Kinakain si Aminah ng matinding konsensiya dahil sa pananakit ng damdamin ni Reed. Hindi siya nagbubukas ng kahit anong social media accounts at hindi rin niya sinasagot ang paulit-ulit nitong tawag. Ilang beses na rin itong nagpadala ng mensahe ngunit lahat ng iyon ay agad niyang binubura. Wala siyang binasa sa mga iyon kahit isa. Baka kasi hindi niya mapanindigan ang kanyang desisyon kung papairalin ang awa para sa dating nobyo.
Awa.
Mas matimbang pa yata ang awa niyang nadarama kaysa sa pagmamahal para kay Reed. She just realized that lately. And the love she feels towards him isn't the same anymore. Parang katulad na lamang iyon ng pagmamahal niya para sa mag-asawang Marquez at sa kanyang mga pumanaw na magulang. Ganoon na lamang niya ihalintulad ang nadarama para sa binata.
"We're here, Miss Aminah." Anunsiyo sa kanya ni Travis.
Halos hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa KCK. Sumulyap si Travis sa paligid bago ito bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Pagkatapos ay lilinga muli sa paligid ng ilang segundo bago siya igiya papasok sa loob ng store.
She rolled her eyes. Kabisado na niya ang routine ng bodyguard niya. Palagi itong nakabuntot sa kanya na siya niyang ikiniinis minsan. Mas mahigpit pa kay Knife! Pero wala siyang magawa because it is part of his job. Hindi lang talaga niya maiwasang ma-OA-yan sa paraan ng paghihigpit sa kanya ng mga Marquez sa tuwing lalabas siya ng bahay.
"I'll be going somewhere, Miss Aminah. I'll be back before lunch time." Paalam ng bodyguard matapos nitong siyasatin ang loob ng kanyang opisina-- na kasama sa routine nito.
"Kahit 'wag ka ng bumalik." Tugon niya sabay irap pa.
Travis' face remained emotionless. Kahit ilang beses niya itong bara-barahin at supladahan ay nanatili lang ito sa isang ekspresyon. He is cold as ice like his boss.
Sumulyap ito sa suot niyang singsing na may tracking device. "And please don't remove the ring on your finger, Miss Aminah."
"Oo na." Ingos niya. Ang buong pamilya Marquez ay mayroon noon.
Umalis na si Travis at siya ay hinarap na ang trabaho ng hindi namamalayan ang pagdaloy ng oras.
When she finally check the time ay lagpas na ng lunch time. At wala pa ang kanyang bodyguard na nangakong babalik sa oras ng tanghalian.
Usually ay wala siyang pakielam kung saan ito pumupunta sa tuwing naiiwan siyang mag-isa sa opisina pero ngayon ay sobra siyang nagtataka. So she fished her phone out from her bag and dialed Travis' number. Pero out of coverage area daw ang kanyang tinatawagan. She shrugged her shoulders and went out from her office. Baka tinotoo ang sinabi niyang kahit 'wag na itong bumalik.
Sinabihan niya ang mga store staff na lalabas muna siya para kumain.
Malaki ang ngisi niya habang binubuksan ang glass door ng kanilang store. Sa wakas ay makakakain na siya ng walang nagbabantay.
Naglakad-lakad siya sa kahabaan ng Senado Square to look for a fine dining restaurant.
Mesobuthus Martensii. Basa niya sa kanyang isip habang nakatingala sa pangalan ng hotel. She saw Knife entering here one time. She asked a hotel staff if there's a resto inside. Natuwa siya ng malamang mayroon nga.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng hotel. This is a luxurious one for sure. Sobrang ganda ng interior sa lobby pa lang. Gold is the main color that you'll see. From the grand staircase to the hanging chandeliers. Sa madaling salita, para itong bahay ng mga ginto.
Nasabi ng staff na nasa roof top daw ang restaurant so she went her way to the nearest elevator.
She saw her reflection from the elevator's glass door. Kahit sa loob ay halos kulay gold lahat. Kasama na doon ang mga number buttons. Sinabi niya sa elevator attendant kung saang floor siya at naghintay lang ng ilang sandali bago makarating doon.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...