Nagbalik man ang mga alaala ni Aminah, ngunit napakarami naman niyang ipinagbago. Ramdam niyang marami ng nag-iba. Kasama na roon ang nararamdaman niya para kay Reed. That's what she realized habang tinatanaw ang papalayong bulto ng kanyang nobyo lilipad na pabalik ng Pinas.
They just finished their breakfast at habang magkakasalo sila sa hapag-kainan kanina ay hindi niya maiwasang pagkumparahin si Knife at Reed na hindi naman dapat niya ginagawa in the first place.
Reed did everything for her but all she did was to give him nothing in return. He respect her and love her unconditionally pero heto siya at naguguluhan ang isip simula noong magkamalay siya at nakasama sa iisang bahay si Knife. She can still remember how she possessively asked Knife to not bring his girlfriend Luisa in their house because she doesn't want to see that woman's face.
"Stop bringing Luisa here, Knife. I don't wanna see her face again." Mataray niyang saad sa binata nang masalubong niya ito sa hagdanan na sadya niyang ginawa.
Pataas na ito at siya naman ay pababa. Kakabalik lamang nito galing sa paghatid kay Luisa.
"Excuse me?" Hindi makapaniwalang turan ni Knife sa kanya. He looked very disgusted.
"You heard me, Knife. I don't like that woman and I don't like her for you--
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Aminah?" Putol nito sa mga sinasabi niya. "You want me to stop bringing my own girlfriend here in our house? And what did you say? You don't like her for me?"
"Yes." Matigas niyang tugon. Matapang siyang nakikipagtitigan dito.
Knife scoffed loudly with his clenching jaw.
"And who are you to tell me that? Wala kang karapatang manghimasok sa relasyon ko kay Luisa, Aminah. Hindi porke't nakatira ka kasama namin ay may karapatan ka ng diktahan ako sa mga dapat kong gawin." Knife said harshly.
She was taken aback with his harsh words. Nasaktan siya sa mga sinabi nito ngunit hindi siya nagpatinag at matapang pa ring sumagot.
"I am part of your family since I was born, Knife. Papa Solomon and Mama Divine treated me like their own child--
"That doesn't give you the right to meddle with my own personal life!" Muli nitong putol sa kanya sa malakas na tinig na ikinabigla niya.
Ngayon lang siya nasigawan ni Knife. Sa buong durasyon ng kanyang pananatili sa mga Marque 10z ay naging mabuti ang pakikitungo ng mga kapamilya nito sa kanya. Ito lang ang tanging aloof at sumisigaw sa kanya ng ganito.
Nawalan siya ng kibo at nangilid ang kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay aping-api siya ng mga oras na ito.
"And may I remind you why are you here with us, princess." Binigyang-diin nito ang salitang princess sa mapag-uyam na paraan. "You're only here because my parents felt responsible for the lost of your parents! Kaya wala kang karapatan na panghimasukan ang buhay ko!" Mariin at may kalakasan nitong sigaw sa kanya.
Bumalatay ang sakit sa maganda niyang mukha pagkarinig ng mga salitang iyon mula kay Knife. Wala talaga itong pakielam sa nararamdaman niya.
"That's enough, Knife!" Her Mama Divine shouted. Nasa ibaba ito ng hagdan at nakatingala sa kanila. "How could you be that rude to Aminah?" Galit nitong wika sa anak na lalaki habang humahakbang pataas.
"Mom. Sumusobra na ang babaeng 'to!"
"Just shut up already, Knife! Kailan ka pa natutong sigaw-sigawan kami, ha? Ikaw ang sumusobra na!" Mariing saway dito ng ginang. Nakalapit na rin ito sa kanya at may pag-aalala sa matang tinunghayan siya. "Are you okay, hija?" Masuyo nitong tanong saka hinaplos ang kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...