Naalimpungatan si Dominic at pinakiramdaman muna niya ang palingid kung may kakaiba. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, ng mapagtanto niya kung nasaan siya inilibot niya ang kanyang mga mata napangiti pa siya nagma-alala niyang nakatulog pala siya sa tabi ng kanyang anak habang naglalaro ito. Bumangon na siya sa pagkakahiga sa kama ni Cassey nakita niya ang mga laruan nitong mga nakaayos lahat nakita din niya yun dalawang box na sinasabi ni Cassey na para daw sa twins.
"Masinop ang aking anak sa mga gamit niya, napalaki siyang maayos ng kanyang ina." mahinang wika niya, nanghihinayang siya na wala siya sa tabi ng kanyang anak sa mga nakalipas na panahon.
"I will try to make up for the lost years with you my daughter promise, huwag kang mag-alala babawi si Daddy aayusin lang natin ang gulong ito." bulong pa niya.Pagbaba niya ng malaki nilang hagdanan hinanap agad niya ang kanyang anak, wala sa living room, sinilip pa niya ang hardin nila wala din siyang nakitang tao dun. Bago pa siya makapasok sa kitchen, nadinig na niya ang nagkakatuwaang mga tao dito kaya napahinto siya.
"Ang daya mo naman Cassey kahapon mo pa kami pinahihirapan mag-inglis, marunong ka naman palang mag-tagalog" wika ni Susan isa sa kanilang kasambahay kaya napangiti siya.
"Don't worry my cute kung baby akung magtuturo sayong mag-tagalog bihasa ako dyan, para mahasa yan dila mong spokening dollar hindi ganyan minsan nauuna, minsan nasa gitna o kaya nasa huli yun po at opo mo." sabat pa ni Lourdes
"Hoy Lourdes baka nakakalimot ka hindi karin marunong magtagalog nun bago kang salta dito palipit din yan dila mong bisaya, samin ka lang natuto" ani ng isa kaya sa narinig nilang yun nagtawanang silang lahat ganun din si Cassey masaya ito sa mga biruan nila.
"Cassey saan pala kayo nakatira" tanong ni Carol.
"We born here in the Philippine then nagpunta po na kami sa New York then we move na po sa London." paliwanag nito.
"Kaya pala may pagka-islang pagnagsasalita ka, iba din yun english accent mo." ani Susan.
"Ang galing mong magtagalog marunong karin mamo-po" ani Carol dito.
"Ibig mo bang sabihin sa London na kayo nakatira?" takang tanong pa ng isa.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...