Kabanata XIX

0 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ba! Sabi ko nagugutom ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano ba! Sabi ko nagugutom ako. Gusto kung kumain ng santol." halos pasigaw niyang turan, nakatitig lang siya kay Tyron na namumula na ang mga mata, ano mang oras tiyak na mapupuno na ng luha ang kanyang mga mata.

Nilingon ako ni Tyron at masama niya akung tiningnan. "Santol daw." asik niyang nakatingin sa akin kaya dahan-dahan kung ibinababa sa sofa sila Cassey at Anezia para tumayo. "Mag-umpisa ka ng magbayad ng mga utang mo sakin." dugtong pa niyang singhal. Bahagya naman akung tumango, kahit nagtataka ako kung anung utang ang sinasabi niya. Wala rin akung pwedeng daanan kung hindi sa tabi ni Anne na kunot ang noon sa hindi ko rin maintindihan.

"Dominic madami dalang mga prutas si Anne nasa kusina." saad naman ni Trexie.

"Ok, kukuha nalang ako." ani ko at naglakad na putungo sa kitchen at nilampasan ko si Anne. Amoy na amoy ko pa ang shampoo ginamit niya. Medyo basa pa rin ang kanyang buhok. Gusto ko man siyang yakapin at hagkan pero hindi na pwede, pag-aari na siya ng iba, nakaharap din si Kalev.

"Which one is santol?" tanong ko pagpasok ko sa living room may dala akung tatlong prutas, isang kulay dilaw, isang green at maroon, hindi kasi ako sigurado kung alin ang santo sa kanila.

"Oohh! Let me see this." ani ng babae at kinuha niya sa kamay ko yun kulay maroon. "I like this. Matagal na akung hindi nakakatikim nito." Aniya at bigla nalang niyang biniyak yun at kinain. "This is caimito. Meron sa mga lolo ko ng kanito noon bata pa kami." dagdag na wika pa niya at parang sarap na sarap siyang kumakain.

"This one is santol." turo naman ni Trexie sa kulay dilaw na prutas. "The green one is guava." Aniya. Kaya bumalik nalang ako sa kitchen para balatan at ibigay ang request niya.

"Hindi mo na ba alam kung ano ang santol?" malumanay niyang wika na halos mapalundag ako sa pagkabigla dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Lumakas din ang kabog ng aking dibdib na hindi ko mawari kung bakit, dahil sa takot o dahil baka sumbatan niya ako kung bakit nakakalaya na ako.

"H-hindi ko kasi matandaan kung anung kulay ng balat niya. Lagi ko kasing nakikita noon kulay puti siya na nakababad sa garapon na may tubig at may stick na maliit." halos mautal kung saad. "Lagi kang bumibili noon high school tayo, maasin din siya na isinasawsaw mo sa asin." saad ko.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon