Taas-noong naglalakad si Elisse. Walang pakialam sa mga matang nakamasid at nanunuri sa kanya. She knows her way that's why she didn't need to call for assistance to get to the top floor. The specific place for a Chief Executive Officer like him.
Nang makarating sa pakay na destinasiyon ay walang sere-seremonya niyang binuksan ang pintuan kung saan naroroon ang walang pusong lalaki. But she has to admit, she felt relieved that she's still alive. Alam niyang alam ng lalaki na andito siya sa balwarte nito, na anumang oras ay maaari itong mag-utos sa mga tauhan na patayin siya. And surprisingly, no one attempted to assassinate her while she's on her way to him.
Congrats, self! Buhay ka pa!
Amilios just gave her a bored and coldest look upon entering his office. It is quite chilly inside. Like the way he took a glance of her. The carpeted floor was very smooth that she had to carefully walk because of the high heeled shoes she's wearing. Nagsisi tuloy siya bakit napili niya pang mag-backless ngayon. Her top shows her milky shoulder's skin and has a revealing v-shape neckline. Mabuti na lamang at high waisted faded blue jeans ang kanyang pang-ibaba. She cleared her throat afterwards. Walang pasabing umupo siya sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa nito.
The devil in front of her is busy with his laptop. Clearly ignoring her presence at all. His cold and serious face could intimidate the people around him. Except her, of course. She's used to it, in fact. Saksi siya sa marami pang emosyong ipinakita nito sa kanya habang sila ay-- don't fvcking go there, miss.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na i-postpone mo muna this so-called revenge of yours." Walang patumpik-tumpik niyang saad.
The personified devil didn't answer. He just continue typing something on his laptop. Mabuti na lang din talaga at nagbaon siya ng mahabang pasensiya ngayong araw.
"Who are you again to tell me what to do, specially to my enemies?" Malamig pa sa yelong tugon ng lalaki kapagkuwan.
She rolled her eyes in annoyance. And then she decided to tell him the real reason why she risked her life for coming uninvited in to the devil's lair.
"What if I told you I'm pregnant that's why I'm here?" Aniya sa naghahamon na tono. Then she crossed her arms and confidently raised one of her perfectly shaped brows.
May dumaang kislap sa mga mata ni Amilios na agad ding naglaho. o baka guni-guni niya lang? But she clearly saw amusement danced in his eyes, but in a sarcastic way.
"Hindi ko tatakbuhan ang resposibilidad ko kung ya'n ang inaalala mo, Miss Marquez."
"So.. you mean hindi mo muna ako gagalawin--." Natutop niya ang bibig. Kinagat ang dila kasabay ng pamumula ng buong mukha sa sariling kagagawan.
Si Amilios ay nakatitig lang sa kanya ng walang kaemo-emosyon. Naghihintay lang sa susunod niyang sasabihin at mukha namang walang ideya kung bakit siya namumula.
"I.. I-I mean h-hahayaan mong buhayin ko ang a-anak natin? W-wala munang magtatangkang p-patayin ako?"
She stammered! Damn it!
"Yes. For the meantime.. I'll let you live until you give birth to my first born. The succeeder of my kingdom."
May hatid kilabot ang mga binitiwang salita ni Amilios. Natakot siya sa idineklara nito. Parang gusto na lang niyang mamatay ngayon sapagkat natakot siya para sa kanyang anak. Kung maaari lang ay hihilingin niyang patayin na siya nito ngayon din upang matapos na ang lahat.
Marahan niyang ibinaba ang mga braso. Dinama ng mga palad ang maimpis pa niyang tiyan. Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ay... No, no, no, no, Valerie Elisse. Kasalanan pa din ang mag-isip ng mga ganyang bagay.
"Now, woman. Answer me. Are you carrying my child?"
She stared at him for a while. Kung magsisinungaling siya at hindi magsasabi ng totoo ay maaari silang mapahamak ng ipinagbubuntis niya.
She nodded. Confirming that she's now carrying the devil's heir.
"Nagbunga ang mga araw na nagpakabaliw at nagpa-uto ako sa'yo, Amilios McHale." Puno ng poot niyang sambit. Ngunit hindi niyang pinagsisisihan na may nabuong anghel sa kanyang sinapupunan.
"It is not my fault that you are too gullible to be fooled. How does it feel, huh? Na nauto kita gaya ng ginawa ng ama mo sa ina ko? Your father planned everything to fool my mother for the sake of his own interests! Kahit wala namang ibang ginawa si Mommy kundi ang mahalin siya!" Mabibigat ang bawat bagsak ng mga salita ni Amilios. Puno ng pag-aakusa.
"Uto-uto ka kasi. Just like mom. That's why we're here in this most fvcked up situation." Walang puso pa nitong dagdag na maski ang sariling ina ay hindi na iginalang.
Tila may bumikig sa kanyang lalamunan. Nasaktan siya sa mga narinig. Hindi niya maiwasang pangiliran ng mga luha.
"K-kailangan bang tayong mga anak ang magdusa sa mga pagkakamali nila?" Did you even love me? Lahat ba talaga ng mga ipinakita mo, ay pagpapanggap lang? Kasi ako.. minahal kita, e. Sobra. Hanggang ngayon mahal pa rin kita. Kahit ang sakit-sakit na.
Nais niyang isatinig ang mga salitang iyon ngunit pinigilan na niya ang sarili. Iinsultuhin na naman siya ni Amilios ung ipipilit pa niya.
"Leave. At huwag ka na ulit tutuntong sa teritoryo ko. Ako ang pupunta sa'yo. Hindi ikaw ang pupunta sa'kin." The devil ordered.
BINABASA MO ANG
Hate Me Now Love Me Later
RomanceHATE ME NOW LOVE ME LATER Knife Marquez x Aminah de Salva "I only agreed to this marriage because I made a promise to protect and to take care of you, not to love you, Aminah. You knew that very well from the start, yet here you are begging me to lo...