Chapter 20 - Sylvester Olivero

1.4K 27 2
                                    

Author's Trivia:
(I tried searching the meaning of the name Aminah using Google and nagulat ako na ang ibig sabihin pala nito ay "safe one, protected" saktong-sakto dahil our Aminah here is well protected by the people who loves her. Nakuha ko pala ang name na Aminah sa pinapanood kong vlog sa YT na Bohemian Kitchen. And Aminah is a Muslim name actually.)
.
.
.

Habang nasa byahe pauwi sila Aminah ay hindi niya mapigilang maisip pa rin si Knife.

Nakonsensiya siguro kaya pinasundan ako kay Travis. Napaismid siya. Wala nga palang paki sa kanya ang lalaking iyon, eh. Maybe, Mama Divine got mad and told him to check on me.

"I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to love you back. You know I can't and you already knew why. I'm in love with someone else."

Paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Aminah ang mga salitang iyon ni Knife na tila isang matalim na punyal na tumatarak sa kanyang kaibuturan. At kahit anong gawin niyang paglimot  at pagbalewala ay hindi niya magawa. Pabalik-balik ang sakit sa kanyang puso na nilikha ng taong hindi niya akalaing kaya siyang saktan gamit ang mga salita lamang.

Hindi ba siya kamahal-mahal sa paningin nito para pagsalitaan siya ng ganoon? Grabe siya!

God! Ano ba kasing katangahan ang pumasok sa utak ko at umamin ako na mahal ko siya?

Natutukso na tuloy siyang makipagbalikan kay Reed para naman maipamukha sa asawa niya ang sinayang nito. Surely, Reed deserves her more than that d*ickhead. At sigurado siyang kapag si Reed ang pinili niyang balikan, mas magkakaroon siya ng katiwasayan dahil alam niyang mahal na mahal siya ng dating nobyo. May part kasi sa utak niya na gustong gumanti sa sakit na ipinaranas sa kanya ni Knife.. pero huwag na lang at diba nga, wala siyang paki sa'kin!

"Ahm, Miss Aminah.. you can sleep if you want. Medyo malayo-layo pa kasi ang byahe natin."

Nabaling ang kanyang atensiyon sa nagsalita. Her forehead automatically creased. Labis niyang ipinagtaka ang sinabi ni Caleb. "Ang lapit-lapit lang ng uuwian natin, matutulog pa 'ko?"

"We're going to Barangay Olivero, Miss. Doon ka na muna tutuloy." Caleb added.

"What!?" She frantically hissed then looked outside the window's car.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata sapagkat nasa ibang direksiyon nga ang kanilang tinatahak at hindi ang pauwi sa mga Walton. At handa na sana siyang pagalitan ang mga bodyguards ngunit sa kanya muling pagtataka ay halos sabay-sabay na nagsuot ng kakaibang facemask ang mga ito. Mukhang may idea na siya sa mangyayari ngunit huli na upang tuluyan niyang mapagtanto kung para saan ang facemask na suot ng kanyang mga kasama. Ilang segundo lang ang binilang ay kakaibang amoy na ang bumalot sa kanyang paligid at nagsimula na siyang mawalan ng malay.

Nang magkamalay  siya ay bumungad sa kanya ang isang magarbong silid. Modern victorian era ang design ng nakikita niya sa paligid.

Napabalikwas siya ng bangon.

"Ha! This was not my room." Anas niya sabay sapo sa kanyang ulo sapagkat may kaunting hilo siyang nararamdaman.

"W-wait.. hilo?" After saying it ay mabilis na nagbalik sa kanyang alaala ang pangyayari sa van.

"We're going to Barangay Olivero, Miss. Doon ka na muna tutuloy."

"Madrigal!" Hiyaw niya dahil sa galit.

She got up from bed and abruptly went towards the door. But before she could reach it, the wooden door opened and she saw the Sylvester Olivero smiling widely at her.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon