Mabibigat ang mga hakbang ni Aminah pabalik ng kanyang silid. Isang linggo na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nakakalabas para magliwaliw sa Macau. Knife really seriously looked after her just like what her Mama Divine told him.
Kating-kati na ang kanyang mga paa na bumalik doon sa casino pero heto't nagmamartsa na naman siya pataas sa hagdanan matapos makitang prenteng nakaupo si Knife sa living room habang seryoso sa ginagawa sa laptop nito.
Ugh! Nakakainis! I hate this life! I hate my life!
Pabalabag niya pang isinara ang pintuan ng kanyang silid. Wala siyang pakielam kung marinig man iyon ng binata. Bwisit na bwisit talaga siya ngayon! Mabuti na lamang din at hindi na niya muli pang nakita si Luisa na dinadala ni Knife sa kanilang bahay kung hindi ay baka mas lalo siyang mawala sa mood.
Padapa niyang ibinalibag ang sarili sa kanyang kama matapos mahubad ang high heels na suot na ibinalibag niya pa sa may pintuan.
"Ahhh! Bwisit talaga!" Parang bata siyang nagkakakawag habang nakadapa sa ibabaw ng kama dahil sa sobrang inis na nararamdaman.
Ni wala siyang matinong makausap dito dahil wala din ang kambal na paborito siyang i-entertain sa tuwing bored na bored na siya. Si Knoimi na palagi siyang ipagluluto ng mga paborito niyang pagkain kahit bawal. At si Knoelle na palagi siyang pinagbibigyan na kantahin nito ang mga paborito niyang kanta.
Then, an idea popped up on her mind.
Wala si Knoelle... Maybe, I can use that alibi to him.
Ilang araw na rin kasing mainit ang ulo ni Knife. Naulinigan niya noong isang araw na problemado ang binata dahil sa biglaang pagbibitiw ng isa sa pinakamagaling at pinagkakatiwalaan na branch manager ng mga ito. The problem can solve immediately if Knoelle is here because she can replace the position but since she's on a vacation...
Dali-dali siyang bumangon at inayos ang sarili. Plano niyang kumbinsihin si Knife na siya na muna ang bahalang pumalit sa pwesto ng manager na nag-resign.
She had a lot of mentoring and experience on running a business before. Siya na nga dapat ang papalit sa Mommy niya noon para naman sa bahay na lang ito manatili kundi lamang nangyari ang aksidente.
"Oh. Ma'am Aminah. Dahan-dahan ho sa pagbaba dito sa hagdanan. Baka kayo ay mapa'no." Ani ng may katandaang kasambahay na si Ynes sa kanya nang makita siya nitong halos takbuhin na ang mga baitang because of excitement.
Hindi niya pinansin ang matandang kasambahay at nilagpasan lamang ito na may kasama pang pag-irap ng mga mata.
Matandang pakielamera!
Hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito noong minsang dumalaw si Luisa dito sa kanilang bahay. Ipinahiya lang naman siya ng hukluban na 'yon sa harap ng demonyita! Hindi naman kasi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa kanya at ang pagkagiliw naman nito kay Luisa. Asikasong-asikaso ng matandang hukluban na 'yon ang bwisit na girlfriend ni Knife sa tuwing nasa kanilang bahay.
Magsama kayong mga kampon ni Satanas!!
"We only have three days to prepare for the event, Sir. The organization already sent all the necessary details about it."
Napataas ang kanyang kilay nang makitang kasama na ngayon ni Knife sa living room ang isa pa nitong kanang kamay na si Theodore. Pilipino din.
Nakita niyang tumango lang si Knife sa sinabi ni Theodore. Huminto siya sa puno ng hagdanan. Makikiramdam muna siya kung kailan siya pwedeng sumingit sa mga ito.
"What about our branch at Senado Square? May nahanap na bang kapalit ni Zenny?" Rinig niyang tanong ng binata.
"Wala pa din, Sir."
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...