Matinding galit ang nararamdaman niya ngayon para sa dating asawa, kung bakit siya nito pinakukulong ganun anak naman niya ang kinuha niya hindi man lang siya kinausap nito. Kung nakipag-usap lang sana ito sa kanya hindi na sana aabot pa sa ganito, pati anak nila nadadamay pa, bata pa ito wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa palingid niya, napaka-inosente pa nito.
"Magbabayad ka ng mahal sa ginawa mong ito, tandaan mo yan Anastacia, hinding-hindi kita mapapatawad kahit lumuha kapa ng dugo" bulong niya sa kanyang sarili.
Laking gulat pa niya kahapon ng makita ito, ilang beses pa niyang ikinurap ang mga mata. At ng masiguro niyang si Anne nga ang nakikita niya gustong-gusto na niya itong takbuhin at yakapin sobrang na-missed na niya ito, gusto niyang mahalikan ang natural na mapupulang mga labi nito, buti nalang nakapagpigil pa siya. Hindi niya inaasahang sa tagal ng panahon makikita pa niya ito pagkaraan ng ilang taon pagtatago nito. Maging ito'y alam niyang nagulat din namutla pa ito ng makita siya, pero nakabawi din agad, ng lalapitan na niya ito may biglang tumawag ng "Mommy" ditong isang batang babaeng may dalang dalawang box ng barbie doll at isang naka-box na airplane na kulay pula at asul na halos hindi na nito mabuhat, natabunan na nga ang mukha nito, tinawag ito ni Anne ng Cassey at mabilis na hinila papalayo sa kanya at mabilis na sumabay sa mga taong nagkukumpulan. Napakamot nalang siya ng batok niya ng maala-ala ang nangyari sa mall kahapon.
Ang unang babaeng kanyang minahal, ang nag-iisang babae sa buhay niya. Paano ba niya ito makakalimutan, sinaktan siya nito, pero kahit kailan hindi ito nawaglit sa isipan niya, akupado nito ang malaking bahagi ng kanyang puso. Aaminin niya sa sarili niyang nagkaroon din siya ng ibang babae pero kahit isa sa mga iyong wala siyang sineryoso, dahil walang papantay sa dating asawa. Hanggang kama lang ang mga ito, at alam nila ang limitasyon ng mga ito sa kanya, isa lang babae ang nagmamayari ng puso at isipan niya. Pinahanap pa niya ito ng mahigit tatlong taon, nag-ubus siya ng malaking halaga ng pera para lang makita ito pero walang makapagsabi ng whereabout nito kahit anung information about kay Anne siyang nakuha. Ang naibigay lang na information sa kanya ay ang magkasunod na pagpanaw ang mga magulang nito na ni hindi man lang niya nasilid ang mga libi ng mga ito. Yun lang ang naibigay ng mga na-hired niyang imbestigador, bukod dun wala na.
Ang babaeng kanyang minahal, ang babaeng halos sambahin na niya, ang nag-iisang babaeng minahal niya ng walang kapantay ay siya palang sisira ng buhay niya, ng pamilya niya. Ang babaeng mala-angel ang mukha nuon ngayon ay nag-anyong demonyo na. "Wala kang utang na loob, pag-sisihan mo lahat ng ito, may araw karin, luluhod karin sa aking paanan, ipalalasap ko sayo ang impeynong sinasabi mo." bulong niya sa isip niya.
Dahil hindi naasikaso agad ang mga dukumento para mapeyansahan si Dominic kung kayat sa presinto siya magpapalipas ng magdamag ngayon. Paano ba ako matutulog sa ganitong lugar halos dikit-dikit na kami dito sa isang maliit na kwadradong silid na tanging karton lang ang nagsisilbing higaan nila, mainit pa tanging isang maliit lang na electric fan ang meron.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...