"Ay! Ouch!"
"Odalie?" Patakbong tinungo ni Aminah ang kaibigan matapos marinig itong dumaing nang may kung anong mabasag.
"What happened?" Alalang tanong niya nang makita itong naghuhugas ng kamay sa lababo.
"D-diyan ka lang muna. B-baka matapakan mo ang mga bubog." Mangiyak-ngiyak nitong saad. And she looks scared. Namumutla ang mukha nito.
Tumigil siya sa paglakad. She shifted her gaze to the tiled floor. Naroon ang mga bubog na tinutukoy ni Odalie. It was a glass.
"Namumutla ka. May.. nangyari ba?" She murmured worriedly with her both hands on her hips.
Dinaluyan siya ng kakaibang kaba pagkakita sa nabasag ng baso. Masamang pangitain ang ibig sabihin noon ayon sa mga matatanda.
"No, no, no. Wala naman. Dumulas lang sa kamay ko. It's fine. Don't worry."
Kahit inaalihan na siya ng nerbiyos sa katawan ay nagawa niya pa rin itong nginitian. Bahagya siya nakahinga ng maluwag.
"What happened? Narinig kong sumigaw si Odalie nung may nabasag." Alalang sabi ni Divine nang puntahan sila sa kitchen.
"Nabitawan ko po ang baso, Tita." Sagot ni Odalie.
Agad na tumawag sa intercom si Divine upang ipalinis ang mga bubog.
"Nasugatan ka. Come here. Gamutin natin. Aminah, anak. Can you please get the medicine kit?"
Mabilis na tumalima si Aminah sa utos ni Divine. Magkatulong ang dalawang nilinis ang sugat ni Odalie habang ang may kasambahay naman na nag-aalis ng nabasag na baso.
"May rehearsal pa naman kami bukas ng aerial dance. I really need my hands on that. Ngayon pa 'ko nasugatan, kainis!" Nakanguso si Odalie habang nilalagyan na ng bandage ni Divine ang sugat ng dalaga.
Aminah sighed. "Kakauwi mo lang, aalis ka na naman nga agad bukas."
Nakakaunawa siyang tinignan ni Odalie. "Kailangan, e. You know naman kaming mga TV personalities. Palaging hectic ang sched."
Si Aminah naman ang napanguso.
"Sabi mo isasama mo mga ka-grupo mo dito." Tila bata niyang saad.
"Huwag ka ng magtampo, gurl. Ito naman. Busy pa nga kami. Malay mo pagbalik ko kasama ko na sila." Pag-aalo naman ni Odalie sa kanya.
"Siyanga pala, hija. Nakausap ko si Sylvester kanina. Kinakamusta ka." Untag ni Divine kay Odalie.
Sumimangot naman ang huli.
"S-si Knife po, ma? Kamusta?" Kinakabahan niyang tanong.
Saglit siyang tinapunan ng tingin ng ginang bago asukasuhin muli si Odalie. "Sylvester said they're fine."
May kakaibang tono ang Mama Divine niya na hindi niya mawari. She bit her lower lip. Nakukulangan sa sagot ng ginang. Then she heard Divine heaved a sigh.
"K-knife doesn't want to talk to you, hija."
Ang sakit sa pandinig noon para kay Aminah. Tila may bumara sa kanyang lalamunan. Odalie's expression turned into sad one.
"But don't get me wrong, my princess. Delikado at mabusisi ang misyon nila ngayon. The last thing my son needs right now is a distraction. Saka siguro, ayaw ka rin niyang mas mag-alala pa ng husto. So let's just hope that they're really okay like Sylvester said." Malambing na turan ng ginang.
Pinakawalan niya ang kagat-kagat na labi saka huminga ng malalim. Nais niyang maging positibo ngunit hindi niya talaga maiwasang masaktan lalo pa't nalaman lang niya na ayaw talaga siyang makausap ni Knife. Para saan pa ang mga pangako nito, kung ganoon?
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomantikHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...