"Bakit po?" Tanong ko agad pagpasok ko sa bahay ampunan, dahil nakita ko silang mukhang balisa na hindi alam kung saan susuling, umiiyak din ang ibang may edad ng mga babae. "Ano pong nangyari Mother? Bakit po sila umiiyak?" Sunod sunod kung tanong. Dahil nakaramdam na ako ng kaba sa aking dibdib, na baka may nangyaring masama.
"Ikaw pala hija." aniya pero kita ko rin sa mga mata niya ang nagbabadyang namumuong luha.
"May nangyari po ba?" Tanong ko ulit at umupo sa visitor chair sa harap ng table niya.
"May mga taong nagpunta dito, kinukuha na nila itong lupang kinatitirikan ng bahay ampunan. Gagamitin na daw nila. Maghanap na daw tayo ng malilipatan natin." saad niyang walang paligoy-ligoy na ikinagulat ko.
"Ang sabi niyo sa bahay ampunan itong lupa, bakit ngayon meron umaangkin ng lupa? Hindi ba sabi n'yo idinonet ito sa inyo?" tanong ko na kay Mother.
"'Yun din ang pagkaka-alam ko."Aniya, kita sa mukha niya ang labis na kalungkotan. "Dahil yan ang sinabi sabi ng pinalitan kung dating namamahala dito." dagdag pa niya.
"May mga ipinakita ba silang mga katibayang napapatotoong pag-aari nila itong kinatitirikan natin?" tanong ko nalang dahil hindi ko alam kung paano makakatulong sa kanila.
"Meron silang hawak na mga dokumento sa katunayan may kasama pa silang abogado. Wala din tayung hawak na magpapatunay na may nag-donate nga satin ng lupang ito." saad niya kaya pasandal nalang ako sa likod ng bangkong kiuupuan ko, alam kung sa akin sila aasa.
Akala ko tapos na ang paghihirap ng kalooban ko dahil natapos na ang laban ko sa mga Baxendale meron pa pala at ibang pakikipaglaban nanaman. Saan ako kukuha ng malaking halagang ibibili at ipagpapagawa ng isang bahay kalingang kukupkup sa mga kapus palad na tulad ko. Marami silang nakatira dito, maraming mga batang umaasa lang ditong nakatira. Hindi rin kalakihan ang natatanggap nilang tulong mula sa mga taong nagkukusang magpaabot ng tulong. Alam ko rin hindi sapat ang ipon ko, may mga anak din akung umaasa sakin.
"Kailan po sila babalik? Baka pwede natin silang pakiusapan." aniko. Hindi ko pa alam kung ano ba ang ipapakiusap ko sa kanila dahil wala pa ako makapang paraan upang makatulong sa bagong problemang kinakaharap namin.
"Wala silang sinabi, basta ang sabi babalik ulit sila." tungon niya.
"Ano lang po bang mga dokumento ang hawak niyo tungkol sa lupang kinatitirikan natin?" tanong ko dahil kung meron, anung klasing dokumento ang hawak nila.
"Wala kaming makita Anne, maliban nalang sa isang memorandum of agreement, na anytime na kailangan na ng may ari ang lupa pwede nila tayo paaalis dito." aniya. "Meron din silang katibayang hiniram lang natin ang lupang ito." paliwanag niya.
"Hindi naman po nila tayo basta basta nalang mapapaalis dito. Napakaraming mga batang mawawalan ng tirahan na umaasa lang dito sa ampunan." Litanya ko. Paano na sila. Hindi naman pwedeng bumalik ulit sila sa lansangan at mamalimos baka gamitin lang sila ng mga sindikato, malalagay sa piligro ang buhay nila, masisira ang kinabukasan ng mga inosenteng bata lalo na ang mga babae, baka mapariwara sila. Anung kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung walang matinong taong kukupkop sa kanila.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
RomancePaano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabi...