Chapter 26 - Plan B

1K 28 4
                                    

Macau

"Whatever happens, huwag na huwag kayong aalis sa pwesto niyo. Is that understood?" Knife ordered his twin sisters through his earpiece that is hidden inside his ear.

"Copy that, Venom." The other line answered.

Hangga't maaari sana ay ayaw niyang madamay ang dalawa sa mga pwedeng mangyari mamaya.

Tonight is the big night. Ang itinakdang araw upang ideklara ni Leonardo Jacobs kung sino ang papalit dito. And he's confident enough that he was the one. Ngunit kung hindi man umayon sa kanya ang kapalaran ngayong gabi, ay nakahanda na sila sa mga maaaring mangyari. Sapagkat nakasisiguro siyang hindi na papalagpasin pa ni Marcus Jacobs ang pagkakataon upang makaganti sa kanya. Ramdam niya iyon.

"Si mom.. nakauwi na ba ng Pinas?" Tanong ni Knoelle sa kabilang linya.

"Kahapon pa." Tipid niyang sagot.

Ngumiti siya sa dumaang grupo ng mga kababaihan. Iba't-iba ang lahi. They're wearing expensive long gowns for this particular occasion.

"Hey, Knife. Congratulations in advance. I know you'll be chosen tonight. I am confident with that." One of the woman approached him. Kilala niya ito. Anak ng Russian business partner ni Leonardo. But he forgot her name.

Tipid lang niya itong nginitian. Ang mga kasama nitong mga babae ay panay ang hagod ng tingin sa kanyang kabuuan. He didn't want to associate himself with these women kaya naman magalang siyang nagpaalam na may kakausapin.

"He's going to be our next leader. Leonardo will choose him."

"I doubt that. What about his son and McHale? I'm sure Marcus won't let that happen."

"I can already smell blood scattering on this floor."

"Yeah. Marcus Jacobs won't let that pass. He's ruthless."

"He will surely destroy Marquez."

Hindi niya pinansin ang mga naririnig na usapan habang naglalakad. With his clenched jaw, he went to the spiral buffet table to get some food.

"Everything's ready?" He muttered. Talking to the man in disguise of a food server tonight also wearing a black masquerade mask to hide half of his face.

Rinig niyang kanina pa ito nagrereklamo sa suot dahil makati daw at hindi komportable ang kuwelyo dahil sakop na sakop ang buong leeg nito. Ang iba pang HF agents ay nakakalat din. Iba-iba ang role ngayong gabi.

Hindi naging mahirap sa kanya na ipasok ang mga kasama sa loob dahil na rin sa koneksiyon niya kay Leonardo Jacobs. Siya ang pinamahala ng huli sa event na nagaganap ngayon. He chose a masquerade theme kaya naman madali para sa kanila na makapagbalat-kayo. Hindi madali na pasukin ang balwarte ng mga Martensii kaya naisip nilang makihalubilo na lang sa party. It took days for his team to make a solid plan. Hindi sila maaaring pumalpak.

"Your mom called. She said your wife couldn't eat her food because she's worried about you. 'Di ka daw kasi tumatawag like you promised." The man answered. Completely ignoring his question.

He cursed under his breath. Sinadya niyang hindi tawagan si Aminah sapagkat baka mawala siya focus. He misses her so bad. Baka kapag narinig niya ang malambing nitong tinig ay bigla na lang niyang iwan ang mga Hidden Forces na kasama at umuwi ng Pilipinas. Aminah is his fucking weakness. Kaya ayaw niya munang tawagan ito at marinig ang boses.

"What did you tell mom?" Pabulong niyang tanong na kunwaring kumukuha ng pagkain. Aware siya sa kanilang paligid kaya naman sigurado siyang safe siyang makipag-usap sa mga kasama.

Hate Me Now Love Me LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon