Kabanata XV

0 0 0
                                    

Kahit gaano kakinang ang kislap ng mga mata niya pagkasama niya ang kanyang mga apo, mababanaagan pa rin ang labis na kalungkotan sa mga mata niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit gaano kakinang ang kislap ng mga mata niya pagkasama niya ang kanyang mga apo, mababanaagan pa rin ang labis na kalungkotan sa mga mata niya. Tulad na lang ngayon.

"Anne gusto ko sanang makiusap sayo." aniya. Nakatitig ang kanyang malamlam na mga mata sa aking mukha. Alam kung hanggang ngayon, dinaramdam parin niya ang mga nangyari sa pamilya nila lalo na sa kaisa-isang anak niya na tanging kadamay, at katuwang niya sa buhay. Hindi man niya aminin pero ramdam ko kung anung pinagdadaanan niya ngayon.

Isa rin akung magulang kaya alam na alam ko kung anung nadarama niya. Hindi naman niya ako masisisi dahil malaki din ang atraso ng anak niya sakin. Gusto ko munang turuan ng leksyon ang anak niya para matutong mag-isip, at magpahalaga sa damdamin ng kapwa niya, at huwag maniwala sa mga bulong lang ng mga demonyong nag-aanyung tao. Dahil hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo, dapat din alamin mo kung may katotohanan ba ang mga ito. Marami ang mapanglinlang na mga tao ngayon lalo na kung may makukuha siya mula sayo.

"Ano po yun? Kung kaya ko naman wala pong problema." tugon ko agad. Dahil tinuring ko siya parang tunay kung ama. Ilan buwan narin kaming nakatira dito ng mga anak ko.

Tinanggap niya ako ng buong puso nuon, ng walang pagtutol kahit malayo ang angwat ng antas ng buhay mayroon kami. Hindi ko siya kinakitaan ni katiting na panlalait sa kabila ng aming katayuan sa buhay. Niyakap niya ako at tinanggap bilang anak at asawa ng kanyang anak na nag-iisang tagapagmana ng buong kayamanan ng mga Baxendale.

Isang bilyunaryo na nakapag-asawa lang ng isang anak ng drive, at tagapagsilbi. Sa kabila ng kabi-kabila ang mga magaganda at mayayang babae na nangangangarap na maugnay o matapunan lang niya ng pansin, ako pa rin ang pinili at pinakasalan ng anak niya. Madalas niya ikatwiran nuon sa tuwing may mga babaing lumalapit sa kanya "Meron na daw siyang mahal bakit pa siya maghahanap pa ng iba. Sapat na daw sa kanya ang isang babae." At tuwing maririnig ko 'yun mula sa kanya lumulukso ang aking puso sa tuwa. Pag-gagap sa kamay ko ang nagpabalik saking wisyo. Naalala ko nanaman siya.

"Gusto kung ikaw na ang mamahala sa mga ibang negosyo natin, pag-aralan mong mabuti kung paano ito patakbuhin dahil sa inyo din ng mga anak mo ito mapupunta pagdating ng araw." litanya niya na ikinagulat ko dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. "Stay here and help me to manage our business. I'm tired and old hindi ko na kayang mag-isang i-handle lahat ng ito. Isa ka rin Baxendale at ang mga apo ko lang ang tanging taga pagmana ng lahat ng ari-arian meron tayo." Seryoso niyang pahayag na para bang hindi ako pwedeng kumontra o magprotesta. Kaya napalunok ako ng sariling laway ng ilang beses, dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinahayag niya.

"Tito mas maganda po siguro kung si Dominic nalang ang magma-manage ng mga business nyo dahil hindi po matatawaran ang galing niya pagdating sa negosyo." pangangatwiran ko. Ayaw kung makialam sa nga negosyo nila. At ayaw kung isipin nila na interesado ako sa kayamanan ng mga Baxendale. Kahit paano mabubuhay ko ng maayus ang mga anak ko. Sa ngayon mayroon pa rin naman akung kumisyong nakukuha sa mga designed kung mga alahas mula sa isang taong pinagkakautangan ko ng malaki, at kung anung meron ako ngayon.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon