"What!? You'll cancel our date tomorrow para lang magbantay ng kung sino?"
"Luisa. Hindi kung sino lang si Aminah. She's a family." Nais ng maubusan ng pasensiyang turan ni Knife sa nobya.
"Huh! I can't believe this." Nagdadabog na tumayo ang babae. "I'm leaving! Magsama kayo ng Aminah mo!"
Hindi na nag-aksaya pa ang binata na habulin si Luisa. He just chugged the whiskey straight to its bottle. The woman is mad and he got no more energy to explain the situation. Nang maubos na ang laman ng bote ay muli pa siyang kumuha ng isa. Magpapakalunod na lang siya sa alak tutal naman ay hindi siya papasok ng opisina bukas para mabantayan nga si Aminah.
Tatagal ng halos dalawang linggo ang business conference ng kanyang mga magulang sa Taiwan. Depende pa iyon kung makapag-close agad ang mga ito ng sapat na business deals to gain more foreign investors for their company. Kaya hindi niya sigurado kung ilang araw niyang pagtityagaan si Aminah.
Napapailing na lang siya habang iniisip ang kaniyang sitwasyon. He cancelled his supposed date to his girlfriend tomorrow just to watch over Aminah in accordance to his mother's order . He can always refuse to do it. Pwedeng-pwede niyang sabihin sa kanyang ina na busy siya sa negosyo nila kaya hindi niya maaaring bantayan ang dalaga at maghapon na magbabad lang dito sa kanilang bahay. But fvck! After seeing her fainted because of monthly period, the memories from the past came rushing back to him. And he was worried as fvck just like before.
Nakuha niya pang i-suggest dito ang tungkol sa period pain remedies. At ang totoo ay matagal na niyang alam ang bagay na 'yon.
During his university days here in Macau, one of his Chinese classmate experiencing a dysmenorrhea. He remembered him asking the girl if there are home remedies for period pain so he can tell that to Aminah. The girl suggested their traditional way. At yoon nga ang mga sinabi niya sa dalaga kanina.
"Aren't you going to scold me for what I did this morning? You know, the credit card thing?"
Natatawa siyang naiiling nang maalala ang tanong na iyon ni Aminah kanina. Kahit naman kasi anong galit niya sa ginawa nitong pagwawaldas ng pera ay wala pa rin siyang magagawa. Hindi naman na niya maisasauli ang mga pinamili nito. And besides, it's her mother's money sabi nga niya sa dalaga. At wala silang pakielaman pagdating sa bagay na 'yon.
Hindi lang niya maintidihan ang sarili kung bakit ang bilis-bilis uminit ng kanyang ulo pagdating kay Aminah. She always bring out the beast in him and the all the kind of emotions he shouldn't feel.
"Excuse me ho, Sir Knife. Tapos na hong uminom ng gamot si Ma'am Aminah. May iba pa ho ba kayong ipag-uutos?"
Tinig iyon ng kasambahay na inutusan niya kanina.
"Wala na. Thanks. Pwede na kayong magpahinga." Namumungay na ang kanyang mga matang sagot sa kasambahay. Bahagya na siyang tinamaan sa whiskey.
"Sige ho, Sir. Pero kung sakaling may kailanganin pa ho kayo, katukin niyo lang ho kami sa maid's quarter." Magalang nitong saad saka tumuloy na sa pasilyong patungo sa silid ng mga ito.
"Ah. Grace!" Tawag niya sa kasambahay nang may maalalang itanong.
"Yes, Sir?"
"Ahm. Did Aminah drink the brown sugar soup?" He asked.
Goddammit! Bakit ba mahalaga pa na malaman niya kung sinunod nito ang sinabi niya o hindi?
"Opo, Sir Knife. Naubos nga niya yung isang bowl kanina ng walang rekla-reklamo. Mukhang nagustuhan niya po, kasi inutusan niya akong magpagawa ulit bukas sa cook."
Lihim siyang napangiti sa naging tugon ng kasambahay.
"Ah. Si Leah po pala andoon pa sa silid ni Ma'am Aminah. Hindi pa ho kasi tapos si Ma'am na ibabad ang paa niya sa maligamgam na tubig."
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...