Chapter 19 - Codename: Venom

1.4K 35 2
                                    

Isang malutong na sampal sa kaliwang pisngi ang sumalubong kay Knife pagkauwing-pagkauwi niya sa kanilang bahay. At mula iyon sa kanyang ina na namumula na sa galit dahil sa biglaang pag-alis ni Aminah.

"Ngayon mo sabihin sa akin na everything is under your control, Knife. Tell me! Tell me!"

Pinagtutulakan pa siya ng ina sa dibdib habang lumuluha ito sa galit sa kanya. And he already admitted that it was all his fault.

"Kung hindi pa tumawag si Wilma, hindi ko malalaman na wala na pala sa bahay ninyo si Aminah! Umuwi na pala ng Pilipinas! Anong klase kang asawa?!"

"That's enough, Divine. Please calm down, sweetheart." His father is trying to stop his mother.

"Calm down!? How am I suppose to calm down when Aminah's life might be in danger right now! For God's sake, Solomon! Palibhasa, isa ka din sa may kasalanan kung bakit nandito tayo sa sitwasyon na'to!"

"Magsisisihan na naman ba tayo ngayon, sweetheart? And you know the reason why we're doing this. Isa pa, we're doing everything to ensure Aminah's safety. So please, sweetheart. I beg you. Calm down. Your blood pressure is already high. Ayokong may mangyari sa asawa ko."

Bahagya namang napahinahon ng mga sinabi ng ama niya ang kanyang ina. Ngunit patuloy pa rin itong umiiyak. Pinaupo ito ni Solomon upang pakalmahin pa. Ang kanyang kambal na kapatid ay tahimik lamang na nakaupo sa tabi. Si Knoelle ay hawak ang cellphone at may kung anong importanteng tinitignan doon.

"D-diyos ko... Aminah.. nangako ako.. nangako ako sa mga magulang niya na iingatan at aalagaan natin siya.. Federico.. Eloisa.. I'm sorry."

Si Knife ay mariing nakapikit at hinihilot ang sintido. Bahagya na rin kasing sumasakit iyon dahil halos dalawang araw na siyang walang tulog simula noong napag-alaman niya na umalis si Aminah kasama si Reed upang umuwi sa Pilipinas.

Alam niyang siya ang dahilan ng biglaang pag-alis ng asawa dahil sa naging huling pag-uusap nila. Nakapagbitaw siya ng mga masasakit na salita kay Aminah noong gabing iyon na labis niyang pinagsisisihan. He didn't mean those words. He didn't want to hurt her feelings. But he did that on purpose. It's just that, whenever she's near, his defense mechanism is getting weaker everyday. Hindi maaari iyon sapagkat kailangan niyang maging malakas at malinaw ang kaisipan. Si Aminah ang kahinaan niya.. kaya't nagawa niyang saktan ang damdamin nito.

At hindi siya handang sabihin ang mga nangyari sa kanyang ina sapagkat lalo lamang itong magagalit at sasama ang loob sa kanya. His mother loves Aminah that much. Anak na talaga ang turing nito sa kanyang asawa.

Mapakla siyang natawa sa kanyang isip dahil sa salitang asawa.

Ang minsan na niyang pinangarap noon ay natupad na. Sa hindi nga lamang inaasahang sitwasyon at hindi sa paraang gusto niya.

Nang kumalma na ang kanyang ina ay dinala na ito ng dad niya sa silid upang magpahinga. Wala raw kasing maayos na tulog ang ginang dahil sa pangyayari. Sobra talaga ang pag-aalala nito.

Pabagsak siyang umupo sa sofa katabi nina Knoelle at Knaomi. Panay ang hilamos niya ng palad sa mukha.

"Ano ba kasing nangyari, brother? Bakit biglaan ang pag-alis ni Ate Aminah? Did you do something bad to her?" May himig pag-aakusa sa tinig ni Knaomi. Salubong ang dalawang kilay na naka-dekwatro pa ngayon at nakahalukipkip ang mga braso.

Si Knoelle ay sinamaan siya ng tingin. He doesn't know if she knew something because the way his sister giving him daggers is something he should be afraid of. Sumbungera pa naman ang kapatid niyang ito.

Hindi na lang niya pinansin ang kambal sa halip ay may tinawagan sa cellphone na hawak.

"Sylvester.. Yes. I need your help.. again."

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon