Nakarating kami sa bahay ng lola ni Cassey bandang alas dos na ng hapon. Bumungad samin ang mga taong nakikilamay may kanya kanya sila lamesa, may umiinum lang ng kape at nagkukuwentuhan meron ding nagkakantahang mga kabataan at may mga kalalakihang naglalaro ng baraha sa bilogang lamesa sa gilid ng bahay, mayroon din kababaihan nagbabaraha sa isa pang lamesa. Kaya pumasok na kami sa nakabukas na tarangkahang kawayan. Sa may pinto palang makikita na ang mga korona ng patay na nakapila.
Hinila ko sa kamay si Cassey papasok sa loob ng bahay. Nakita ko naman nakaupo sa tabi ng kabaong si Ate Letty may kausap itong mga matatandang babae at ng makita kami kinawayan niya kamin palapit sa kanila.
"Magandang hapon po sa inyong lahat." bati ko nalang paglapit namin sa kanila. Ng mano naman ni Cassey kay Ate Letty.
"Eto na ba ang apo ni Manang Luisa?" tanong ng isang matanda.
"Oo ito na 'yung anak ni Carmela. Siya naman si Anne ang tumayung magulang ni Cassey." paliwanag ni Ate Letty sa mga kausap niya. Lahat naman sila ay ngumiti at binati ako.
"Ang gandang bata pala niya." komento naman ng isa. Kaya naupo nalang ako sa bakanteng bangko. At nakipagkwentuhan sa kanila. Matapos akung nag-alay ng kaunting panalangin sa mga labi ng lola ni Cassey. Naglabas naman ng maiinum ang isa pang matanda.
Mga kaibigan daw ng pamilya nila ang mga matatanda, ayun kay Ate Letty. Marami silang kwentong puro papuri sa namatay. Ganun naman talaga saka palang maalala ng mga tao lahat ng nagawa mong kabutihan kung kailang patay ka na at hindi mo na maririnig ang mga papuri nila pero hanggat nabubuhay pa puro lahat ng mga mali mo ang nakikita nila kung minsan kahit wala ka naman ginagawang masama sa kanila masama ka parin.
Habang lumalalim ang gabi dumadami naman ang mga taong nakikiramay dahil last night na daw kaya ganuon. May mga kumakanta din mga matatanda na kung tawagin nila haranista. Maya't maya din kami naglalabas ng mamimiryenda ng mga tao. May mga nagbubulontaryo din tumutulong samin para maghugas ng mga baso at tasa.
"Ate Letty patutulogin ko lang si Cassey" paalam ko dahil nalilibang narin si Cassey sa paglalaro sa ibang bata. Pero kailangan na niyang matulog maaga ang libing ng lola niya. Tumango naman ito kaya pumasok na kami sa isang kwarto.
Matapos ang libing ng Lola ni Cassey nag-stay pa kami dito sa bahay nila. Maliit lang ito may dalawang kwarto at isang banyo may maliit din kusina na natatabingan ng kurtina ang pinakapinto. Pero maluwang ang lupang sakop nito, kalahating hektarya mahigit ito may mga taniman ng mga gulay at saging sa likod.
Alam kung balang araw mapupunta ito kay Cassey dahil nakapangalan ito sa tunay niyang ina at hawak ko ang mga dokumento, sakin ipinagkatiwala ng Lola niya. Dito rin titira si Ate Letty dahil wala naman ibang titirhan ito. Bibigyan ko nalang siya ng pangkabuhayan niya. Hindi tulad ng nabubuhay pa ang Lola ni Cassey buwan-buwang ko sila pinadadalhan ng perang panggastos at pambili ng gamot ng matanda. Alam kung masaya na siya ngayon at kasama na niya ang nag-iisa niyang anak.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
Roman d'amourPaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...