention. Lumingon siya at nginitian ito. Pasimple din siyang nagpahid ng mga mumunting luha.
"We need to freshen up now. Our dinner will happen earlier than expected." The woman informed her.
Magkapanabay na silang tumungo sa barn ng mag-asawa upang makapag-ayos.
Odalie is a nice girl. Mabilis niya itong nakasundo at isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit nagiliw na siya sa Barangay Olivero.
"You told me it's just a simple dinner for me. Pero ba't kailangan pa natin 'to? Tayo-tayo lang naman di'ba?" Tanong niya sa kasama habang inaayusan sila ng mga make-up artists at stylist ng family Olivero.
Alam niya rin na hindi lingid sa mga ito kung ano ang dahilan kung bakit siya narito ngayon. Kaya hindi naman siguro mag-iimbita pa ng maraming bisita sina Don Greg.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...